11

1.3K 22 2
                                    

Pauwi na ako, and guess what nag volunteer s'ya ihatid ako. Pumayag na ako kasi hindi naman s'ya pumayag nung tumanggi ako.

Nga pala, nang hingi s'ya saakin ng chance ulit. Hindi ko pa alam ang isasagot ko kaya sabi ko pag iisipan ko muna. Ayaw ko naman magpadala sa bugso ng damdamin ko. Baka mamaya nadadala lang ako kaya naging ganoon ang desisyon ko.

Hindi kami nag uusap habang nasa sasakyan. Feel ko na ss-suffocate ako sa katahimikan.

"Can we play some music?" tanong ko.

"Uh sure." sabi n'ya. "Hey, Sir. Play some music for us." astig.

"When you left I lost a part of me.. It's still so hard to believe.. Come back baby please.. 'Cause we belong together."

Nagulat ako sa kanta. Tapos kapwa kami nag ka tinginan at napaiwas kaagad kami ng tingin. Nag clear throat ako saka ko pinindot ang next sa music.

"Sige na please 'wag nang mainis.. bumalik kana saakin--"

Hindi ko na tinapos ang kanta at ni-next ko na ulit.

"But if we loved again, I swear I'd love you right.. I'd go back in time to change it, but I can't--"

"Mag babalik lang ang nakaraan, ibabalik ang pinag mulan. Umaasa--"

"Ikaw parin pala ang hanap hanap pa ra pap! Na kahit mag panggap 'di matatago na ang 'yong yakap at hanap hanap--"

Napatingin ako kay Tooru. Patay malisya lang s'ya pero nakikita ko kung paano gumalaw ang Adam's apple niya. Gusto kong matawa.

Hinayaan ko nalang ang tugtog at tumingin nalang ako sa bintana. Pinipigilan kong ngumiti sa totoo lang. The fact kasi na hinahatid n'ya ako now pauwi parang kinikilig ako? Ha???

Habang nakatingin sa labas may nakita akong food truck.

"Oh!" gulat na sambit ko. Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin saakin si Tooru.

"What?" tanong niya. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatingin sa food truck. "You want to go there?" tanong niya. Hala, inaaya n'ya na ako ng date? Hays, eto na naman ako.

"H-Hindi na." sagot ko. Pero deep inside gusto ko talaga.

"Okay." sagot niya kaya gulat ako napatingin sa kan'ya. Tapos tumingin s'ya saakin. Bilis kausap?

"We can go there if you really want to." nakangising sabi n'ya at napa pout naman ako.

Itinabi niya ang sasakyan tapos bumaba na kami. Woah, first ko makakita ng food truck. Sa Korea ko lang ito nakikita e.

Naupo kami sa isang table tapos sa mesa may menu kaya tiningnan ko. Nawala ang ngiti ko ng makita kong more on alak pala ang binebenta nila rito. Hindi naman ako umiinom e.

"Ay, puro alcohol." bulong ko.

"Mayroon namang foods diyan. Try mo 'yung pasta nila. Masarap s'ya." suhestiyon ni Tooru.

"You've been here.. before?" bigla akong natigilan nong pag angat ng tingin ko ay nakatingin siya saakin at tumango.

Saka lang unti unting nag sink in saakin na si Tooru Oikawa ang kaharap ko ngayon. Ang long time crush ko at ang heartthrob sa campus namin. Huhu, bakit parang lalo s'yang gumwapo?

"Hala!" napabitaw ako sa menu at saka ako napahawak sa dalawang pisnge ko. Feel ko namumula sila right now huhu.

"Ferrer, are you okay?" alalang tanong niya. Napa iwas ako ng tingin.

Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now