Prologue

11.9K 168 6
                                    

"Tigilan mo na nga 'yang pantasya mo kay Ma'am, kababae mong tao tapos trip mo pa si Ma'am. At isa pa, alam mo namang mas matanda siya sa'yo ng anim na taon-"

Tinakpan ko ang bibig ng pinsan ko.

"Huling taon na natin 'to sa highschool, huwag mo nalang akong pakelaman."

Malamig na saway ko sa kaniya.

"Bahala ka na nga."

Umalis siya na mabibigat ang yabag. Kanina pa siya wala sa wisyo kaya hindi ko na muna sasabayan ang init ng ulo niya.

Nakatanaw ako sa baba, tinitingnan ko ang ngiti niya habang may kausap siyang mga nakatatandang Teacher.

Nabihag ako ng magandang mga ngiting 'yon.

Hindi ko siya naging subject Teacher pero sikat siya dahil maganda siya at matalino at higit sa lahat ay unang taon niya sa pag tuturo pero hindi magagawaran ng husay niya sa larangang 'yon.

Gano'n na lamang ang bilis ng tibok ng puso ko nang mag angat siya ng tingin sa kinatatayuan ko.
Alam kong nag tama ang aming mga tingin at wala akong balak mag bawi no'n pero hindi ko rin alam kung bakit hindi pa rin siya nag babawi ng tingin.
Nahihiwagaan tuloy ako kung ako ba talaga ang tinitingnan niya o may ibang tao pa sa palapag na kinatatayuan ko.

Uwian na namin at bilang bise presidente ng student council may mga kailangan pa kaming pag usapan at tapusin bago kami tuluyang umalis.

Ang alam ko ay bukod sa'min ni Neri na pinsan ko ay wala nang ibang tao rito sa building na 'to at sa'kin talaga siya naka tingin.

Pero bakit hindi mo pa inaalis ang tingin mo? May iba ka pa bang nakikita bukod sa'kin?

Kung hindi pa siya tinapik ng isa nilang kasamang guro ay hindi pa siya mag babawi ng tingin.

Napaupo ako sa sobrang kaba, sobra rin akong nanlalambot. Siya lang pala ang makakapag patiklop sa'kin ng ganito.

MY PROFESSOR IS MY WIFE (GXG) |PROFESSORXSTUDENT|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon