Chapter 3

676 26 9
                                    

I think i need to update na dito haha, enjoy reading!!

Zamora

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil nararamdaman ko na may tumatapik at may tumatawag na sa pangalan ko.

" Zamora wake up we're here" bahagya pa akong umunat-unat bago ko tuluyang buksan ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Krypton kaya medyo nabigla ako dahilan para bigla akong lumayo sa kanya. Nahalata nya ata ang bigla kong paglayo kaya biglang sumeryoso ang mukha nya.


" We're here" tanging saad nya na lang at nauna nang lumabas sa kotse. Napabuntong hininga naman ako at lumabas na rin, kinuha ko lang ang mga gamit ko at tahimik na pumasok sa mansyon. Kinuha naman ng mga katulong ang gamit ko at sila na raw ang bahala doon.

" Good evening Zamora, how's school?" Bungad na tanong sa akin ni Tita Kris pagpasok ko pa lang sa loob ng dining area. Hindi naman ako agad sumagot dahil ang mga mata ko ay nakadako kay Kuya Krypton na nakatitig din sa akin.


" A-ayos lang naman po tita" umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang tumitig sa kanya ng matagal. Lumapit naman ako kay tita at nagmano sa kanya. Ganoon rin ang ginawa ko kay tatay na tumutulong sa paghahain ng mga pagkain.

" Mabuti naman at dito ka magdidinner iho" saad ni tatay kay kuya Krypton. Tipid naman itong tumango.

" Zamora wants me to have dinner here so i came tito" bilib din talaga ako sa kanya dahil kahit gaano sya kasungit at kasuplado, nagagawa nya pa rin igalang si tatay. Napangiti naman sila tita Kris at tatay sa narinig.

" Seems like you two are being close huh" umupo si tita Kris at pinagsilbihan si tatay. Ang sweet nila, natutuwa akong makita na masaya si tatay. Alam kong walang tumatagal sa mundong ito pero palagi kong hinihingi sa diyos na patagalin nya ang kasiyahan na meron si tatay ngayon.


" Here" nagulat na lang ako nang may laman na pagkain na ang plato ko. Napalingon ako kay kuya Krypton pero hindi na sya nakatingin sa akin ngayon.


" Thank you kuya Krypton" bigla naman syang lumingon sa akin. Inosente naman akong nakangiti sa kanya kaya wala akong ideya kung bakit sobrang tiim ng pagtitig na ginagawa nya. May nasabi ba akong mali?




" I like it"

"Huh?"


" Nothing" hindi na nya ako pinansin ay naglagay na sya ng pagkain sa plato nya.

" Ano ba yun Kuya?" Pangungulit ko

" I said its nothing"


" Pero kas-"

" Zamora kakain na ang kuya mo" saway sa akin ni tatay. Napasimangot na lang ako at yumuko.

" Sorry po" ngusong wika ko.

Mas nanahimik na lang ako nang makita ko si Kuya Krypton na nakangiti ngayon. Wala naman dapat ikangiti sa nangyari eh.



Matapos namin kumain hindi na ako nakatulong pa sa paghuhugas dahil ang mga katulong na daw ang bahala roon kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat na lang at magbihis. Nag shower na lang din ako dahil medyo nanlalagkit na ako sa katawan ko.


Pagkalabas ko ng banyo, kumuha lang ako ng damit at nagbihis. Sa loob ng kwarto na ito meron na rin akong study area kung saan pwede akong mag-aral. Nakakatuwa lang dahil binilhan ako ni tita Kris ng isang laptop na syang matagal ko na ring pangarap. Kinuha ko ang libro sa bag at umupo na para magbasa. Kahit naman noong hindi pa kami dito nakatira, ugali ko na talang mag-aral nang mag-aral.




The Obsession Series 2: Krypton Greik Partridge Where stories live. Discover now