++++Chapter 5+++

78 8 0
                                    

---------------

Gaano kasarap ang kalayaan?

Hindi ko maexplain. Sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.

Ganito pala ang pakiramdam ng malaya kang makakalipad. I feel that I'm really alive.

Buong buhay ko, nakulong ako sa lugar na nag-iwan sa akin ng masasamang karanasan. Ang buong akala ko hinding hindi na ako makakaalis pa.

Kung nasaan man ang mga magulang ko ngayon, I know they are happy for me.

I will find Marcus.

Iyon lang din naman ang pinanghahawakan kong pangako sa mga magulang ko. Naniniwala akong makikita ko pa si Marcus. Kahit gaano pa kalaki ang mundo hahanapin ko sya.

Pero ang dapat ko munang problemahin sa ngayon ay kung may malapit na bayan. Hindi tatagal sa dalawang araw ang dala kong pagkain idagdag pa ang mga sugat ko sa katawan.

Isa-isang sumabay sa paglipad ko ang mga ibon. Nakakatuwa sila at nakakainggit. Wala silang inaalalang mga problema at malaya sila sa lahat ng oras.

Namimiss ko na si Sid at aling Martha. Nagaalala naman ako kay Nero.

Sana hindi napahamak si Nero. Sana hindi pa natutuklasan ni Sid ang lahat. Alam kong hindi ko mapipigilan ang katotohanan, lalabas at lalabas ito at magagalit si Sid sa akin.

I know there is a lot of reason why I deserve Sid's anger.

Una, dahil isa akong isinumpa at pangalawa, dahil naglihim ako sa kanya.

Life is a bitch. It always bite you back.

Hindi ko muna iisipin ang mga iniwan kong problema. Sa ngayon masaya ako at nagagawa ko ng makipag unahan sa mga ibon.

Buong maghapon akong lumipad. Sumakit na ang buo kong katawan kaya naisipan kong humanap ng isang malaking puno.

Binuksan ko ang dala kong bag nang maakaupo na ako sa sanga ng isang puno na nakita ko.

Isang bote ng tubig, dalawang malaking tinapay, at isang maliit na keso. Yun ang laman ng bag.

Mukhang kailangan ko ring problemahin ang tubig.

Sinimulan ko ng kumain. Malamig ang gabi at nagsisisi akong hindi magdala ng jacket o kaya kumot manlang. Syempre biglaan ang pangyayari wala talaga akong madadala.

Niyakap ko nalang ang aking sarili at pinilit matulog ng nakaupo sa malaking sanga ng puno kasama ang mga ibon. Ilang oras din ang lumipas bago ako tuluyang mahimbing na nakatulog.

O yun ang akala ko.

Nagising akong nakatayo sa harap ng bahay ko sa Palaecia. Nagtatakang tumingin-tingin ako sa paligid, gabi at wala ng tao.

Why am I here?

Nagsimula na akong maglakad papunta sa aking bahay baka mamaya may makakita pa sa akin. Nasa pinto na ako ng bigla itong bumukas.

Dalawang lalaki ang lumabas mula sa bahay ko.

One has a chocolate brown hair while the other has bright red hair.

What are this two doing in my house?

Magkasama sina Sid at Nero.

Sinubukan kong magtago pero nakalapit na ang dalawa sa kinatatayuan ko.

Hinintay kong bulyawan nila ako at pagalitan pero dinaanan lang nila ako na parang wala ako doon. Weird.

Napansin kong puno ng benda ang katawan ni Nero.

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon