Chapter 7

398 18 3
                                    

Zamora

Its been a week simula nung lumipat ako sa mansyon ni kuya Krypton. Isang linggo na rin syang walang sawa kakabilin sa akin na wag akong makipag-usap sa kahit sino mang mga lalaki. Wala naman talagang kumakausap sakin na lalaki dito, madalas pa nga akong asarin dahil bakla raw ako. Hindi naman na bago sa akin iyon kaya hindi ko na lang sila pinapansin.







Ang palagi ko lang kasama ay si Paye at Cly. Hindi ko na nga masyadong kinukwento sa kanila yung bilin sakin ni kuya Krypton kasi baka pag-isipan na naman nila ng masama yung tao. At lalo na yung paghahalikan naming dalawa, feeling ko hindi ko dapat kwento sa kanila yun. Alam ko naman na ayaw nila sa kuya ko pero ayokong habang buhay nilang dala-dala yun. Hanggang ngayon nga nagtataka pa rin ako kung ano yung sinabi nila noon na 'biktima' raw si Cly.







Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko, hindi ako makapagfocus sa prof na nasa harap namin ngayon dahil sa mga iniisip ko. Kasalanan toh ni kuya eh, napalingon ako kay Paye na mukhang inaantok na at si Cly na halos pikit na ang mata. Sino naman kasing gaganahan makinig kung boring naman yung lesson at halos hindi na namin marinig yung boses ng prof namin.






" Huy balita ko may bisita raw ngayon na dadating dito sa school"







" Ha? Sino naman? Bakit ang hina ng sagap ko ngayon?"








" Ewan ko sayo girl pero sana pogi!!" Napailing na lang ako sa naririnig ko sa likod.








" Sana yung kambal na lang ng Partridge! Crush na crush ko talaga si Lucius saka Augustus ackkk"







May pinsan pa lang kambal si kuya Krypton? Siguradong pogi rin ang mga yun tulad ni kuya. Mukhang nasa lagi na nila yung magandang mukha at katawan eh.





" Asa ka pa! Mas maganda kung tung triplets na lang!" At may triplets din?!






" Ang lala mo na teh"







Biglang natahimik ang paligid nang may isang matangkad na lalaki ang pumasok sa loob ng room namin. Naka business attire pa ito at nakaayos ang buhok nyang kulay brown. Maraming babae ang napasinghap at isa na don si Paye, nang humarap sa amin ang lalaki nakilala ko agad ito.







" Class please greet out guess Mr. Chrost Partridge"








" Wahhh!! Chrost alam mo bang crush na crush kita!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.









" Chrost akin ka na lang! I love you"







" Ang oa naman ng mga toh" rinig kong bulong ni Cly at napailing pa.







" Quite!" Sigaw ng prof namin kaya natahimik lahat. " Girls! Para kayong mga walang delikadeza, mahiya naman kayo"









" Its okay Mr. Lim" saad ni Chrost.







Nilibot nya ang buong room at napahinto sya nang makita ako. Kitang-kita ang pag ngiti nya sa akin kaya nagsibulungan ang mga kaklase ko. Ano bang problema ng mga toh?








" Good morning everyone, i'm just here to observe everyone of you but i can tell you're all doing great. " Anong all doing great? Ka-plastikan ng lalaki na ito.









" Sus plastic" bulong ko.








" Loko ka talaga, kilala mo yan?" Tanong ni Paye kaya tumango ako. " Bigatin naman mga kilala mo"








The Obsession Series 2: Krypton Greik Partridge Where stories live. Discover now