Chapter 6

15 4 0
                                    

Naghihintay si Yana ng resulta  kanyang examination at biglang dumating si Dr. Yuki para ibalita ang resulta ng examination.

Nang pumasok si Dr. Yuki, makikita ang seryosong ekspresyon nito.

'Yana, may mga resulta tayo mula sa mga pagsusuri mo, at medyo may kahalong masama at maganda. Una, ang masamang balita: lumalala ang iyong leukemia. May mga palatandaan ng pag-akyat ng bilang
ng white cells sa iyong dugo.'
Nagulat si Yana, ngunit hindi pa naglalaho ang pag-asa sa kanyang mga mata. "Ngunit, patuloy ni Dr. Yuki."

"Ito ang magandang balita: Sa larangan ng medicine, palaging may mga bagong pag-aaral at pagtuklas. Nasa kamay natin ang mga bagong therapies at mga eksperimental na treatment. May mga doktor at researchers na dedikado na hanapin ang solusyon para sa mga case katulad ng sa iyo. Hindi pa tayo nawawalan ng laban, Yana. Magkakasama tayong lalaban at susubukan natin ang lahat ng paraan upang maibalik ang iyong kalusugan.'"Saad ni Dr.Yuki kay Yana

" May panibagong treatment tayo ay Chemotherapy dahil sa pagsasaliksik at pag-unlad ng medicine, may mga bagong chemotherapy treatments na mas maaaring epektibo sa iyong kaso. Ang chemotherapy ay maaaring magbigay-daan para sa isang mas malakas na laban laban sa leukemia mo."Sabi ni Dr. Yuki

"Pinagdasal ko sa diyos tungkol sa aking karamdaman na gumaling ako at di ako nawawalan ng pagasa, Lalaban ako Doc." Sabi ni Yana Kay Doc. Yuki

May mga katanungan si Yana Kay Dr.Yuki

Yana: "Doc, ano ba ang eksaktong layunin ng chemotherapy sa akin? Paano ito makakatulong sa paglaban sa aking leukemia?"

Doc Yuki: "Magandang tanong, Yana. Ang chemotherapy ay gagamitin upang kontrolin at bawasan ang bilang ng mga abnormal na white cells. Ang layunin natin ay mapababa ang leukemia cells at maging mas malakas ka.

Yana: "Mayroon bang mga side effects ang chemotherapy na dapat kong asahan, Doc? Paano ko ito maiiwasan o ma-manage?"

Dr. Yuki: "Maaaring may mga side effects, Yana, tulad ng pagkahilo, pagkahilo, o pagkabawas ng resistensya. Ngunit tutulungan ka namin na ma-manage ang mga ito gamit ang mga gamot at iba't ibang paraan."

Yana: "Gaano katagal ang aabutin ng chemotherapy treatment ko, at ilang sessions ang kailangan kong undergo?"

Dr.Yuki: "Ito ay depende sa iyong treatment plan, Yana. May mga regimen na maaaring tumagal ng mga buwan o taon. Ang duration at bilang ng sessions ay pag-uusapan natin sa treatment plan."

Bakas sa mukha nito, naghihintay pa ito ng pagasa para ipatuloy ang kanyang paglalakbay para mabuhay

"O Sige po Doc, Sabihan ko na lang po kayo mamaya, kung ano ang decision ko pagisipan ko muna." Sabi ni Yana Kay Dr. Yuki

"Nasa office lang ako, Kung may katanungan po kayo at may gusto sabihin. Puntahan niyo na lang po ako sa office, Excuse po." Sabi ni Dr. Yuki

To be continue in Chapter 7☺️

The Last Word (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon