Chapter 2

29 4 0
                                    


The Next Day, Pumasok si Yana At Yna sa Classroom. Nakita ni Kimberly si Yana. Naiinis ito dahil lagi ito lumalapit kay Ethan at bigla ito sinampal niya.
"Mang aagaw ka, Hampas lupa." Sabi ni Kimberly kay Yana.

Si Kimberly ay Girlfriend ni Ethan na pinagkasundo ng kanilang magulang at inawat nito ni Ethan si Kimberly.

" Tumigil ka na Kimberly!! Mahal ko siya kaya tigilan mo na kami." Sabi ni Ethan kay Kimberly.

Bigla tinulak ni Yna si Kimberly nang makita niya sinampal ang kapatid niya. Biglang sumuka ng dugo si Yana at bigla ito nahimatay. Nagulat ang mga kaklase niya sa nangyari at Binuhat ni Ethan si Yana, Sinugod nila sa Malapit na hospital.

Pagdating nila sa Hospital, Bigla chineck up ng Doctor si Yana at Pinalabas muna ng nurse ang mga kaibigan ni Yana at ang kanyang kapatid. Tinawagan ni Ethan sa telepono ang magulang ni Yana,

Sinagot ng Nanay ni Yana ang tawag. "Hello Ethan, Bakit ka napatawag?" Sabi ni Nanay Rosie "Sinugod po namin si Yana sa Hospital po, Nandito po kami sa Ichiro Hospital." Sabi ni Ethan sa Nanay ni Yana.

"Anong nangyari kay Yana? Nandyan ba si Yna?" Sabi ni Nanay Rosie "Nandito po si Yna naiwan po daw niya ang cellphone nya sa school, Si Yana po may sakit na leukemia stage 4 na po at 1 week na lang po ang kanyang natitira. Sorry po kung ngayon ko lang nasabi po sa inyo." Sabi ni Ethan kay Nanay Rosie.

Umiiyak si Nanay Rosie habang kinakausap si Ethan  "Sige Ethan, Punta na kami jan." Sabi ni Nanay Rosie kay Ethan.

Habang naglalakad si Nanay Rosie at si Tatay Yushiro, Nasalubong nito sila Ms. Kim at Mr. Lee

"Ma'am nasa Ospital po si Yana ngayon susunduin ko na po kayo." Sinabi ni Ms. Kim kila Nanay Rosie at Tatay Yushiro.

"Sige po ma'am, Pumunta na po tayo sa ospital sabay sabay na po tayo." Sabi ni Tatay Yushiro at pumunta na sila sa Ospital.

Nakarating na sila sa Ospital, at Bigla tumayo sila Ethan ,Yna at mga kaibigan ni Yana.

"Yna, Nasaan yung kapatid mo?." Tanong ni Nanay Rosie kay Yna

"Nay, Chinecheck up pa po ng Doctor." Sabi ni Yna sa Nanay niya at Biglang dumating ang Doctor 

"Sino Family ng patient po." Tanong ni Dr.Yuki.

"Doc, Ako po yung Nanay ni Yana Mitsuki." Sabi ni Nanay Rosie

"Mother, Yung anak niyo po may sakit na Leukemia Stage 4 na po, 1 week na lang po natitira at lumalala na po yung sakit niya." Sabi ni Doc. Yuki kay Nanay Rosie.

"Doc, Ano po dapat ko gawin para maagapan po yung sakit ni Yana." Sabi ni Nanay Rosie Kay Doc Yuki

"Meron pa naman paraan kaso 50/50 po yung sitwasyon po kapag surgery po at Stage 4 Yung leukemia niya baka di na kayanin ng katawan po niya pero kung gusto niyo po gagawin po namin lahat ng makakaya namin, Pwede niyo na po bisitahin si Yana gising na po sya, Excuse po tingnan ko muna examination nya po." Sabi ni Doc Kay Nanay Rosie at umalis na ito.

"Nay, Anong Sabi ni Doc." Tinanong ito ni Yna sa ang kanyang Nanay 

"Stage 4 na pala leukemia ng Kapatid mo! Bakit di mo sinabi sa akin." Galit na sinabi ni Nanay Rosie kay Yna

"Nay, Di ko rin po alam, Di nagsasabi si Yana po sa akin at nagulat po ako nung sumuka siya ng dugo at nahimatay siya kaya sinugod po namin." Sagot ni Yna sa kanyang Nanay at Biglang lumapit si Ethan

"Ma'am Excuse po may gusto po ako sabihin, habang naglalakad po nasalubong ko po si Yana kahapon po napaubo na may dugo tinanong ko po kung anong nangyari. Sabi niya baka po sa pagod at di po ako naniwala sa sinabi niya kaya pumunta kami ng ospital nagpacheck po siya at nalaman ko po yung tungkol sa sakit niya, Hinatid ko po sya sa tapat ng bahay niyo at nakiusap po siya wag po sabihin sa inyo kasi magalala lang po kayo po sa kanya, Sasabihin ko po sana ngayon kaso nagulat po ako sa nangyari kanina Sorry po Ma'am." Sabi ni Ethan kay Nanay Rosie

"Ethan,Naiintidihan ko yung sinabi mo na concern ka sa anak ko dahil pagkabata magkasama na kayo pero dapat maaga mo sinabi sa akin na para maagapan pa." Sabi ni Nanay Rosie kay Ethan

"Salamat po ma'am di na po ito mauulit." Sabi ni Ethan kay Nanay Rosie." at Pumasok na sila sa silid ni Yana.

The Last Word (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon