Mirai Takara Satō
“Bili na kayo tubiggg!!!!!” sigaw ko sa mga jeep na dumadaan.
“Kuya!! bumili ka na sige na!!!” sigaw ko ulit dun sa isang lalaki na nagmamaneho ng jeep na huminto sa harapan ko pero tiningnan lang niya ako at pinaandar na ulit.
Aba? ang kapal.
Kanina pa ako sigaw nang sigaw dito sa may terminal pero di nila ako pinapansin. Kakaunti pa lang ang benta ko, sapat na ito para sa pambili namin ng bigas mamaya at ulam. Pero kulang pa rin ito pambili ko ng mineral water at candy bukas para ibenta.
Halos manakit na ang kamay ko at mapaos na ako rito maka-benta lang. Ang nipis na rin ng tsinelas ko dahil kakalakad. Siguradong pag bumili ako ng bago ay mababawasan pa ang puhunan ko para sa pambili ng tubig at ng candy.
Nagpunas muna ako ng pawis ko dahil babad na babad talaga ako sa araw. Kahit nauuhaw ako ay hindi ko magawang uminom dahil iniisip ko na mababawasan ang paninda ko kung iinumin ko pa ito.
Wala akong kakayurin kapag wala akong nai-benta man lang kahit isa. Kailangan kong magsikap para may pambaon kami bukas ng mga kapatid ko.
Naputol ang pag-iisip ko nang may magsalitang babae sa harap ko.
Ang tangkad..
Ang ganda...
“Excuse me, Miss. Pwede bang tumabi ka? nakaharang ka sa daanan.” grabe ang sungit.
Umatras naman ako at yumuko dahil nahiya ako bigla. Ang dungis ko na nga tapos paharang harang pa ako sa daanan.
“S-sorry po.” yun na lamang ang nasabi ko sa babaeng matangkad habang nakayuko.
Ilang saglit pa ay nag-angat na ako ng ulo ko dahil akala ko wala na siya pero mali ako. Nakatitig pa rin siya sa'kin na para bang sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Tumingin ako sa mga mata niya at namangha ako dahil sa kulay nito.
Mayroon siyang magandang mata.
Siren eyes.
Para akong nahihipnotismo sa mga mata niya. Saktong nagtama ang mga mata namin kaya nag-iwas agad ako nang tingin.
Gumalaw siya nang kaunti at akala ko ay aalis na siya pero lumapit pa siya sa'kin hanggang sa isang hakbang na lang ang layo namin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may karerang nagaganap sa loob nito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang lumapit siya sa'kin. Kinakabahan ba ako o natatakot?
“How much is that?” turo nito sa cooler na dala dala ko at sa tingin ko ay ang mineral water ang tinutukoy niya.
Tinaasan siya ako ng kilay kaya bigla akong kinabahan. “12 p-peso po.” tanging sagot ko sa kanya habang nakayuko pa rin.
Bakit ba ako nauutal? ang tagal ko nang nagtitinda rito ngayon lang ako nagka-ganito. Iba ang epekto niya sa'kin.
“Bibilhin ko lahat yan.” sabay abot nito sa'kin ng 5 thousands na ikinagulat ko.
“200 hundred lang po yan lahat, grabe naman po sa 5k, okay na po kahit 200 lang.” sagot ko sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay.
