4

1.6K 24 0
                                    

"Ang gulo naman, kayo tapos parang 'di kayo?" tanong n'ya. Tumango ako. Kinwento ko na sa kan'ya lahat pero hindi ko sinabing si Tooru ang tinutukoy ko. Baka isipin rin n'ya ilusyonada ako. "In that case, hindi mo s'ya boyfriend. Parang ano lang, fling ganon." sabi n'ya pa.

"Fling? Hindi nga n'ya ako pinapansin." sagot ko tapos nabuntong hininga s'ya. 

"Gago naman n'yan. Pinapaasa ka lang n'yan e. Biruin mo ilang beses kana dineny? Bakit? Gwapo ba 'yan?" ba't parang galit s'ya?

"O-Oo naman." sagot n'ya.

"Mas pogi pa saakin?" tanong n'ya. Kaya nagkatinginan kami. Ilang segundo rin iyon bago ako nag iwas ng tingin. 

"S-Siguro?" pogi rin si Earl. Mukha s'yang redflag, tapos 'yung pabango n'ya kaamoy nung kay Tooru. 

"Nga pala, anong course mo?" tanong ko.

"Mechanical Engineering. Ikaw?"

"Educ." 

"Wow, Ma'am!" tapos nag salute s'ya. Hahaha balew.

"Tss!" tapos bahagya akong napa smile.

"Eh ikaw, wala kang girlfriend?" tanong at umiling s'ya kaagad.

"Hindi muna ako nag gigirlfriend sa ngayon. Fling lang." ayun, redflag nga.

"Kayo talaga mga lalaki."  pabirong sabi ko tapos tumawa lang s'ya.

"May break pa bago mag uwian, gusto mo mag cafe us?" alok n'ya. Ewan ko pero bigla akong pumayag. Usually kasi hirap ako sa communication lalo na pag hindi ko kilala pero parang pag sa kan'ya parang ang gaan agad ng loob ko? I don't know.

***

"You like donuts a lot, huh?" natatawang tanong n'ya saakin. Paano kasi tatlong donut pinili ko tapos coffee. Nilibre naman n'ya ako.

"Oo, minsan kasi binibilhan n'ya ako ng donuts." I did not notice na naka smile na pala ako? 

"'Yan tayo e. Kanina umiiyak ka dahil sa kan'ya tapos ngayon napapangiti ka? Bare minimum enjoyer ka siguro." grabe naman s'ya paano n'ya nalaman 'yan?

"Hindi naman. Naalala ko lang." sabi ko sabay kagat ng donut. So sarap!

"So ano na nga? Makikipag break kana sa kan'ya? Kasi kung ako 'yan makikipag break na ako. Ideny kaba naman e." napapaisip na tuloy ako. Dapat nga matagal ko na itong ginawa, e s'ya naman may ayaw. 

"I-I think, I should give him another chanc---" 

"Anak ng teteng! Chance? Pang ilan na 'yan?" hala bakit parang s'ya na boy version ni Francine? Saka why is he so affected e ngayon lang naman kami nagkakilala?

"Last na talaga. Pag may ginawa pa uli s'ya  na ikalulungkot ko titigil na talaga ako." I swear promise. Napailing iling lamang s'ya.

"Ikaw  bahala." sabi n'ya tapos napalingon nalang s'ya sa labas. "Pasalamat ka nga hindi iyon ang boyfriend mo oh." may nginunguso s'ya sa labas kaya napatingin ako. Tapos nagulat ako ng makita ko kung sino ang tinutukoy n'ya. "Balita ko talamak na babaero 'yan, palagi iba ibang babae kausap. Kaya rin siguro single, ayaw sa commitment wahahaha red flag noh?" tanong n'ya. Hindi naman ako makasagot kasi si Tooru ang tinutukoy n'ya! Ano ba naman 'yan!

Tumawa nalang ako kunware tapos uminom ng kape. Napaisip tuloy ako.. Paano kaya kung makita ako ni Tooru na may kasamang ibang lalaki? Ano kayang mararamdaman n'ya? Syempre wala, wala naman s'yang pake saakin bakit ko ba iyon iniisip? As if namang mag seselos s'ya. Parang mas malaki pa tyansan na mabangga ako ng ten wheeler na truck dito sa loob ng cafe kesa mag selos s'ya saamin.

Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now