++++Chapter 7+++

91 8 0
                                    

-------------------

My face feel sticky.

Hinawakan ko ang mukha ko. Basa.

Is it blood?

May tumatama ring sikat ng araw sa mukha ko.

Nang sinubukan kong dumilat, naramdaman kong masakit ang buong katawan ko.

Napansin ko agad ang isang malaking itim na aso na nakatingin sa akin.

Hindi dugo ang bumasa sa mukha ko kundi laway nung aso.

Pinunasan ko bahagya ang mukha ko bago tuluyang naupo.

Wala na ako sa gubat.

Nasa isang sala ako at nakahiga sa isang sofa. Maliit lang ang sala ngunit malinis ito at maaliwalas sa paningin.

I stand up and noticed something.

Nababalutan ang katawan ko ng puting benda.

Bakit nga ba ako napadpad sa lugar na ito at bakit ang dami kong sugat.

. . .

Ah.

Tumakas nga pala ako sa Palaecia.

I was almost killed.

I almost died on the forest.

I run. Flew. Fell and lost conciousness.

Nakausap si Serene at nalaman kung ano ang itsura ng katawan ko.

Well, mukhang hindi ako kinain ng kung ano at may gumamot sa mga sugat ko.

Sinubukan kong igalaw ang kaliwa kong braso na nabali ng nahulog ako sa puno.

Mukhang maayos na din ito.

Siguro mas maganda kung hahanapin ko ang may-ari ng bahay para magpasalamat. Kung wala siya malamang ay natuluyan na ako.

"Gising ka na?!" napaharap ako bigla sa nagsalita at nakita ang isang maliit na batang babae. Nakatayo ito sa pinto na sa palagay ko ay ang kusina.

Magulo ang kulot na buhok nito at nakanganga ito sa akin na halatang nagulat.

Pakiramdam ko muntik na rin akong atakihin sa bigla nyang pagsulpot.

Hindi ko alam ang sasabihin. Ramdam ko ding medyo nahiya sa akin ang bata.

"Gwen! bakit kaba sumisigaw?" may lumabas na isang may edad na babae sa kusina. Napatayo at tumakbo naman yung bata.

"Mamang! gising na sya gising na po siya!" mukhang tuwang-tuwa yung bata na sa palagay ko ay Gwen ang pangalan. Hinihila niya ang palda ng tinawag niyang Mamang.

Napatingin naman sa direksyon ko ang babae.

She look shocked when I met her eyes.

"Naku! Halika at kakain na siguradong gutom ka na. Tatlong araw ka ng hindi nagigising at nag-aalala na kami" hinawakan niya ang noo at leeg ko. Hindi naman ako nakagalaw habang iniinspeksyon nya ako.

"At mukhang wala ka na ring lagnat"

"Ta-tatlong araw?" I can't believe nakatulog ako ng ganoon kahaba. Imposible.

"Halika na" hinila niya ako bigla papunta sa kusina. Pinaupo niya ako at saka hinainan ng pagkain.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na kumain dahil naramdaman ko na ang epekto ng tatlong araw kong pagtulog.

"Gusto ko po sanang magpasalamat sa lahat ng tulong. Siguradong namatay na ako kung hindi nyo ako iniligtas"

"Hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin. Tungkulin kong tumulong." ngumiti siya sa akin. Napangiti na din ako.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon