2

2.4K 28 1
                                    

"I tried to move on sa kan'ya pero hindi ko kaya." nasa courtyard ako ngayon, nagpapalipas ng oras. Kausap ko sa phone ngayon ang bestfriend kong lumipat sa ibang bansa kaya hanggang call nalang kami.

"Kaya mo, ayaw mo lang. Redflag at bare minimum enjoyer ka kasi tsk!" I feel attacked.

"What should I do?" hindi ko na talaga alam gagawin ko huhu.

"Ewan sa'yo neng! Ilang beses na kita pinagsabihan. Nagtitiis ka sa lalaking 'yan. Mag ayos ka rin kasi para naman mapansin ka ng ibang boys d'yan."

"Eh hindi naman kasi ako maalam mag ayos. Saka hindi ko naman kailangan, mas komportable ako sa itsura ko ngayon." sabi ko sabay ayos ng salamin ko.

"Ikaw ang bahala bes. Basta ang akin lang pakawalan mo na 'yang lalaking iyan. Sinasabi ko sa'yo pag engineering student mga red flag talaga 'yan." lagi n'ya saakin pinapaalala 'yan.

"H-Hindi naman siguro lahat."

Tapos katakot takot na sermon narinig ko. Si Francine parang nanay ko kung sermonan ako. Hanggang sa naisipan kong ibaba na ang tawag. Magagalit lang siya lalo kasi hindi naman ako nakikinig sa advice n'ya.

Inopen ko nalang ang books ko. Makapag advance reading nalang para sa susunod na subject.

Naagaw ng atensyon ang naglalakad na si Tooru sa hallway, different group of girls na naman ang kasama n'ya. Naalala ko na mention ko na sa kan'ya na nagseselos ako sa mga babaeng kasama n'ya pero lagi lang n'ya sinasabing mga kaibigan n'ya lang iyon. Nawawala na naman ako sa mood.

Ang hirap kapag 'yung mood mo nakapende sa isang tao lang. Kaya ba araw araw akong wala sa mood e. Kailan n'ya kaya seseryosihin ang relasyon namin?

May hope pa naman akong pinanghahawakan. Kung ayaw n'ya talaga saakin edi sana matagal na s'yang nakipag break 'diba? Saka ayaw n'ya rin makipag break saakin. Or ayaw lang n'ya makipag break kasi gusto n'yang paasahin ako? Men love the chase daw e ika nga.

Next week may gaganapin na Mr. And Ms. University. Bawat department kailangan may representative and sa pagkakaalala ko, si Tooru ang representative ng COE or College of Engineering. Tapos ka partner n'ya iyung babaeng kaklase n'ya na may gusto sa kan'ya.

Maganda s'ya, matangkad, sexy, matalino at sporty. Walang wala ako sa kan'ya. Lahat ng ideal type ni Tooru nasa kan'ya na. Napapaisip tuloy ako. Kung kung katulad n'ya kaya ako, seseryosohin kaya ako ni Tooru?

Minsan bumababa talaga self esteem ko at naiinsecure ako kapag nakakakita ako ng magagandang babae na kasama ni Tooru. Parang ipinamumuka sa'kin na dapat ganoon ako kaganda para maipagmalaki n'ya ako.

Nung oras na para sa next subject ko ay tumayo na ako at pumunta sa next class ko. Habang papunta ako sa building ng CoEd ay tiningnan ko uli ang gawi nila Tooru. Napasimangot nalang ako ng makita kong ang touchy nila sa isa't isa. Napabuntong hininga nalang ako tapos umakyat na ako ng hagdan.

***

After class lumabas na ako. Uuwi na ako wala na naman akong ibang pupuntahan. Habang naglalakad ako, biglang may tumawag saakin.

"Ferrer!" kilala ko ang boses na iyon kaya napalingon kaagad ako. Bumilis tikbok ng puso ko ng makita kong si Tooru ito. Hala palapit s'ya saakin anong gagawin ko? "Saan ka punta?" tanong n'ya.

"U-u-uuwi na." gosh nauutal ako.

"Daan muna tayo ng canteen. May tinda silang donuts, 'yung pahaba. Diba favorite mo 'yon?" sabi n'ya. Nakaramdam ako ng sobrang tuwa at parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Naalala n'ya pala?

"S-Sige." sabi ko.

***

Nag punta muna kami ng canteen tapos nilibre n'ya ako ng donuts. Naupo muna kami sa isang table para kainin iyon. Hindi ko ma itago ang ngiti ko habang kumakain ako. Kailan ba 'yung huling beses na kumain kami sa canteen? Hindi ko na maalala.

"Thank you." sabi ko sa kan'ya.

"Always!" sabi n'ya then nag wink s'ya saakin. Omg alam na alam n'ya talaga kung paano ako pakiligin. At higit sa lahat alam na alam n'ya talaga kung paano ako kunin pabalik! "Sarap noh?" sabi n'ya at tumango ako. Lahat ng pagkain masarap basta galing sa kan'ya.

Mag sa suggest sana ako sa kaniya na mag pizza naman kami next time. Kaso naalala ko ayaw n'ya nga pala sa pizza. Sobrang ayaw niya sa pizza to the point na parang may ginawang masama ang pizza sa kaniya. I don't know the reason, maybe I-a ask ko s'ya some time.

Nasa ganitong sitwasyon kami, ng biglang may lumapit sa aming mga kalalakihan. Mga kaibigan n'ya.

"Tooru!" tawag ng mga ito sa kan'ya kaya napatingin s'ya.

"Hey!" bati ni Tooru pabalik.

"Bukas na 'yung gym, tara." aya nila kay Tooru. Napatingin naman s'ya saakin. "Uy ka date mo pala si Trisha sorry." napatungo lang ako. Kilala pala nila ako?

"Hahahaha tara." tumaya lang si Tooru tapos tumayo s'ya.

"Eh? Iiwan mo date mo?" tanong nila.

"We're not dating. Tara na." tapos umalis na sila. Napasimangot nalang ako. Hindi s'ya nag paalam na aalis na s'ya, pero ang mas masakit dineny n'ya ako. Hays, 'yung kilig ko napalitan kaagad ng lungkot. Grabe wala ba ako karapatang sumaya? Naiiyak na naman ako.

Tumayo nalang ako tapos kinuha ko ang bag ko saka ako lumabas. Lagi naman s'yang ganiyan hindi pa ba ako sanay?

Namalayan ko nalang na nagpupunas na ako ng luha habang naglalakad. Naka tungo ako kung kaya't hindi ko makita ng ayos ang paligid ko. Iniangat ko ang salamin ko at nagulat ako ng may mabangga ako ng hindi sinasadya.

"S-Sorry po—"

"What the fuck?!" inis na sabi nito. Tapos napatingin ako sa kan'ya. If I'm not mistaken, it's Princess. 'Yung kaklase ni Tooru na kapartner n'ya sa Mr. & Ms. Unniv.

Gulat lang akong napatingin sa kan'ya.

"Oh look who's here." bigla s'yang ngumisi tapos humakbang papalapit saakin.

"You know.. me?" tanong ko.

"Hah! Of course. Aren't you the one who's trying so hard para lang mapansin ni Tooru?" nagulat ako sa sinabi n'ya.

"I-I'm not. B-Boyfriend ko s'ya." sabi ko. Tapos tinawanan n'ya ako.

"Hahahahaha what the hell? Are you dreaming? Sa tingin mo papatulan ka ni Tooru? Sa itsura mong 'yan?" natatawang tanong n'ya. "For your information, mataas ang standard ni Tooru. Oo nga matalino ka, pero maganda kaba? Matangkad? Sexy? Hindi naman right? Kaya gumising kana. Kahit kailan hindi ka nagugustuhan ni Tooru." nasaktan ako ng sobra sa sinabi n'ya. To the point na hindi na ako sumagot sa kan'ya at umalis nalang ako sa harapan n'ya.

Tinanggal ko ang salamin ko tapos nag punas ako ng luha. Tama naman s'ya, sino ba naman ako para magustuhan ni Tooru? At saka alam ko namang laro laro lang sa kan'ya kung anong meron kami. Tama si Princess, sino ba magkakagusto sa tulad kong hindi maganda? Talino lang ang meron ako. Ni wala ako sa kalahati ng standards ni Tooru.

Palagi nalang ako umiiyak dahil sa kan'ya. Gusto ko na putulin kung anong ugnayan namin ni Tooru pero may part saakin na ayaw ko. I guess kasalanan ko rin kung bakit ako nagkakaganito. Ang tanga tanga ko pag dating sa pagibig. Sana mabangga ako tapos magkaamnesia para makalimutan ko s'ya.

Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now