CHAPTER 22

2.9K 56 3
                                    

Nagkaroon kami ng conflict sa isang room, akala raw nila wala pang naka reserved doon kaya ang choice lang namin ay itong dalawang kwarto nalang ang naging available.

Nasa labas kaming anim ng magkaharap na kwarto.

"So? Paano 'to?"-Jade
"I want a peaceful sleep."-Nicole
"Gusto mo tuluyan na kita?"-Pyra

Siraulo talaga 'to.
Hinila ko nalang siya at sinamaan ng tingin.

"I want peace too."-Danica

Hinila ako ni Danica at hinila niya rin si Sam.

"Ma'am? What are you-"-Pyra
"Magsama kayong tatlo doon sa kabilang kwarto, huwag niyong stressin si Yuki."

Natawa ako sa mga itsura nila, para silang pinag sakluban ng langit at lupa.

"Mag bonfire nalang tayo mamaya."-Danica
"Pero-"-Pyra

Hinila na kami ni Danica pa pasok ng kwarto.

"Ayos lang bang pinagsama sama natin sila?"
"They're not kid anymore."-Danica

Pero alam naman niyang malalakas ang mga trip ng mga 'yon.

"Puntahan nalang natin sila mamaya."-Sam

Isa pa 'tong batang 'to.
"We're here to have fun, Samara. Stop excessive use of your phone."

Tumango siya habang ang mata ay nasa cellphone pa rin.

"Ah, oo nga pala ate."
"Ano?"
"Anong gagawin ko kung gusto ko yung isang 'yon?"

*FAST HEARTBEAT*
Natigilan kami pareho ni Danica.
"What do you mean "isang 'yon?" "

"Yung bugnutin sa tatlo."

Nanghihina ang tuhod ko sa kaniya.

"Kung sabihin mo parang hindi big deal ang sinasabi mo ah?"

"Big deal ba 'yon? Sabi kasi ng kaibigan ko na mabilis lang daw mawawala ang gano'n."
Sinong kaibigan 'yon?

Tutuktukan ko lang.

"W-well, it's fine with me, babae nga asawa ko eh, but you— anong sasabihin mo kay Tito?"

Nag kibit balikat siya.
"Hindi naman siguro hahantong sa point na ipakikilala ko siya at gugustuhin kong makasama habangbuhay."

Matapos niyang sabihin 'yon ay pumasok siya sa kwarto.

"Ano na namang tinuro mo sa kapatid mo?"
"As if namang natuturuan ang puso no'n."
"Graduating na si Nicole next school year."
"1st year naman si Sam."

Ano kayang nasa isip ng batang 'yon?
Ano nalang ang sasabihin ni Mama? Na wala nang matino sa'ming mga anak niya?

"Sa tingin mo straight si Nics?"
"I don't know, pero sabi ni Jade never pa siyang nagkaroon ng karelasyon."

Hindi ko naman 'to dapat isipin 'diba? Gaya ng sinabi ni Sam na hindi rin naman aabot sa point na gugustuhin niyang makasama habangbuhay.

"I don't want to think about it."
"Hey? Haha... what's that? Are you against it?"
"About what?"
Defensive na tanong ko.

"Nics and Sam?"
"Naaah... you heard her, puppy love lang 'yon."

*Chuckles*
Anong tinatawa tawa niya?

"Bakit ba?" Iritadog tanong ko.
"May kakilala akong naging puppy love ng isang babae tapos in the end naging mag asawa rin sila."

*Blush*
She's pertaining to me.
"Stop it."
"Oh see? Huwag mong nilalang ang puppy love kasi sa ngayon mas nakikita kong mas inlove ka kay Pyra kesa sa kaniya."

MY PROFESSOR IS MY WIFE (GXG) |PROFESSORXSTUDENT|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon