9

916 16 0
                                    

Isang araw ang lumipas pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari nung nakaraan. Totoo ba ang mga sinasabi ni Tooru? Or pinapaikot nanaman n'ya ako para mag balik loob ako sa kaniya? Pero may part saakin na genuine talaga s'ya sa sinasabi n'ya. Pero what if nag kukunwari lang siya para magkagusto ulit ako sa kan'ya? Nalilito na ako!

"Huy!" muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla akong gulatin ni Earl.

"Earl? Nagulat naman ako." sabi ko. Tumabi s'ya saakin ng upo. Break namin ngayon kaya nandito ako sa canteen.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Share mo naman." sambit niya. Napabuntong hininga lang ako.

"Nung nakaraan kasi, kinonfront ako ni Tooru." kwento ko sa kan'ya. Gulat naman siyang napatingin saakin.

"Huh? Bakit daw? Ano'ng sabi n'ya?" napabuntong hininga ako.

"Nagseselos s'ya sa'yo. Nakita n'ya kasing magkasama tayo." kwento ko. Ilang seconds s'ya hindi nakapag salita at parang nag sisink in pa lang sa kan'ya ang sinabi ko.

"Ha? Nag seselos saatin? Kayo pa ba?" tanong niya. Umiling ako.

"Ewan ko ba sa kan'ya kung bakit s'ya nagkakaganiyan." takang usal ko. Kahit ako hindi ko na s'ya maintindihan. Ah basta, titibayan ko loob ko para hindi ako mahulog sa kan'ya ulit.

***

"Totoo ba?! Inamin n'ya nagseselos s'ya sa in'yo ni Earl?!" bahagya kong inilayo ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Francine. Kinwento ko kasi sa kan'ya mga nangyari sa buhay ko, kasama na 'yung nangyari saamin ni Tooru nung nakaraan.

"K-Kailangan ba talaga sumigaw--"

"Kamusta naman? Anong naramdaman mo? Bumigay kaba?" sunod sunod na tanong niya. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

"Tinitibayan ko loob ko. Alam mo naman kung gaano ako karupok pag dating sa kan'ya. Huwag ka mag-alala, napipigilan ko naman ang sarili kong huwag mag padala sa mga sinasabi n'ya." paliwanag ko. Zinipper ko na ang bag ko at saka tumayo, nagsimula narin ako maglakad palabas ng auditorium, uwian na e.

"Kasi naman e! Dapat matagal pa lang iniyawan mo na 'yan! Kita mo tuloy nangyari oh?! Kung ako sa'yo kay Earl ka nalang. Naku 'yang Oikawa na 'yan pag nakita ko talaga 'yan!" bahagya akong natawa.

"Huwag mo nga isama si Earl sa usapan. Kaibigan ko lang s'ya." sagot ko.

"Sus! Base sa kwento mo saakin feel ko may gusto 'yan s'ya talaga sa'yo." eto na naman s'ya ipipilit na namam n'yang may something kami ni Earl. Bihira ko na nga lang s'ya makausap ganito pa usapan namin.

"Oo na oo na." sumang-ayon nalang ako para tumigil s'ya.

"Hahahaha! Nga pala ginagawa mo ngayon?" tanong niya.

"Naglalakad na ako palabas ng auditorium. Tapos na final practice namin e." sagot ko. Oo tama, final practice na dahil sa isang araw na ang competition namin. Kinakabahan tuloy ako.

"Ganoon ba? Wala ka kasama?" tanong pa niya.

"Meron, si Earl. Nag CR lang s'ya saglit. Hahatid n'ya ako pauwi." sagot ko.

"Yieee hahahaha sige na sige na babye na, may gagawin pa ako e. Bye bye, Sister! Goodluck sain'yo ni Earl aaaccckkk!"

"Ikaw talaga.. Sige na bye bye na." nakangiting usal ko. Tapos binaba ko na ang tawag. Puro s'ya kalokohan. Kaibigan ko lang naman talaga si Earl.

Habang naglalakad ako sa phone lang naka tuon ang atensyon ko. Hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko.

"Hala, sorry po!" humingi kaagad ako ng tawad matapos ko s'yang mabangga. Nalaglag ang phone ko sa sahig at nung pupulitin ko na bigla s'yang nag salita.

Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now