Chapter 6

596 33 13
                                    

Zamora

" Are you really sure about this Zamora? We're not forcing you but alam mo naman ang tatay mo, he will surely be worried to you nonstop"




" Kris naman? Hindi naman ako ganon ka-oa na ama at isa pa, may tiwala naman ako sa anak ko, diba anak?" Tumingin sa akin si tatay kaya napangiti naman ako at tumango.






" Alam ko po yun tay, isa pa po malaki na ako. Kayang-kaya ko na ang sarili ko, nandon naman din si kuya Krypton para bantayan ako"






Pumayag na akong tumira kasama si kuya Krypton, wala namang mawawala kung kasama ko sya sa iisang bubong, gusto ko rin bigyan ng time si tatay at tita Kris na magkaroon pa ng bonding na silang dalawa lang, alam ko rin namang hindi ako pababayaan ni kuya.








" I just don't get my son anymore, it's unusual for him to have someone in his house but i think he really likes you Zamora" nakangiting wika ni tita Kris. Hindi ko naman masyadong binigyan pansin ang ngiti nya na iyon. " I mean, he must be so fond to have a little brother like you"









" Oo nga po, sobrang sweet nga po n'yang si kuya" nakita ko naman ang gulat sa mukha ni tita Kris pero bigla rin napalitan iyon nang seryoso na mukha.










" I just hope the both of you will have a good time, now that the two of you will live together" ngumiti naman ako at tumango.








Sana nga maging maayos ang buhay ko kasama si kuta Krypton, knowing him may mga bagay syang sasabihin sa akin na ayaw nya habang nandoon ako sa bahay nya. Syempre bilang kahihiyan na rin, kailangan kong sundin iyon. Ako na lang din siguro ang maglilinis kapag may time ako, wala kasi akong napansin na katulong  sa bahay nya, halatang ayaw nya na may kasama sya.









" Aakyat po muna ako para ayusin yung ibang gamit ko" paalam ko. Pareho lang silang tumango kaya hindi na ako nagsalita pa at umakyat na sa taas.








Pagpasok ko sa kwarto sinumulan ko na ayusin ang mga gamit na kailangan ko pang dalhin. Ang totoo nyan, hindi ko naman na kailangan magdala pa ng gamit dahil sinabi ni kuya na may mga gamit na agad ako doon. Hindi naman ako pumayag na hindi pa rin dalhin ang iba sa gamit ko dahil ito pa rin ang nakasanayan ko.









Nagitla naman ako nang biglang magring ang phone ko. Medyo hinanap ko pa ito dahil hindi ko matandaan kung saan ko ba nalapag, mabuti na lang at nakita ko agad kaya sinagot ko na ito.








" What took you so long to answer this call, sweetheart?" Ayan ang agad ang bungad sa akin ni kuya Krypton. Halata sa boses nya ang pagkairita at pagkainip pero halatang pinipigilan nya ang sarili nya na sigawan ako.







" Sorry kuya, hinanap ko pa kasi nakalimutan ko saan ko nailapag. Bakit pala napatawag ka? Nag aayos pa ako ng gamit" wika ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.








" I'm on my way now, and didn't i tell you not to bring your things? You already have a bunch of clothes there Zamora" narinig ko pa ang pag "tsk" nya na medyo kinatawa ko.









" Dito kasi ako komportable eh saka unti lang naman ito"








" Whatever"








Napangiti naman ako bigla, minsan kahit ayaw nya pinagbibigyan nya pa rin ako sa mga gusto ko. Hindi ko alam pero i kinda find it cute, pakiramdam ko isa na ako sa swerteng tao sa buhay nya dahil lang sa ganon. Napailing na lang ako sa kalokohan na naisip ko.







The Obsession Series 2: Krypton Greik Partridge Where stories live. Discover now