3

1.8K 21 0
                                    

Today is the day ng competition wherein maglalaban laban ang mga college departments. Pagkagising ko palang kanina nag message na ako jay Tooru kasi gusto ko s'ya i-goodluck pero hindi n'ya ako siniseen. Siguro busy na s'ya sa pag hahanda.

Nasa covered court na ako, ilang minutes nalang mag s-start na daw e. Gusto ko mapanood si Tooru, sana s'ya ang manalo. 

Naisip ko ring puntahan s'ya backstage kaso nahihiya ako, baka hindi n'ya ako pansinin or baka madaming tao ang nandoon. Gustong gusto ko s'ya i goodluck personally kaso wala na akong time. Malapit na rin kasi mag start e.

After few minutes namatay na ang mga ilaw, mukhang mag s-start na.

"Ladies and gentlemen.."

Omg mag s-start na nga! Nag hiyawan ang crowd ewan ko pero bigla akong na excite makita s'ya. I'm sure super pogi n'ya ngayon. At eto na nga, nagumpisa na ngang maglabasan ang candidates. Nung lumbas si Tooru halos mapahiyaw ako, super pogi n'ya. Nagtitimpi talaga akong tumalon at humiyaw kasi nakakahiya kung makikita ako ng students na ganito.

Nung nagpakilala na, grabe ang hiyawan kay Tooru. For sure mananalo si Tooru ng crowds favorite. Kahit kasi boys nag chicheer sa kan'ya e. And si Princess, 'yung partner ni Tooru and dami ring nagchicheer. Super ganda rin n'ya pero hindi ko maiwasan ma sad kapag naalala ko 'yung sinabi n'ya saakin nung nakaraan. Pero hindi naman ako nagalit sa kan'ya dahil sa mga sinabi n'yang iyon. Totoo naman kasi lahat. 

Anyways, sa question and answer portion naman magkakaalaman lahat e. For sure masasagot ni Tooru kahit na anong question. May tiwala ako sa kan'ya. Grabe ang lakas lakas talaga ng charisma n'ya kaya ba hulog na hulog ako sa kan'ya e. 

Time passes, nag question and answer na nga. Pero bago s'ya tanungin ng question n'ya ay ininterview muna s'ya ng MC. 

"Hello, Mr. Oikawa. How are you?" tanong nung babaeng MC.

"I'm good." sagot ni Tooru. 

"Hindi kaba kinabahan today?" tanong pa nito. Umiling naman si Tooru.

"Not really." nakangiting sagot uli ni Tooru. Napangiti rin tuloy ako.

"Eto ha. May nagpapatanong saakin sa backstage kanina. Tinanong sa'yo Mr. Oikawa.. kung may girlfriend kana ba daw?" tanong nung MC, tas tinapat n'ya 'yung mic kay Tooru. Ilang segundong hindi nakasagot si Tooru kasi parang pinag isipan pa n'ya.

"Hmm.. wala." unti unting nawala ang ngiti sa labi ko. Kasunod ng pag sagot n'yang iyon ay ang hiyawan ng mga manonood. Pero para akong nabibingi, wala akong marinig. The next thing I knew unti unti nang bumabagsak ang luha sa mga mata ko. He denied me again, and infront of every students in this campus. 

Napatitig nalang ako kay Tooru habang tuloy tuloy parin ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito gamit ang likod ng kamay ko, tas umalis ako. Habang nag lalakad ako nakatingin lang ako sa baba tapos medyo nanlalabo rin mata ko dahil sa luha. 

Habang nag lalakad, may aksidente akong nabunggo. Kaya napa-angat ng tingin. Nagkatinginan kami sa mata at kita ko na biglang naging concern ang expression n'ya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Okay ka lang, Miss?" tanong nito. Tumango lang ako.

"Sorry." sabi ko tapos nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa classroom namin. Naupo ako sa upuan ko, mabuti nalang walang tao dito kasi lahat sila nanonood sa labas.

Pag upo ko, doon bumuhos ang nararamdaman ko. Nag takip ako ng bibig para walang makarinig saakin just in case na may dadaan sa classroom. Napakapit ako ng maigi sa dibdib ko. Sobrang sakit marinig. Bakit kapag kaming dalawa magkasama girlfriend n'ya ako, pero pag sa ibang tao dinedeny n'ya ako? Hindi ko na tuloy alam. Ginagago na n'ya ako pero bakit nag papaka tanga parin ako sa kan'ya? Sobra na. Hindi ko man lang maranasan sumaya ng matagal sa kan'ya.  

Tama nga si Francine. Ubod ng redflag ni Tooru. Dapat ko na ba s'yang tigilan? Mag move nalang kaya ako? Ang daling sabihin. Pero ang tanong kaya ko ba? Bakit ba kasi hirap na hirap ako maka move on sa kan'ya? Mali ko rin e. Kasalanan ko rin kung bakit ako umiiyak ngayon.

Hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak. 10 minutes straight yata ako nag iiiyak dito. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pag gising ko, may mangilan ngilan nang tao dito. Hala tapos naba? Ang tagal ko yatang nakatulog? Tumayo ako sa upuan ko at nag punta ako ng comfort room. Nang makarating akong comfort room may mangilan ngilan ring tao. Nag punta ako sa sink para mag hilamos, tinanggal ko salamin ko tapos nag hilamos na ako. Habang nag hihilamos may naririnig akong mga usapan.

"I knew it! Si Oikawa at Princess ang mananalo. Ang gagaling nila sumagot e. Parehas pa silang hakot award kaloka!" rinig ko. So nanalo pala sila? Nice.

After ko mag hilamos kumuha ako ng tissue para tuyuin ang mukha ko. After n'on lumabas na ako.

At ewan ko kung pinag lalaruan ba ako ng tadhana. Kasi hindi pa ako nakakalayo nakasalubong ko si Tooru. Iiwas sana ako pero wala e, nakita na n'ya ako. S'ya na pati ang lumapit saakin.

"Ferrer!" banggit n'ya sa name ko. Nag smile lang ako ng slight tapos umiwas ako ng tingin.

"Hi." sagot ko lang.

"Nanood kaba?" napatingin ako dahil sa tanong n'ya. Paano n'yang nagagawang ngumiti? Parang wala lang 'yung nangyari sa kan'ya. Sabagay, ako lang naman lagi affected saaming dalawa. 

"O-Oo. C-Congrats nga pala." napakuyumos ang dalawang kamay ko dahil nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. Bago pa ako umiyak sa harap n'ya, nag paalam na ako umalis. "S-Sige una na ako. May gagawin pa ako e." sabi ko. Hindi ko na inintay ang sasabihin n'ya at umalis na ako sa harapan n'ya. 

At tuluyan na ngang tumulo ulit ang luha sa mga mata ko. Napakaiyakin ko talaga kahit kailan. Dinala ako ng mga paa ko sa threater, buti kamo walang tao. Keri lang kahit medyo madilim gusto ko mapag isa.

Sa may bandang unahan ako naupo, napabuntong hininga nalang ako tapos nag punas ako ng luha. Bagong hobby ko 'to, ang umiyak.

"Hello."

"Oh my god!" muntik humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Kagulat naman.

"Hehe, sorry." sabi n'ya. Teka, s'ya 'yung nabunggo ko kanina ah? Anong ginagawa n'ya dito? Kahit malabo mata ko nakikila ko parin s'ya. 

"Ikaw? Bakit nandito ka?" tanong ko. Tapos naupo s'ya sa tabi ko. 

"Kanina pa ako nandito, inutusan ako e. Eh ikaw? Umiiyak ka dito? " tanong n'ya kaya napatungo ako. Nakita nga pala n'ya ako kanina na umiiyak.

"M-Masama ba?" tanong ko.

"Bakit kaba umiiyak?" tanong n'ya. 

"W-Wala. Nag away kasi kami ng.. boyfriend ko." halos bulong na sabi ko.

"May boyfriend ka?" aray ha? bakit parang hindi s'ya makapaniwalang may bf ako? "An'yare?"

Sabihin ko ba sa kan'ya? W-Wala naman masama noh? Stranger naman s'ya e kaya okay lang.

"Bago ko ikwento, ano muna ang name mo?" tanong ko.

"Ah oo nga pala. My name is Earl." tapos nag offer s'ya ng shake hands at tinanggap ko naman.

"T-Trisha.."


Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now