1

5.4K 66 4
                                    

Eversince I saw him, nagkagusto na kaagad ako sa kan'ya. He's smart, athletic and attractive. Madaming babae ang nagkakagusto sa kan'ya at isa na ako doon. Simula 1st year college ay may gusto na ako sa kan'ya.

Hanggang mag second year na kami, nasa kan'ya parin ang interest ko. I'm very shy and very scared to voice out my feelings kaya hanggang tingin nalang ako. Super jealous ako sa mga girls na kaya s'yang lapitan at kausapin. I don't have that much courage para gawin iyon.

Pero nang makalipas na ang isang bwan nung mag bukas ang school year.. Nag ipon ako ng lakas ng loob para umamin sa kan'ya.

I'm here sa labas ng classroom n'ya. Hinihintay kong lumabas lahat ng classmate n'ya, sana hindi muna s'ya umalis.

After a couple of minutes, mag isa nalang s'ya sa room nila. May tinatapos s'yang notes. Then nung makita kong tumayo na s'ya bigla akong kinabahan. Napahigpit pa ang hawak ko sa books na yakap yakap ko.

Nang makita ko s'yang lumabas na, tinawag ko s'ya.

"O-Oikawa!" tawag ko sa kan'ya. Tumigil naman s'ya at lumingon saakin.

"Why?" tanong n'ya. Nung bumaling s'ya saakin pakiramdam ko nanigas ang dila ko sa kaba. Hindi ako makapag salita. "Bakit mo ako tawag?" sabi n'ya then lumapit s'ya saakin. Huminga ako ng malalim saka ako nag salita.

"I-I know you don't know me but.. S-Simula nung makita kita, h-hindi kana nawala sa isip ko. I've been liking you for a year now and I-I don't know kung paano ko sasabihin but.." natigil ako sa pag sa salita ng makita ko s'yang mag smile.

"Are you confessing to me?" tanong n'ya. Dahan dahan akong napatango tapos nahigit ko ang hininga ko ng yumuko s'ya para magkapantay kami ng mukha. "Do you want me as your boyfriend?" literal na nanlaki ang mga mata ko sa tinanong n'ya.

"H-Huh?" naguguluhan na tanong ko.

"The only answer is yes or no." sabi n'ya. Napalunok ako tapos napaiwas ng tingin.

"Y-Yes. G-Gusto kitang maging boyfriend." sabi ko. Nag smile s'ya ng malaki then pinat n'ya ang ulo ko.

"From now on, I'm your boyfriend and you're my girlfriend."

That happened 5 months ago. So basically we're in 5 months relationship na. Pero naguguluhan ako, we're in relationship pero never kaming kumain sa labas, naging magkasama sa loob ng campus or nakapag usap ng matino. Parang wala lang kami, hindi ko na nga alam kung may relasyon ba talaga kami or what.

Katatapos lang ng second class ko. Later pa ang next class ko kaya tumambay muna ako sa courtyard. Nung malapag ko na ang books ko sa concrete table e nakita ko si Tooru na nakikipag usap sa girls sa hindi kalayuan.

Nakaramdam ako ng selos. Buti 'yung mga girls na 'yon nakakalapit sa kan'ya. E akong girlfriend n'ya laging ligaw tingin sa kan'ya. Minsan napapaisip nalang din ako, ano nga bang magugustuhan n'ya saakin? Nerd ako, hindi marunong mag make at literal na puro aral lang. Matalino naman ako kaya ewan ko kung bakit nag papakatanga ako sa kan'ya ng ganito.

Everytime kasi ng parang gusto ko ng mag move on or makipag break sa kan'ya, bigla nalang siyang magiging mabait. Or kaya hahawakan n'ya hands ko ng palihim. Tapos kinabukasan wala na naman parang hindi na naman kami mag kakilala. Mixed signals baga.

Madaming nag sasabi ng red flag s'ya, well alam ko naman. Pero hindi ko kasi talaga kayang hindi s'ya gustuhin lalo na kapag nag bibigay s'ya ng motibo. S'ya palang ang nagugustuhan ko ng ganito kaya kilig na kilig lagi ako sa kan'ya kahit minsan ang sakit sakit na.

Nasa ganito ako sitwasyon ng makita kong lumingon s'ya sa gawi ko. Ngumiti s'ya saakin at kumaway. Kumabog naman ng mabilis ang dibdib tapos kumaway ako pabalik.

Nung umalis na sila, napayuko ako. Heto na kinikilig na agad ako ngumiti lang s'ya saakin at kumaway. Gan'yan n'ya pag laruan feelings ko.

Oo alam kong pinaglalaruan n'ya lang ako. Pero masisise n'yo ba ako? Gustong gusto ko s'ya, sino bang may ayaw na maging boyfriend ang all time crush nila?

(Haluh based on real life experience? Kshshshshs joke)

He's so damn cool at magaling s'ya sa maraming bagay. He's an Aeronautical Engineering student while me, I'm Education student, my major is Mathematics.

***

Habang papunta ako sa next class ko, may naririnig akong usapan ng mga kababaihan sa unahan ko.

"Kilala mo si Kiarra? 'Yung maganda sa tourism? Nililigawan daw ni Oikawa!" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Napatigil ako sa paglalakad at parang natameme ako.

N-Nililigawan?

***

Habag nasa klase ako, hindi ako makapag focus sa dinidiscuss ng Prof namin. Anong nililigawan? Girlfriend n'ya ako imposible!

Kanina ko pa pinipigilan umiyak, kailangan ko mag focus at makinig sa klase. Second sem na at malapit na ang prelim exam. I need to maintain my grade para maging with high honors ako.

Nung matapos na ang klase, tamang tama nakita ko si Oikawa na pababa ng Engineering building. Inintay ko s'ya makalabas saka ko s'ya hinigit kung saan walang masyadong tao. I don't care kung may nakakakita man saamin o ano basta ang gusto ko makausap s'ya.

"What's with the dragging?" tanong n'ya ng bitawan ko s'ya.

"T-Totoo ba na may nililigawan ka sa Tourism?" buong lakas na takong ko. Nakita kong nangungot ang noo n'ya.

"You mean Kiarra?" tanong n'ya. Tumango ako. "Hindi ko naman s'ya nililigawan, tho may gusto s'ya saakin." napakuyumos ang kamay ko. Naiiyak na talaga ako.

"Buwan buwan nalang may naiisyu sa'yong babae. Kailangan mo ba sasabihin sa kanila na ako ang girlfriend mo?!" sa inis ko nagagawa ko ng kausapin s'ya ng nakatingin ng diretso sa mga mata n'ya.

"What's with your tone, Ferrer? Are you mad?" nagagawa n'ya pang ngumisi. I guess laro nga lang sa kan'ya ang lahat.

"I can't take this anymore. I-I think mas mabuti nang mag break nalang tayo." naiiyak na sabi ko. Medyo nagulat s'ya sa sinabi ko. Ilang segundo s'yang napatitig saakin bago gumuhit muli ang ngisi sa mga labi n'ya.

"Huh? You're breaking up with me?" lumapit s'ya saakin kaya napaatras ako ng bahagya. "You know you can't do that, right?" bulong n'ya saakin.

Napalunok ako. "W-What if kaya ko?"

Nanlaki ang mga mata ko ng yumuko s'ya para magkatapat ang mukha naming dalawa. "You.. love me, right?" hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya. It's true, I do love him.

Tumayo na uli s'ya ng tuwid saka tumalikod.

"Stop saying useless things. They were just my friends." sabi n'ya tapos umalis na s'ya. Napaupo naman ako sa hagdan.

After all, I can't do it. Hindi ako makakamove on sa kan'ya basta basta.

---

Started: December 28, 2023
Finished: April 20, 2024

---

Brief explanation about the character for those who don't watch the anime.

Oikawa Tooru (from Haikyuu!) For the majority of the series, he was a third-year student at Aoba Johsai High, serving as the captain and setter for the school's Boys' Volleyball Team. He is the main antagonist of the Interhigh and Spring High Preliminary Arcs.

For more information, visit: https://haikyuu.fandom.com/wiki/T%C5%8Dru_Oikawa

Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now