Chapter 1

40 5 2
                                    

Meron magkapatid na Yna at Yana,
Si Yna ang pangatlong kapatid ni Yana. Magkaklase sila dahil si Yna ay huminto sa pagaaral dahil sa kahirapan at Nanay niya nagsisideline maglabandera at Janitor, Ang Tatay naman nila ay napilay dahil sa naaksidente ito sa trabaho niya at Kuya naman nila Isang Tricycle Driver at pangalawang Kuya naman ay College Student at nagpart time ito magtinda ng meryenda

Pumasok na sina Yana at Yna sa classroom nila, Bigla Dumating si Mr. Lee para magannounce.
"Good Afternoon class, Magaannonce lang ako sa inyo free time niyo ngayon dahil busy kami sa ginagawa namin proyekto and then goodbye class."

Nag biruan ang mga classmate ni Yana at Yna, Inasar ni Arthur si Yana na crush niya si Kenji at sagot naman ni Yana "Di ko crush yan." At bigla tawa ang buong klase. Maya-maya naguwian na, Di kasabay ni Yana Si Yna dahil may pinapagawa si Ms. Kim sa kanya

At sinabihan ni Yna ang kanyang kapatid. "Yana mauna ka na umuwi, May pinapagawa si Ms. Kim sa akin at sabihan mo na lang kila Nanay at Tatay."

Habang naglalakad si Yana bigla dumugo yung ilong niya. Akala nito dahil sa pagod lang, Nasalubong nito si Ethan na kaibigan niya na mayaman.

Nakita dumudugo ang ilong nito  tinanong siya nito."Anong nangyari sayo."

Sagot naman ni Yana."Wala ito, Baka sa pagod lang."

Niyaya naman ni Ethan si Yana. Di na siya tumangi dahil sa dami na niya atraso kay Ethan kaya pumunta na sila sa malapit na hospital at Tinest ang dugo ni Yana dahil maputla ito at ang resulta

Sabi Ng doctor.
"iha, may lukemia ka at stage 4 na, Isang linggo na lang Ang natitira sayo."

Nagulat sila Yana at Ethan sa sinabi ng Doctor. Hinatid ni Ethan si Yana sa bahay nila at nagpasalamat si Yana kay Ethan dahil sa sinamahan siya nito sa Hospital at tinulungan.

Bago umalis si Ethan may sinabi ito. "Lagi ako nandito para sayo para gabayan ka at gusto kita, Mahal kita Gusto mo rin ba ako?"

Nagulat si Yana sa sinabi ni Ethan. "Ethan, Konti na lang araw aking natitira" sinabi ni Yana Kay Ethan

"Kahit anong mangyari mahal na mahal kita, Pangako ko hahanap tayo Ng magaling na doctor para gumaling ka." sabi ni Ethan Kay Yana at nagpaalam na ito kay Ethan.

"Bye Ethan, Bukas na lang tayo magusap medyo pagod na ko."

Umuwi na si Yana sa kanilang bahay at Nakita siya ng magulang niya na maputla.

"Nak, Bakit malungkot ka at Maputla ka, Tambak ba yung gawain niyo ba." Sabi ni Nanay Rosie kay Yana

"Pagod lang po ako at busog pa po ako, Sige Nay akyat na po ako sa kwarto." Sabi ni Yana sa kanyang Nanay.

Umakyat na siya sa kanyang kwarto at Umiyak ng umiyak ito
"Konti na lang ang panahon ko, Di ko pa nasabi kay Ethan na mahal na mahal ko sya nung dati pa."
Sinabi niya sa sarili

Bakas sa mukha niya ang lungkot at pagluluksa niya, Nilihim niya ito sa pamilya niya ang tungkol sa kanyang sakit.

The Last Word (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon