CHAPTER TWO

1.1K 56 7
                                    

Mirai Takara Satō





Monday na naman kaya maaga akong nagising para maligo at para na rin gisingin ang dalawa kong kapatid na tulog mantika.


Nag-inat inat muna ako ng katawan ko at tumayo na para ayusin ang pinag-higaan ko. Nang matapos ako ay natungo na ako sa kwarto ng mga kapatid ko para gisingin ito.


“Aiko! Akari! gising may sunog!!!” sigaw ko sa kanila habang nilalakasan ang katok ko.


Wala pang isang segundo ay bumukas na ang pintuan at bumungad sa'kin ang mga mukha nilang gulat na gulat kaya napahagalpak ako ng tawa.


“Ate naman eh,  akala tuloy namin may sunog.” reklamo ni Aiko at nilagpasan ako.


Mukhang badtrip na silang dalawa pero tinawanan ko na lang sila. Sinabihan ko na silang mag-ayos at nang matapos sila ay binigay ko na ang baon nilang tig-isang daan. Ako naman ay nakapag-ayos na rin.



Sabay sabay na kaming lumabas at pumunta sa Saint Lorenzo University dahil pare-pareho kaming tatlong nag-aaral dun. Naglakad lang kaming tatlo dahil malapit lang naman ito sa bahay namin.



Nang makarating kami ay naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong 6:54 na kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko. Baka ma-late na naman ako, ayaw na ayaw ko pa namang nadadamay ang grades ko dahil nal-late ako.



Nang malapit na ako sa room ay nakita kong nakasarado na ito kaya nakaramdan ako ng kaba. Late na ako, nakakahiya talaga. Pero kailangan kong pumasok, baka hindi ako maka-graduate nito.


Nilakasan ko ang loob ko at huminga ng malalim bago kumatok. Naka-ilang katok pa ako at sa wakas ay may bumukas na ng pintuan. Bumungad sa'kin ang mukha ni Sir Taclas na nakasimangot pero nang malanan niyang ako iyon ay biglang ngumiti, ngiting abot sa tenga.



“Come in, Miss Satō.” masayang sabi nito kaya agad ko naman siyang sinunod.



Naglakad ako na blangko ang mukha ko. Ganito ang aking mood kada nasa klase ako. Ayaw kong makita nila ang side kong palangiti at mabait. Mas gusto kong mag-isa lang ako at walang makulit ba dumidikit sa'kin..



Nang makapasok ako ay inulit ni Sir Taclas ang dini-disscuss niya para daw sa'kin kaya nagtilian ang mga classmates ko pero ako walang emosyon lang na nakatitig sa kanila.



May gusto rin kasi itong propesor sa'kin. Binata pa siya at 29 years old pa lamang kaya kung humarot sa'kin ay parang hindi propesor. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan niyan sa'kin at palagi akong kinukulit.



Palagi ko siyang sinasabihan na gurang pero ang sabi niya lang “Age doesn't matter.” kaya napapailing na lang ako.




Nang matapos na si Sir Taclas magturo ay agad akong lumabas ng classroom. Maraming naka-tingin sa'kin at pati yung mga babae parang kiti-kiti kung maglikot pero hindi ko na ito pinansin pa.




“Woooohhhh bestfriendddd!” hindi ko na pinansin ang nagsalita dahil alam ko naman kung sino iyon. Siya si Margareth, ang mahilig manira ng araw ko. Palagi niyang sinasabi na kaibigan ko na siya pero hindi ko siya itinuturing kaibigan dahil sa bunganga niyang napaka laki. Nakalunok yata siya ng microphone.




“Wait bestfrienddd, ang bilis mo naman maglakad. Porket matangkad ka eh!!” sigaw pa nito sa'kin pero hindi ko na siya pinansin at mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya ako maabutan. Naramdaman ko na lang na pinalo nito ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.



UnconditionallyWhere stories live. Discover now