--------------------------
Nakatayo ako sa bintana sa kwarto namin ni Gwen. Tinitigan ko ang malawak na gubat.
I held my empty hands.
Wala na doon yung ginawang bracelet nina Sid.
Naiwala ko ang kaisa-isang bagay na makakapagpaalala sakin kina aling Martha at Sid.
Malamang nahulog iyon noong tumatakbo ako sa gubat.
I lost their memento.
Now I have too many things in my
mind. Hindi ko na din alam kung mahahanap ko pa yung bracelet.
Kailangan ko na ding umalis para hanapin si Marcus. Pero may isa pa akong option, ang hintayin si Nero.
Kaya hanggang ngayon hindi pa ako makaalis kasi iniisip ko na baka makita ko si Nero.
Malaki ang possibility na makarating sya sa lugar na ito dahil pareho lang kami ng daang tinahak.
"Ate Mirage?" Mahinang tawag ni Gwen sa akin, mukhang nagising na sya.
Dahil wala ng iba pang kwarto sa bahay kaya magkasama kami ni Gwen ngayon.
Ayoko rin naman silang abalahin dahil alam kong hindi din ako magtatagal. Kelangan ko ding umalis.
Hindi na masyadong nahihiya si Gwen sa akin. Mukhang nasanay na sya sa presensya ko sa bahay.
Umupo si Gwen sa higaan at tinignan ako. "Bakit malungkot ka?"
Minsan ginugulat ako ni Gwen. Para kasing marami siyang alam. Parang alam niya ang nararamdaman ko.
She looks like a child with an adult mind.
"Alam mo may hinahanap kasi ako kaso hindi ko pa rin siya makita"
"Sino naman ang hinahanap mo? Kuya mo?" hindi ako sumagot. Tinignan ko lang sya na parang nagtatanong kung paano nya nalaman.
"Tama ba ako? Hinulaan ko lang kasi" ngumiti sa akin si Gwen. Ginantihan ko din sya ng ngiti.
Biglang bumukas yung pinto. Sabay kaming napatingin ni Gwen kay tiya Audrey.
"Mirage, pwede ka bang sumama sa akin sa labas ng bahay. Saglit lang ito" tumango ako at sumunod kay tiya Audrey papunta sa labas.
Nang makalabas kami, nakita ko yung lalaki sa bar nung isang araw. Yung masamang makatingin.
"Dice, si Mirage ang pupunta sa meeting para sa akin" hinawakan ni tiya Audrey ang balikat ko.
"No. Ikaw ang pupunta tiya Audrey." Tinignan ako ni Dice na parang may nakain syang mapait.
Seriously, What is wrong with him?
"Uhm, anong meeting?" Tanong ko kay tiya Audrey.
"That doesn't concerns you" sagot ni Dice. Tinignan naman sya nang masama ni tiya Audrey.
"This concerns her. Nakatira sa akin si Mirage. Nandito sya sa bayan natin, sapat na yung dahilan. Isasama mo sya Dice at makikinig ka sa akin" isinuklay ni Dice ang kamay sa buhok nya. Mukha siyang naiinis.
Feeling ko hindi talaga gusto ni Dice ang sinabi ni tiya Audrey.
"Tsk. Fine." naglakad na palayo si Dice. Bahagya akong itinulak ni tiya Audrey.
"Bilisan mo sundan mo na si Dice. May meeting sa bar tungkol sa bayan natin. Can you go there for me? May kailangan lang kasi akong gawin kaya hindi ako makakapunta"
