Mirai Takara SatōTahimik lang akong nakikinig sa propesorang naglagay ng hickey sa leeg ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala kaya napilitan akong bumili ng concealer para takpan ito.
Hindi ako maka-tingin sa kanya habang nagtuturo dahil ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol niya sa'kin. Napa-lingon ako kay Adele nang kalabitin niya ako at kumunot pa ang noo ko nang lumapit ang kanyang labi sa tenga ko at may ibinulong.
“I think she likes you. I can see your hickey—” napaigtad kami pareho nang may parang bumagsak na mabigat na bagay sa direksyon ni Ma'am Silvestre kaya napa-tingin kami pareho sa kanya.
Nakita ko ang iPad ni Ma'am Silvestre na nabagsak sa sahig at mukhang basag na nga. Nag-angat ako nang tingin sa kanya at biglang tumayo ang mga balahibo ko nang makita kong nanlilisik ang kanyang matang naka-tingin kay Adele.
Wala man lang siyang pakialam sa iPad niya at hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa babaeng katabi ko. Napa-tingin naman ako kay Adele at muntikan na kaming mag-halikan. Sasawayin ko na sana si Adele na bumalik sa upuan niya pero may narinig na naman kaming ingay sa direksyon ni Ma'am Silvestre.
Ang laptop.
Bumagsak.
Itinulak ko nang mahina si Adele para maghiwalay kaming dalawa. Ni hindi ko magawang tingnan si Ma'am Silvestre dahil sobrang sama nang tingin niya sa aming dalawa. Kung nakakamatay lang ang tingin eh kanina pa kami naka-bulagta ni Adele rito.
Napatingin ako sa unahan nang may marinig akong takong na papalapit sa direksyon namin. It was Ma'am Silvestre. Bigla niya akong hinila at tumingin siya sa mga classmates kong naka-tingin na rin sa amin. “Class Dismissed.” saad niya at tuluyan akong hinila papunta sa kung saan. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod dahil ang puwersa niya humila, para akong magkakaroon ng pasa.
Nakarating kami sa office niya at agad niyang ni-lock ang pintuan. Hinila niya ako papunta sa sofa at pina-upo ako sa kandungan niya. Naka-harap ako sa kanya at hawak hawak niya naman ang bewang ko dahilan para hindi ako maka-galaw.
“Ano na naman bang problema mo?” galit na tanong ko sa kanya pero napalunok agad ako nang makita ko ang mukha niyang mas galit at nagtitimpi lamang. “Ano?” tanong ko ulit sa kanya. Hindi ako nagpa-apekto sa masamang tingin niya dahil kailangan maangas pa rin ako.
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako.“Do you want to kiss her, huh?” mahinahong tanong niya sa'kin habang hinahaplos ang buhok ko at ang isa niyang kamay ay naka-hawak sa likod ko. “I'm mad at you, Takara. Nilagyan na nga kita ng marka para malaman nilang sa akin ka lang pero mukhang hindi pa rin gumana.” dagdag pa niya at lumipat ang hawak niya sa pisngi ko.
Hindi ko man lang magawang itulak siya at umalis sa kandungan niya dahil kapag ginawa ko iyon ay mas lalong magagalit lang siya sa'kin. Pakiramdam ko ay napapasunod niya ako sa pamamagitan lang ng paghawak sakin. Hindi ko ma-kontrol ang sarili ko kapag malapit siya. My heart is beating so fast. Sana lang ay hindi niya ramdam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.
“M-may sinabi lang siya sa'kin, hindi ko naman alam na muntikan na kaming mag-halikan.” Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya pero pakiramdam ko kasi kailangan.
“Hmm, okay. Anong sinabi niya?” tanong nito sa'kin. Mukhang hindi na masama ang timpla niya dahil hindi na naka-kunot ang noo niya at maaliwalas na rin ang mukha niya, hindi katulad kanina na parang sasabog na siya sa galit.
![](https://img.wattpad.com/cover/352437143-288-k538289.jpg)