++++Chapter 4+++

77 8 1
                                    

---------------

Nagising akong parang natatakot, ewan ba kung bakit ang sama ng panaginip ko.

Huwag naman sanang magkatotoo. Nagugutom na ako. Hindi ako naghapunan at pakiramdam ko pagod na pagod na ako.

Papalabas na ako ng kwarto ng marinig ko na medyo maingay sa labas.

Sumilip ako sa bintana, at nagulat sa nakita. Bakit may mga sundalo sa labas ng bahay ko?

Pero ang mas nakakabigla, kasama nila si Nero at nakasuot ito ng uniform ng mga sundalo. Isang leather jacket na may tatak ni Emperor Ganir. . .magkaharap na Leon at Agila. Kitang-kita ko yung tatak dahil nasa braso ito nung jacket.

Seryoso ang mukha ni Nero habang kausap ang isa sa mga kapitan, si Leon. Bakit kausap ni Nero si Leon? Bakit nakapang sundalo ito? Posible kayang isa si Nero sa kanila? O baka naman panaginip ulit ito.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kinakabahan ako?

Tinitigan ko pa ng maigi si Nero, baka namamalik-mata lang ako. Pero hindi eh, sya talaga. Kahit saang anggulo ko pa tignan.

Nakaramdam ako ng galit at pagkalito. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nandoon si Nero pero walang lohikal na sagot ang lumabas.

Halos dalawang taon na kaming magkaibigan...and yet I am betrayed. Everything is crystal clear, Nero is a scum. A big fat lier.

Nakaramdam ako ng init at nakaamoy ako ng usok. Sinusunog nila ang bahay ko.

Umalis na ako mula sa pagkakasilip. Kailangan kong makaisip ng paraan para makaalis.

"Mirage!! alam kong nandyan ka sa loob! lumabas ka at tahimik na sumama sa amin o susunugin namin ang bahay mo!" Susunugin?! Eh sinusunog na nga nila ang bahay ko.

Wala na talaga akong iba pang pagpipilian. Kailangan kong makatakas. Napapalibutan nila ang bahay ko at iisa lang ang alam kong dapat gawin.

Basta naramdaman ko nalang ang sariling tumatakbo papunta sa pinto. Nakarinig ako ng mga sigawan ng makalabas.

Sinisigaw nila ang pangalan ko.

Hindi ko mapigilang mapatingin kay Nero. May bahid ng panic sa mga mata nito.

Tinignan ko sya na parang nagtatanong kung bakit nya iyon nagawa.

Sinubukan kong tumakbo ulit pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa likod ko. May biglang humapas sa akin.

Nilalatigo nila ako, Mga walang hiya! Pinilit kong tumayo. Napakaraming latigo ang tumama sa likod ko pero tiniis ko iyon hanggang magtagumpay ako malagpasan ang mga sundalo.

Nakalayo ako pero ramdam ko ang sakit. Alam kong dumudugo na ang aking likod, maraming dugo. Ilang liko rin ang ginawa ko dahil bigla akong nakakakita ng sundalo. Hanggang mapadako na ako sa daan papuntang pamilihan.

Bakit ngayon pa hindi lumalabas ang mga pakpak ko kung kailan kailangan ko?

Naiinis ako, naiinis ako sa emperor, naiinis ako sa aking sarili dahil napakahina ko sa mga oras na ito at higit sa lahat naiinis ako kay Nero dahil tinraydor nya ako.

Tumakbo na ako papunta sa isang maliit na eskinita.

Wala na akong ibang inisip kundi ang makatakas sa lugar na ito. Ito ang Palaecia, ang lugar kung saan hindi tanggap ang mga katulad ko. At tulad ng inaasahan, tatakasan ko din ang lugar na ito.

Siguro napapanahon na nga para hanapin ko si kuya. Yun ang una kong gagawin kapag nakaalis na ako sa lugar na ito.

yun ay kung makakaalis pa ako ng buhay.....

CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon