---------------
Hindi naman malayo ang pamilihan sa bahay ko kaya ilang minuto lang ang lalakarin namin papunta sa pwesto ni aling Martha.
Si aling Martha ang parang tumayong nanay namin ni Sid ng mga bata pa kami.
Nagtitinda siya ng iba't ibang pagkain sa pamilihan at matagal na namin siyang kilala.
Hindi siya ang pangkaraniwang matanda na uugod-ugod dahil sa kahinaan ng katawan. Malakas siya at masipag. Ang tanging palatandaan lang na matanda na talaga siya ay ang mga kulubot sa mukha niya at ang mapuputi niyang buhok.
Wala siyang ibang pamilya maliban sa amin ni Sid. Nang mga panahon na naghihirap kami ni Sid, siya ang tumulong sa amin. Tinuruan nya kami na mabuhay gamit ang aming katawan at utak.
Ang pamilihan na ang nagsilbing bahay ni aling Martha. At alam namin kung gaano ito kahalaga sa kanya.
Nakarating kami sa pamilihan at agad na hinanap namin ang pwesto ni aling Martha.
Inabutan namin ang matanda sa harap ng tindahan nito na parang kanina pa naghihintay.
"akala ko eh hindi na kayo makakarating dalawa" sabi ni aling Martha habang papasok na kami sa maliit na tindahan.
Pagkaupo namin sa lamesa ay agad nya kaming hinainan ng pagkain. Isang malaking tinapay, mantikilya at gatas.
"Maligayang kaarawan Mirage" agad kong niyakap si aling Martha. Sya nalang ang itinuturing kong kapamilya. Kahit walang regalo o handa masaya na akong kasama siya.
"teka may ibibigay pa kami" pahabol ni Sid. Eto na ba ang sorpresa na sinasabi nya sakin?
"Sandali lang, kukunin ko lang" umalis si aling Martha at nagpunta sa kwarto. Ilang sandali pa bago ito lumabas. May hawak itong isang bagay na nababalutan ng tela.
"Heto, buksan mo" iniabot nya sakin yung tela. Medyo kinakabahan pa ako ng bubuksan ko na ito.
Then I was speechless. Inside was a beautiful bracelet made of silver and little sapphires. Napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Nagustuhan mo ba?" tanong sakin ng matanda. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Medyo nagulat pa ako sa natanggap na regalo.
"Mabuti naman, ako gumawa nyan at si Sid ang naghanap ng mga materyales" Di ko mapigilang maluha. Sobrang effort ang ginawa nila para gawin ito. Alam ko na malaking halaga ang aabutin ng bracelet kung ibebenta nila ito.
Niyakap ko ng mahigpit si aling Martha. Ang regalong ibinigay nila ang pinakamahalagang bagay ko ngayon sa mundo.
"Bakit ako walang yakap" reklamo ni Sid. Tinawanan ko sya na ikinasimangot niya.
Matapos ng konting kwentuhan, nagpaalam na rin kami kay aling Martha. Mamimili pa kami ni Sid ng ilang pagkain bago tuluyang umuwi.
Maraming tindahan ng prutas at gulay sa paligid. At medyo maalikabok na ang daan dahil sa init. Natuyo na ang lupa.
Hindi naman ganoon kalaki ang bayan ng Palaecia, ang lugar na tinitirhan ko. Pero mukha na ring malaki dahil sa nakatayong palasyo sa dulo ng bayan.
Iyon ang bahay ni Emperor Ganir.Maraming sundalo ang nakapalibot doon at bantay-sarado ang buong lugar.
Lahat ng bahay gawa sa kahoy. Maliban lang doon sa palasyo. Gawa iyon sa bato at medyo may kalakihan din.
"Sobrang init naman ata ngayon. Parang gusto kong magbabad sa ilog kapag ganito ang panahon" nakakunot ang noo na sabi ni Sid. Tumingala pa sya at tinignan ang araw. Ngumiti naman ako at umakbay sa kanya.