Chapter 1

949 36 3
                                    

Zamora

" Jusko Zamora! Napakasipag mo talaga na bata oh" nakangiting iiling-iling nalang ako sa sinabi ni Aling Beta. Kasalukuyan kasi akong naglalaba ngayon sa labas ng bahay.

" Aling Beta natural lang na gawin ko po ito" wika ko naman.

" Swerte ng tatay mo sayo Zamora! Bukod sa maganda na ay jusko masipag pa!" Nahihiyang ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit maraming nagsasabi sa akin na mas mukha pa daw akong babae dahil sa payat at kinis ng balat ko.

" Ako nalang po kasi maasahan ni Tatay"

Iniwan kasi kami ng Nanay ko at nag asawa ng ibang lalaki. Iniwan nya si Tatay dahil hindi nya makuha ang luhong gusto nya. Swerte naman ako dahil mahal ako ni Tatay kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Isang Security si Tatay sa isang sikat na kumpanya kaya kahit papaano ay malaki ang sahod pero sadyang hindi namin maiwasan magkaroon ng utang kaya ang iba sa pera nya at binabayad sa utang.

Huminto na ako sa pag-aaral pero nagsisikap naman ako mag-aral sa bahay lang. Mas ginusto kong magtrabaho para matulungan si tatay at kahit ayaw nya ay wala na syang magawa.

" Osya at ako'y magluluto pa ng hapunan namin" umalis si Aling Beta kaya bumalik na ako sa ginagawa ko. Isa isa mababait na kapitbahay namin si Aling Beta, wala syang anak pero may asawa. Noong bata pa ako ay madalas sya ang nag aalaga sa akin kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya.

Matapos kong maglaba at nagsampay na ako at inayos ang ginamit na bagay kanina. Nakatira lang kami dito sa squater, pero swerte parin dahil kahit squater lang ay wala naman nagaganap na gulo. Marami lang mga chismosang tao.

Pumasok na ako sa loob at nagsimula narin magluto. Sabado ngayon at maaga ang uwi ni Tatay mula sa trabaho. Tuwing sabado kasi ay maaga ang uwi nya at pahinga nya naman sa linggo.

Ilang oras ang lumipas ay natapos narin ako sa pagluluto. Sakto naman dahil may kumakatok na sa pinto kaya tumayo na ako at binuksan ito.

" Welcome Home Tatay!" Sigaw ko at sinugod ito ng yakap. Natatawang niyakap nya naman ako pabalik at doon ko lang napansin ang isang magandang babae na kasama nya. Sino naman sya?

" Pasok ka Kris" Nakangiti naman ang babae na pumasok at nabigla ako nang yakapin nya ako at halikan sa magkabilang pisnge ko.

" Good evening Zamora" Kilala nya ako? Malamang sa malamang, sinabi ni tatay sa kanya ang pangalan ko pero sino sya? Bakit nandito sya? Kung papansinin ko halatang balat mayaman sya at maganda talaga. Nasa 40's na sya pero hindi mahahalata iyon.

" Ah... Magandang gabi rin po" magalang na saad ko. Tinuruan kasi ako ni tatay na gumalang sa nakakatanda sa akin at lalo na sa bisita bamin.

" Upo ka muna Kris, pasensya ka na dahil maliit lang itong bahay. Sinabi ko naman sayo na bukas mo nalang kilalanin itong si Zamora" rinig kong wika ni tatay.

Kahit nagtataka ay lumapit ako sa kanila at tinulungan si tatay na maghain ng pagkain. Wala naman mababakas na disgusto sa mukha ni ma'am kris dahil nakangiti lang ito at hindi ito peke.

" I told you Ricardo, it's okay" hindi ba sya marunong magtagalog?

" Tara na anak, kumain na tayo" umupo naman ako sa tabi ni tatay at tahimik na sumandok.

" Alam kong nagtataka ka kung sino ang kasama ko anak" panimula ni tatay. " Siya si Kristal at kasintahan ko sya"

Dahil kakasubo ko palang ng pagkain, bigla akong napaubo dahilan para bulunan ako. Mabilis naman inabot sa akin ni tatay ang tubig at ininom ko agad iyon.

The Obsession Series 2: Krypton Greik Partridge Where stories live. Discover now