CHAPTER SEVEN

1K 41 6
                                    

Mirai Takara Satō






“Sabihin mo nga sa'kin Margareth, anong namamagitan sainyo ni Miss Bautista? bakit palagi kang may pasa?” Seryosong tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga pasa niya sa may bandang leeg at sa braso nito.

Nakita ko kasi siya kanina sa hallway na palinga-linga na para bang natataranta kaya hinila ko siya papunta rito sa rooftop para kausapin at malinawan sa mga nangyayari sa kanya.

“W-wala, napaso lang ako nung nagp-plantsa ako ng buhok ko t-tapos yung pasa sa baso ko natapunan ako ng mainit na tubig habang nagkakape.” Tila ba nag-iingat niyang sagot sa'kin habang palinga-linga sa palagid nitong rooftop.

May pakiramdam talaga ako na may hindi tamang nangyayari, I need to find out what's going on to her.

“Ganun ba? Ano yang sugat mo sa labi, nakagat mo lang labi mo kaya may sugat?” Sarkastiko kong tanong sa kanya.

Nakita ko naman na napatigil siya sandali at dahan-dahan na hinawakan ang sugat nito sa labi, nakikita ko rin sa mga mata niya na may hindi talaga tama dahil punong-puno ito ng lungkot at takot.

“Answer me, Soriano.” Seryoso kong saad sa kanya ngunit imbes na sagutin niya ang mga tanong ko ay niyakap lamang ako nito nang mahigpit hanggang sa marinig ko na lamang ang mahinang pag-iyak niya sa dibdib ko.

“P-pinapanood niya tayo.” Rinig kong bulong nito habang umiiyak sapat lamang na kami ang makarinig.

Napakunot ang noo ko ay napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “What do you mean?” Pabulong na tanong ko sa kanya dahil nakarinig ako ng mahinang yapak patungo sa amin.

“Sinus—”  Hindi na natapos ni Margareth ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa likod ko.

“Ate, kanina ka pa namin hinahanap ni Akari.”

“Nandito ka lang pala Ate.”

Sabay nilang sabi habang nakatingin kay Margareth na umiiyak pa rin sa dibdib ko. “Anong nangyari sa kanya, Ate? Why is she crying?” sunod-sunod na tanong ni Aiko sa'kin.

Inilingan ko lamang ito at dahan-dahan kong hinaplos ang likuran ni Margareth upang patahanin ito.

“Mauna na kayong umuwi, sasamahan ko muna sa pag-uwi si Margareth, she's not feeling well.” Utos ko sa dalawa na agad naman akong tinanguan.

“Sige po, Ate. Mag-ingat kayo sa pag-uwi ha? Love you.” Paalam ni Akari habang kumakaway-kaway pa. “Kayo ang mag-ingat.” Pahabol ko rito.

Tiningnan ko naman si Margareth na nakayakap pa rin sa'kin at naririnig ko ang munting hilik nito senyales na nakatulog ito. Sa tingin ko ay walang maayos na tulog ito at pagod na pagod, ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay palagi siyang umaaakto na parang natataranta kapag nakikita ko siyang mag-isa lamang na naglalakad sa hallway.

Hindi na rin siya hyper katulad nung mga nakaraang linggo, hindi niya na ako masyadong pinapansin at pati sa pagkain sa cafeteria ay hindi na siya nakikisabay sa amin.

Nakita ko sila ni Miss Bautista noong nakaraang araw na hila-hila siya nito papunta sa office nito. Pero nakita ko rin na parang pumipiglas si Margareth ngunit hindi siya nagtagumpay. I'm really sure that she's the reason behind this.

Lumingon ako sa may pintuan patungo sa exit nutong rooftop dahil may narinig akong yapak papunta sa kinauupuan namin ni Margareth. Akala ko ay tao pero pusa lang pala na kulay itim kaya napahinga ako nang maluwag.

“Margareth...gising na, ihahatid na kita sa inyo.” Paggising ko kay margareth, mahinang ungol lamang ang isinagot nito sa'kin.

“Gumising ka n—”  Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya habang tulog.

UnconditionallyWhere stories live. Discover now