Chapter 4

542 28 3
                                    

Zamora

Uwian na pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kanina kay Cly, kung bakit sya umiiyak ay hindi ko alam. Wala akong alam sa nangyayari, ano bang ginawa sa kanya ni kuya Krypton? Anong meron sa kanya na hindi ko alam? Masama ba ang ugali nya? Bully ba sya noon?





Pero para sa akin sobrang bait nya..





Napabuntong hininga na lang ako at tumitig sa bintana ng kotse. Hindi si kuya Krypton ang nagsundo sa akin tulad nga ng sinabi nya kanina. Kakausapin ko na lang siguro bukas si Paye at Cly para malinawan naman ako kahit papaano.





" Ayos lang po ba kayo sir Zamora?" Napatingin naman ako sa personal driver ni tita Kris nang tanungin nya ako. Ngumiti naman agad ako at tumango.




" O-opo ayos lang po ako"





" Mukhang malalim ang iniisip ko eh, muntik ko nang mahukay hahaha" nailang naman ako sa sinabi nya. Hindi ko gets..





" Ano po ba ang iniisip nyo sir? o baka sino ba ang iniisip mo sir?"




" Iniisip ko po si kuya Krypton" unti-unti namang nawala ang ngiti nya sa sinabi ko. Pero ngumiti naman agad sya " May tanong po sana ako manong"





" Hmm ano yun?"




" Masamang tao ba si kuya Krypton? Ang dami kasing natatakot sa kanya sa school na pinapasukan ko kahit mga kaibigan ki ay takot sa kanya, hindi ko lang po maintindihan kung bakit ganoon dahil sa tingin ko naman ay mabuting tao naman ang kuya ko"






"Ahhh...hindi ko kasi masyadong close ang young master, hindi ko rin masabi ang totoong ugali nya dahil wala naman syang pake sa paligid nya at mas lalong wala sya palagi sa mansiyon. Ngayon lang talaga iyon umuuwi nung nandon na kayo ng tatay mo" napatango-tango naman ako.




" Ganon ba? Salamat po"




" Pero.." napatingin ako bigla sa kanya nang magsalita sya. Sumeryoso rin ang itsura nya at bumuntong hininga. " Base sa naririnig ko, maraming sikretong tinatago ang young master, sabi pa noon ng isang dating katulong sa mansiyon nakita nya raw na may sinaksak ito pero syempre walang naniniwala sa kanga dahil hindi naman iyon kayang gawin ng isang binata na Krypton" bahagya pa syang tumawa.




May sinaksak sya? Pero tama naman si manong, hindi naman magagawa ng isang binata iyon hindi ba? Pero bigla akong kinabahan ng isipin na maaaring totoo man ang narinig nya na iyon.




" Nako iho, wag mong masyadong pansinin ang sinabi ko, gawa-gawa lang iyon ng katulong at isa pa may sayad sa utak yun" saktong dumating na kami sa mansiyon kaya nagpasalamat na ako sa kanya at bumaba na. Pagpasok ay hindi ko agad nakita si tatay bagkus naroon si tita Kris.



Nagmano lang ako sa kanya at umakyat na rin agad. Saan naman nagpunta si tatay? Paniguradong nasa hardin iyon ng mansiyon dahil nga mahilig si tatay sa mga halaman. Simula kasi ng mapunta kami dito, ayaw na syang pakilusin ni tita Kris sa mga gawaing bahay dahil may mga katulong naman daw pero dahil mapilit si tatay wala nang magawa si tita Kris. Hindi kasi iyon nakakatulog kapag walang nagagawa sa bahay.





Nagpalit lang ako ng damit at sinimulan nang gumawa ng mga assigments na tambak, napabuntong hininga ako dahil walang araw ata na hindi nagpapagawa ng assigment ang teacher namin na iyon. Nakakatuwa lang dahil magaling naman syang magturo pero ubod naman ng kasungitan




Habang nagsusulat biglang nagring ang cellphone ko, wala pa sana akong balak pansinin kung sino ang tumatawa pero nakita ko ang pangalan ni kuya Krypton.




The Obsession Series 2: Krypton Greik Partridge Where stories live. Discover now