CHAPTER THREE

1K 56 11
                                    

Mirai Takara Satō




Natapos na ang klase at pauwi na ako. Kailangan ko pang maghanda dahil may pasok pa ako sa Bar bilang isang Waitress. Kahit delikado ang pagta-trabaho sa bar ay ginawa ko pa rin.






Sa tuwing papasok ako sa bar ay palaging may nagyayaya sa'kin na uminom at sila na raw bahalang kumausap sa manager namin pero hindi naman ako tanga para basta na lang pumayag.






Habang nag-aayos ako ay nakarinig ako ng mga yapak. Sigurado akong ang kambal na iyon kaya tumingin ako sa pintuan habang inaayos ang damit ko. Ilang saglit lang ay sumalubong na sa'kin ang mukha nung dalawa na tila masaya. Ano kayang nangyari sa mga babae nila kanina?






“Hmm, mukhang masaya kayo ah?” nakangisi kong tanong sa kanila.






“W-wala po, ate.” sagot ng dalawa pero bakas ang kaba sa mga mukha nito at parang nahihiya pa. Nakita kong mas kinakabahan si Akari kaysa kay Aiko kaya dumapo ang tingin ko rito at saktong nagtama ang mata namin kaya bigla siyang napayuko.







“Akari.” nilamigan ko ang boses ko para matakot siya at magsabi nang totoo sa'kin.








“A-te k-kasi ano—”







“Ate, hinalikan niya si Pauline. Nakita ko sila sa Cr kanina, natatae kasi ako eh pero nung nakita ko silang naglalaplapan biglang umatras yung tae ko.” sabat ni Aiko habang tawa nang tawa kaya natawa na rin ako.






Nanlaki ang mata ni Akari sa sinabi ni Aiko kaya hinampas niya ito sa braso dahilan para mapaigik si Aiko. Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Akari dahil alam ko nang mangyayari iyon.








“Alam mo ba si Aiko, ate. Nakita ko rin sila ni Ciara na may ginagawa sa gilid ng library. Nakarinig nga ako ng ungol eh, sabi pa nung babae “Ugh shit, Aiko. Ohhh there there!” sabat pa ni Akari at napahagalpak ito ng tawa.







Nilingon ko si Aiko at nakita kong namumula na ang pisngi nito kasama na rin ang tenga niya. Hindi niya ako matingnan sa mata kaya hinawakan ko ang baba nito at ipinaharap sa'kin.







“A-ate—”







“Ang sabi ko, pwede kang mag-nobya pero hindi ka pa pwedeng magkaroon ng anak. Hindi natin kayang buhayin si Ciara kung sakaling mabuntis mo siya. Mahirap lang tayo, Aiko.” prangkang sabi ko sa kapatid ko na ngayon ay nakayuko na.









“Hindi kami nag-sex, Ate.” giit pa ni Aiko pero hindi ko na ito pinansin pa. Bahala siya.









Narinig ko naman ang ngisi ni Akari kaya tiningnan ko rin siya at bigla niyang inayos ang tayo niya at pormal akong tiningnan na parang hindi nakakaramdam ng kaba.








“Ikaw.” tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip habang nakatingin sa kanya.










“Bat ako?” takang tanong nito kaya nilapitan ko siya.









“Lulunukin mo rin pala ang sinabi mo. Baka mamalayan ko niyan bukas kayo na ah? ayusin mo.” pagbabanta ko sa kanya dahilan para mamula ang pisngi niya.










Lumayo ako sa kanilang dalawa at tiningnan sila nang mabuti. “Kambal, ayusin niyo ang mga desisyon niyo. Hindi ako tutol sa pagnonobya niyo pero sana nasa tamang direksyon kayo. Matatanda na kayo, dapat alam niyo ang tama at mali. Lalong lalo na, huwag niyong pabayaan ang pag-aaral niyo.” lumapit ang dalawa sa'kin at niyakap nila ako. Ganito sila palagi kapag sinisermonan ko, akala mo maaamong tupa.











UnconditionallyWhere stories live. Discover now