Mirai Takara Satō
“M-ma'am?”
Humakbang ito papalapit sa'kin na ikina-taranta ko naman. Habang humahakbang siya papalapit ay unti-unti rin akong umaatras.
Shit na malagkit bakit ba bigla bigla na lang siyang nanghihila? ang layo layo ko na kanina eh, nasa stage pa lang siya umalis na ako. Kalahi niya ba si Flash?
Oo, si Professor Raven Klay Silvestre. Siya ang humila sa'kin papunta rito sa lugar na parte pa rin ng University.
“B-bakit p-po?” napamura ako sa sarili ko dahil ito na naman ako. Nauutal na naman ako, ang lakas ng epekto niya sa'kin.
“Bakit hindi ka na bumalik? I always looked for you at the terminal but you never came back, are you hiding from me?” mariing tanong nito sa'kin habang hindi pa rin tumitigil sa paghakbang patungo sa direksyon ko.
Dahan-dahan lamang ang lakad niya na para bang nags-slow motion sa paningin ko. Natataranta na ako, gusto kong tumakbo pero parang ayaw ng katawan ko. Atras lang ako nang atras hanggang sa maramdaman ko na ang poste sa likuran ko.
Shit, na-stuck na nga.
.
Ilang beses pa akong napalunok nang makita kong malapit na siya sa'kin. Nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko ay napayuko ako.
Ghad yung heartbeat ko ang bilis, anong nangyayari? may sakit ba ako sa puso?
“Answer me.” napaigtad naman ako nang bigla ulit itong magsalita.
“T-tuwing sabado at linggo lang p-po ako nagtitinda roon.” sinubukan kong hindi mautal pero hindi ko talaga kinaya. Grabe yung presensya niya, kahit siguro titigan niya lang ako sa malayuan ay para akong mababaliw.
“Hmmm, okay.”
Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa'kin. Ilang pulgada na lang ang ay magdidikit na ang mga labi naming dalawa.
Nakatitig lamang ako sa mata niya. Para akong nahihipnotismo sa mga titig niya. Hindi ko magawang iiwas ang mga mata ko sa mga mata niya dahil parang hindi ko kayang ialis ang paningin ko sa kanya.
“I will be your professor, after class mo pumunta ka sa office ko.” nakangising saad nito. Wala sa sariling napatango na lang ako sa kanya dahil para akong nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga mata niya.
Pagkatapos niyang makitang tumango ako ay iniwan niya na lang ako bigla na nakatulala sa kawalan. Ang lakas ng epekto niya sa'kin. Sa kanya lang bumibilis nang ganito ang tibok ng puso ko.
“Ano namang gagawin ko sa office niya? hindi ko nga alam kung saan yun, tsk.” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa building dahil baka ma-late na ako, unang subject pa lang baka late na ako.
Pag-akyat ko sa floor namin ay nakita kong sarado na ang pintuan kaya nakaramdam ako ng kaba pero pinanatili ko lang na walang emosyon ang mukha ko.