Chapter 2

746 35 6
                                    

naisipan kong mag update naman dito hahahah, happy reading everyone!!!

Zamora

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang tumira kami dito ni tatay sa mansyon nila tita Kris. Hindi ko naman gaano nakakausap si kuya Krypton dahil palagi syang wala sa bahay, bihira lang kami magkita at hindi naman kami nag uusap.

Pinasok din pala ako ni tita Kris sa university kung saan pag-aari na ito ni kuya Krypton, nakakahiya nga pero ayaw naman nila akong hindi pumayag kaya wala na akong nagawa. College na ako at pagpipinta ang course ko. Mahilig kasi akong magpinta simula bata pa lang.



May mga naging kaibigan din ako sa university na ito at kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria.


" Totoo bang kapatid mo si Mr. Greik? pero hindi naman kayo magkamukha" usal ni Paye. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko rin alam saan nila narinig ang chismis na yan dahil hindi ko naman sinabi sa kanila na kapatid ko na ang may ari ng university na ito.



" Saan nyo naman narinig yang chismis na yan?" Tanong ko.


" hello girl? kalat na kaya sa buong univ ang balita na yan" saad naman ni Cly  Silang dalawa ni Paye ang naging kaibigan ko dito.



" hindi ko sya kapatid pero parang half brother ko na" tumango naman sila.



" Hindi ka ba sinusungitan non? napaka sungit kaya non tapos nakakatakot pa yung aura"



" oo nga! halos patayin ka na sa titig na binibigay nya sayo eh" napaisip naman ako. Tama naman sila sa sinabi nila tungkol kay kuya Krypton pero hindi ko inaasahan na ganon sila katakot dito.



" hindi naman" matipid na saad ko. Tulad nga ng sinabi ko, hindi naman kami ganoon nag uusap sa mansyon dahil palagi syang wala. " palagi kasi syang wala sa bahay kaya hindi rin kami ganoon nag uusap" saad ko.



" May sarili na kasi syang mansyon, hindi ka ba updated? Umuuwi lang sya don sa mansyon ng ina nya kapag trip nya"



" Pero alam mo ang pogi pa rin ni Mr. Greik kahit ganoon ang ugali nya kaso nakaka offend lang dahil baliw daw"



" Baliw? Baliw si kuya Krypton?" Gulat na tanong ko. Tumango naman sila at mas lumapit sa akin.



" narinig lang namin ito pero may babae daw syang sinaksak mismo sa mukha" parang hindi naman ata tama na magkalat ng ganoong chismis hindi ba?



" ito pa, hindi sya nakikipag sex kahit na kanino kaya yung libog na nararamdaman nya dinadaan nya na lang daw sa pagpatay"



" Hindi naman ata magandang magkalat ng ganyang klaseng chismis hindi ba? baka sinisiraan lang nila ang kuya ko" saad ko. Mukha namang hindi ganoong klaseng tao si Kuya Krypton.



" Chill lang, rinig lang namin sa iba yan saka matagal na panahon na"



" Feeling ko naman na mabait na tao si Kuya Krypton" saad ko. Binigyan naman ako ng makahulugang ngiti ni Paye.



" Mag iingat ka parin Zam dahil hindi mo pa naman sya ganoon kakilala" tumango na lang ako.



Matapos namin kumain ay dumiretso na kami sa loob ng classroom. Magkakalayo ang upuan namin kaya hindi kami makapag usap ng malapitan. Katabi ko ang isa sa makulit ko na kaklase, si Nathan.



" Hi Zamora, kumain ka na ba?" Hindi ko naman pinakita sa kanya ang pag irap ko.



" Oo kumain na ako" saad ko.



The Obsession Series 2: Krypton Greik Partridge Where stories live. Discover now