Eto nanaman, nakatayo ako sa harap ng aking bahay sa Palaecia.
Nasisiguro kong lalabas si Serene. Pero ang ibig sabihin ba nito patay na ako? Na dininig ni Serene ang hiling kong gabayan ang kaluluwa ko?
Bumagsak ako. Imposibleng hindi ako mamatay.
Nilinga ko ang paligid. Hinanap ko si Serene. Ilang lingon pa ay nagulat ako ng makitang nasa tabi ko lang siya. Ganun pa rin ang itsura ni Serene, nagliliwanag pa rin sa ilalim ng buwan.
"Narinig ko ang panalangin mo. Hindi ba't sinabi ko sayong hindi diwata ang tamang tawag sa akin" Nakangiti si Serene. Naglalaro sa liwanag ang maganda niyang mata.
"Ngunit dininig mo pa rin ang hiling ko. Narito ka at gagabayan mo ang kaluluwa ko" Tumawa ito ng malakas na ipinagtaka ko, napansin ko ding naging ginto ang mga mata niya.
"Iniisip mo ba na patay ka na?"
"Hindi nga ba? Nahulog ako at siguradong nalasog na ako sa pagbagsak ko" Kinilabutan nanaman ako sa isipin.
"Huwag kang mag-alala hindi ka pa patay. Tinulungan ka ng mga ibon, ibinaba ka nila ng dahan-dahan sa lupa. Sa ngayon wag mo munang problemahin kung saan ka bumagsak, sigurado akong ligtas ka." napahinga ako ng malalim. Buti na lamang pala at nandon ang mga ibon.
"Halika kailangan nating abutan ang mga kaibigan mo" nagsimula ng maglakad si Serene at wala na akong nagawa kundi sundan siya.
"Ano ba talagang kulay ng mga mata mo?" agad kong tanong ng makaabot ako sa kanya. Nagulat si Serene sa itinanong ko. Maging ako ay nagulat din.
Mukhang nakabawi naman si Serene sa pagkagulat dahil tumawa ito.
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Sabihin na lang natin na ang kulay ng mata ko ay lahat ng kulay" namamanghang tinignan ko siya. Kakaiba talaga si Serene.
Napansin kong ang tinatahak naming daan ay papunta sa Southern gate. Malapit sa lugar kung saan ako tumakas.
Malapit na kami nang makita ko sina Nero at Sid.
May isa pang kasama ang mga ito kaso hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan iyon ng hood ng cloak na suot nito.
Kung babae ito o lalaki ay hindi ko alam.
"Hey, hindi ka ba talaga sasama? Mas ligtas kung sasama ka sa amin." wika ni Nero.
Nakita kong maydala itong mga bag. Mukhang maglalakbay ito kasama ang misteryosong tao na hindi ko makita ang mukha.
Umiling naman si Sid.
"Hindi. I felt something, parang kailangan pa ako dito. Mag-ingat kayo at bilisan nyo bago pa kayo mahuli ng mga sundalo"
"Don't worry. May alam akong kakaibang paraan ng paglalakbay"
"Kung makikita mo si Mirage, ingatan mo siya. Susunod din ako sa inyo. Sige na umalis na kayo"
I felt relieved. Sa tono ng pananalita ni Sid mukhang hindi siya galit sa akin.
Nagpaalam na si Nero kay Sid. Tumango naman yung kasama niya.
Nagsimula na silang maglakad patungo sa gubat. Umalis na rin si Sid at kami na lang ni Serene ang natirang nakatayo.
"Hindi ba talaga nila tayo nakikita? Isa lang ba tayong ilusyon?" Tanong ko kay Serene.
"Hindi ba at iyon ang ibig sabihin ng pangalan mo, ilusyon. Hindi nila tayo nakikita at hindi rin nila alam na nandito tayo"
"Why did you show this to me? Hindi rin naman umalis sa lugar na ito si Sid" kung nakikita lamang ako ni Sid sasabihin ko umalis na siya sa lugar na ito.