DISCLAIMER :
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story contains mature themes, strong language, an offending scene that is not suitable for sensitive readers, and some scenes that may trigger you.
I am not a professional writer so you will encounter some grammatical errors and spelling.
_____________PROLOGUE______________
Tahimik akong naka-upo rito sa bench nang may biglang tumabi sa'kin. Hindi ko na ito pinansin pa at itinuon ko sa mga naglalaro ang atensyon ko.
Nagulat naman ako nang hawakan nito ang kamay ko kaya nilingon ko ito nang blangko.
"I-i just want to hold your hands, Pretty." saad ni Khray.Agad kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko at tumayo na para umalis. Akmang hahakbang na sana ako nang yakapin ako nito sa likod.
"Pretty, please? i-i'm sorry. I-didn't mean to hurt you. I-i love you." sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalo niya lamang itong hinigpitan.
"Khray, bitawan mo ako. Baka makita tayo ng fiancé mo at sampalin niya na naman ako sa harap ng maraming tao." malamig na usal ko sa kanya.
Naramdaman kong umiling iling siya sa balikat ko at humihikbi na pero hindi ko ito pinansin. "M-mirai, baby. I don't love her. Please let me explain." nang dahil sa sinabi nito ay marahas kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko at hindi naman ako nabigo.
Nilingon ko siya nang blangko at nakita kong namamaga ang mga mata nito marahil ay kakaiyak niya pero wala na akong pakialam.
Pagak akong natawa nang dahil sa sinabi niya. 'i don't love her.' sa tuwing naririnig ko yang mga katagang iyan sa kanya ay natatawa ako bigla.
"Nagpapatawa ka na naman, Khray. Ilang beses mo na bang sinabi yan sa'kin? five? or more? pero ano? palagi ko kayong nahuhuli sa office mo na nagtutukaan. Leave me alone, don't you dare come near me!" hindi ko mapigilang mapasigaw kaya nakakuha na kami ng atensyon sa mga kapwa kong estudyanteng nanonood ng baseball.
"M-mirai-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at lumakad na ako paalis nang hindi siya nililingon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa'kin peto hindi ko na ito pinansin.
Ilang beses niya akong niloko. Palagi kong pinapalampas iyon dahil mahal na mahal ko siya.
Nang i-announce sa gym na mayroon na siyang fiancé ay parang nadurog bigla ang puso ko. Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig dahil sa nalaman ko.
Napahawak na lamang ako sa tiyan ko habang umiiyak.
"I'm sorry, baby. Mama is still here."