Mirai Takara Satō
“Ate, tingnan mo yung dalawang professor oh tingin nang tingin sa direksyon natin.” ani ni Aiko at itinuro pa ito kaya sinundan ko kung saan nakaturo ang kamay niya.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sina Ma'am Silvestre at Ma'am Bautista ang itinuturo nito. Napalingon naman ako sa katabi kong si Margareth at nakita kong nanginginig ang kamay nito.
Anong nangyayari sa babaeng 'to?
Nung nakaraang linggo lang ay palagi na siyang naka-sunod sa'kin at parang ayaw nang humiwalay kaya hinayaan ko na lang hanggang ngayon heto siya nakisabay sa amin kumain dito sa Cafeteria.
Napansin ko rin na palagi siyang may mga parang pasa o marka sa leeg niya. Palagi ko siyang tinatanong kung anong nangyari pero hindi niya ako sinasagot at nagc-change topic siya kaya pinabayaan ko na lang kaysa naman pilitin ko pa siya, hindi ko naman siya resposibilidad.
Nawala ako sa malalim na iniisip ko nang may biglang tumikhim sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Para akong ewan na bigla na lamang nakaramdam ng kaba dahil nakita ko na naman ang mala-anghel niyang mukha.
Si Ma'am Silvestre.
“Pwedeng maki-upo?” tanong naman ni Ma'am Bautista habang nakatingin kay Margareth.
Agad na tumango ang dalawa kong kapatid. “Sige lang po, hindi naman sa amin itong upuan at lamesa eh.” pagbibiro pa ni Akari sa dalawang propesora.
Umupo si Ma'am Silvestre sa gilid ko at sa gilid naman ni Margareth naka-upo ang kaibigan niya.
Nakita kong nanginginig ang kamay ni Margareth kaya hinawakan ko ang kamay nito at tiningnan siya sa mata. Nakita ko ang takot sa mata niya.
Takot saan?
Napaigtad kami ni Margareth nang may biglang marahas na ibinagsak ang kutsara sa platito.
Napalingon ako kung saan iyon at saktong nagtama ang mata namin ng Propesorang palagi kong iniiwasan. Masama ang tingin na ipinupukol nito sa akin at napatingin naman siya sa kamay namin ni Margareth na mas lalo pang nanginig ang kamay.
Lumipas ang ilang segundo at hindi pa rin nagsasalita si Ma'am Silvestre kaya bahagya kong binitawan ang kamay ni Margareth at nagsimula na ulit akong kumain. Tahimik lang kaming lahat kasama na ang dalawa kong kapatid.
Nang matapos kami ay lumapit sa'kin ang dalawa kong kapatid at may ibinulong. “Ate, mukhang may gusto sa'yo yan.” turo niya sa katabi ko at hinalikan niya ako sa pisngi sabay umalis. Liligpitin ko na sana ang kinainan ko nang may biglang humila sa'kin nang sobrang lakas.
Kung makahila wagas, eno?
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod. Kung magpapabigat man ako ay mapipilitan na naman siyang buhatin ako kagaya nung ginawa niya sa'kin noong nakaraang linggo pagkatapos niya akong rape-in sa office niya.
“A-ano na naman ba?!” singhal ko sa kanya nang huminto kami sa kung saan na walang tao at kaming dalawa lamang ang nandito.
“Why are you holding Ms.Santo's hand?” galit na tanong nito sa'kin kaya napatahimik ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.
Nagseselos ba siya?
“Ano naman kung hawakan ko ang kamay niya?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
Nakita kong mas lalong dumilim ang mukha niya at mukhang galit na nga siya. Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niya akong hinila palapit sa kanya at siniil ako ng mapagparusang halik.
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Wala sa sariling naitulak ko siya nang malakas kaya agad kaming naghiwalay. Tiningnan ko siya nang masama pero ang gaga nakangisi lang na parang nagtagumpay sa kanyang plano na hindi ko alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/352437143-288-k538289.jpg)