++++Chapter 3+++

76 9 0
                                    

---------------

I felt infinite.

Lumilipad daw ako sa panaginip . .

Ang sarap sa pakiramdam. Everything is right in front of my eyes. The trees, the sky, the moon. Everything.

Ang liwanag ng buwan, parang kaya kong abutin.

Ilang minuto din ata akong lumilipad at parang hindi ako napapagod.

Medyo malapit ko nang marating ang palasyo ng Emperor. Kahit sa panaginip man lang makalapit ako sa lugar na iyon. Pang-aasar lang.

Pero bago pa ako makarating sa palasyo, nakarinig ako ng sigaw.

pagtingin ko sa ibaba nakita ko si Nero at Sid. . .

Teka? Si Nero at Sid? anong ginagawa ng mga ito sa panaginip ko?

Panira ng panaginip...

Narinig ko ulit si Nero may isinisigaw...Pinakinggan ko...

"hoy Mirage umuwi kana!" sigaw ni Nero. Napatingin ako kay Sid. May kung ano sa mga mata niya.

...galit?

...suklam?

Hindi ko masabi dahil patuloy lang sa pagsigaw si Nero. He is so persistent. Binato pa nya ako ng bato.

Sinambot ko yung batong at binato ko din siya.

"araykup---!!! Hoy pinapauwi na kita! pagnakita ka ng mga sundalo bahala ka sa buhay mo!"

"hahahaha!!" tawa lang ako ng tawa. Tinamaan ko kasi sa ulo si Nero. Ewan ko lang ba't di dumugo.

"wag mo akong tawanan!! Uwi na sabi!" nagagalit na talaga si mokong.

"Umuwi ka na" napatingin ako bigla kay Sid. Bigla din kasi syang nagsalita, ang lamig pa ng pagkakasabi nya. Kahit si Nero mukhang nagulat sa kanya.

Tumalikod na si Sid at nagsimula ng maglakad palayo.

"oi! wag mo akong iwan" sumunod naman si Nero.

Magkasundo yung dalawang mokong sa panaginip ko. .sa totoong buhay lagi silang nagaaway.

Sana ganito nalang lagi ang panaginip ko. Pero ayaw ko yung seryosong Sid. Ano kayang problema nya??.

Makauwi na nga lang. Sinira na nung dalawa yung moments ko. leche!!

At isa pa ang weird naman na panaginip ito.

Si Sid at Nero magkasundo??? Di ako maka get over.

Atsaka galit sa akin si Sid??

At pinapauwi nila ako . .

Ang weird!

Lumilipad na ako pauwi ng may bigla akong maalala.

Alam ko na kung bakit mukhang galit si Sid. At ngayon sigurado na ako na galit talaga sya.

Dahil galit siya sa mga katulad ko.

Dahil sa isang cursed namatay ang ate niya . . .

Si Felisa yung ate ni Sid, ang babaeng hinatulan kasama ang mga magulang ko. Kasama ang kasintahan nya, Si Enric, isang isinumpa. Hinatulan rin noon si Enric kasabay ng mga magulang ko. Magkakasama silang apat.

Nalaman ko nalang ang kwento nung dalawa mula kay Sid.

Mga baliw kasi, magpapakita nalang ng kapangyarihan sa gubat pa. Napakarami pa namang rumurondang mga sundalo roon.

Si Enric ay siyang shapeshifter. Yun yung itinatawag namin sa kanya kasi kaya niyang gayahin ang anyo ng kahit na anong hayop.

Sabi ni Sid, hindi niya alam na ang palaging kasama ng ate niya na aso ay si Enric.

Ayos din yung style nung dalawa kung ako ang tatanungin.

Ang kaso nahuli sila at hinatulan ng kamatayan.

Naaawa ako sa kanila. Masama ang umibig sa isang cursed lalo kung normal ka. Hahatulan ka ng kamatayan kapag napatunayang lumabag ka dito.

Yun nga ang naging kapalaran ng ate ni Sid.

Sana tumakas nalang yung dalawa. Tulad ni kuya. Naging malaking ibon nalang sana si Enric at lumipad palayo kasama si Felisa at Sid. Para hindi natulad sa kapalaran ko si Sid.

Ngayon galit siya sa mga uri ko. Kaya nga hindi ko kayang sabihin sa kanya ang sikreto ko. Natatakot akong magalit sa akin si Sid.

Argggh!!! Bakit ba ganito ang panaginip ko. . .

May gusto bang ipahiwatig ang lahat.

Na malalaman ni Sid ang sikreto ko, magagalit at iiwan ako?

Kaya ba magkasama ito at si Nero ay dahil sila na ang bagong bestfriend.

Napaparanoid na ako.

Basta hindi dapat malaman ni Sid ang lahat.

Mawawalan na ako ng pamilya.

Ayaw kong mag-isa. . .

Hindi pwede. . .

Selfish na ako kung selfish pero hindi ko kayang i-risk ang lahat.

Hindi ko kayang i-risk si Sid.

Ayaw ko na ng mga panaginip.

_______________

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon