7

1.5K 20 2
                                    


Days passed. Hindi ko na talaga s'ya pinansin, hindi na ako naging marupok dahil sobra na talaga. He tried to chat and text me kaya binlock ko na s'ya sa lahat ng social media ko.

This time totoo na talaga.. Mag momove on na ako. Tama na ang pagpapakatanga, natauhan na ako. Sarili ko naman ang mamahalin ko this time. 

Pero minsan hindi ko parin maiwasan na hindi s'ya isipin. After all, minahal ko talaga s'ya kaya hindi s'ya ganoon kadaling kalimutan. Pero para sa ikabubuti ko gagawin ko. Besides and'yan naman si Earl para pasayahin ako.

Speaking of Earl, nakwento ko na pala na si Tooru iyung boyfriend na lagi kong kinukwento sa kan'ya. Noong una tinawanan n'ya ako, ayaw n'ya maniwala. But then, naniwala naman s'ya. Tapos kinwento ko lahat sa kan'ya, nag rant ako sa kan'ya. Umiiyak pa ako habang kausap ko s'ya, buti nalang nakinig s'ya saakin. I badly need someone to talk to nung time na 'yon, buti nalang nandoon s'ya.

Anyways, nandito kami sa auditorium nag papractice para sa role play namin. Oo, nakapasa kami sa audition ni Earl. Ang masama pa, ginawa kaming main cast ng play kaya naman wala na akong free time palagi. After class diretso na kaagad kami ni Earl para magpraktis. Gabi narin kami nakakauwi, buti na lamang hinahatid ako ni Earl sa bahay. Akala nga nina Mommy boyfriend ko s'ya. Hello? kaka break ko lang may bago agad?

"Okay break muna. After 20 minutes we'll start again." sabi ng director  namin for this play. 

"Kain tayo, Trish." aya saakin ni Earl.

"Tara, nauuhaw rin ako e." tapos lumabas na kami ng auditorium.

***

"Nakakapagod." he said while drinking water.

"Sino ba kasi nag sabi na sumali tayo dito?" natatawang tanong ko sa kan'ya.

"Why? Nakatulong pa nga ito para malibang ka after you broke up with Oikawa." ugh that name.

"Ikaw talaga. Let's hurry up na nga." but he's true tho. Kung hindi dahil sa practice na ito malamang nagmumukmok lang ako all day. Uhm.. kamusta na kaya s'ya?

After namin kumain ng bread at magpahinga, napagdesisyunan namin ni Earl na bumalik na. Sakto pag tayo namin at pag talikod, nakasalubong namin si Tooru. Nung nag tama ang mga mata namin, feels like my heart just skip a beat. 

Nagkatitigan kami for a while tapos tumingin s'ya kay Earl. Doon ko lang narealize na nakahawak pala ako sa wrist ni Earl kasi inaaya ko s'yang tumayo kanina. Napatingin s'ya doon sa kamay naming dalawa.

"Let's go." bulong saakin ni Earl. Tumango lang ako tapos umalis na kami. As much as I want to look at him again, I can't. Dapat kong pigilan ang sarili ko. After ko s'ya makita ulit, medyo nakaramdam ako ng saya. I think he's doing good.. well with or without me naman okay kang s'ya.

***

"Kala ko move on na? Bakit  napatulala ka kanina? Kung hindi pa kita inaya hindi ka papatinag." inaasar ako ni Earl ngayon habang pabalik kami sa auditorium.

"Nagulat lang ako kaya napatitig ako." totoo naman na nagulat talaga ako e.

"Weeeehh???"

"Tara na bilisan na natin." tapos hinila ko na s'ya, aasarin lang n'ya ako.

***

Simula nung nakita ko s'ya kanina hindi na s'ya naalis sa isip ko. Ano kaba naman Trisha ayan ka nanaman. Eano naman kung nakita mo s'ya? Eh nasa iisang school kayo malamang sa malamang magkukrus talaga ang landas n'yo.

"Ferrer, nawawala ka sa karakter mo!" sigaw ni direk.

"S-sorry po." paghingi ko ng paumahin tapos napabuntong hininga ako.

"Focus." bulong saakin ni Earl. Tumango ako saka huminga ng malalim.

"Ulit!" sigaw ni direk kaya pumwesto ulit kami.

"Ready.. Action!"

***

"Para akong mawawalan ng boses.." napahimas ako sa lalamunan ko. 

"Hala ka huwag ka muna iminom ng cold water. Lapit na contest huy." hinahatid na n'ya ako pauwi sa bahay ngayon.

"Kaya nga e." yari ako kapag nawalan ako ng boses.

"Nga pala ang galing nung iyak mo doon sa isang scene natin ah? Halatang may pinaghuhugutan ka." weh ba?

"Hindi naman. Mababaw lang talaga luha ko." saad ko. It's true tho, mababa lang talaga ang luha ko. Sigawan nga lang ako kahit scripted pa 'yan iiyak talaga ako. Saka may pinaghuhugutan nga ako like hello? kagagaling ko lang sa break up? or whatever you may call it. " Uhm, pwede mo ba hinaan aircon? nilalamig ako e." wika ko sa kaniya. Hala what if lagnatin ako? Huhu 'wag naman.

"Sure sure." sambit niya at hininaan na n'ya ang aircon. "Mag soup ka later para hindi ka lamigin or kaya mag hot compress ka." suhestyon niya at tumango naman ako.

"Sa tingin ko kailangan ko lang ng sapat na tulog. Ilang araw narin kasi ako hindi makatulog ng ayos e." sambit ko. 

"I suggest you na mag basa ka ng book bago matulog. Ganoon ginagawa ko kapag hindi ako makatulog e." napatango tango ako.

Maya maya nandito na kami sa harap ng bahay.

"Alalayan kita hanggang sa makapasok ka sa in'yo?" he asked pero umiling ako.

"No, kaya ko naman. Ingat ka sa pauwi ha? Thank you so much sa pag hatid." I said. Nag smile siya at tumango.

"You're welcome, basta ikaw." I smiled tapos lumabas na ako ng car niya. Inintay ko mun siya makaalis bago ako pumasok sa bahay. Habang papasok ay hinipo ko ang leeg at noo ko kung mainit ba ako at gladly wala naman akong sinat. Buti naman.


Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now