Nagising ako noong may yumugyog sa'kin.
I slightly opened my eyes and saw Pyra.
"Pyra." Is this a dream?
"Wake up, we're here."
And now she's talking to me in my dream.
"C'mon gising na, may ipapakulong pa ako."
Doon nagising ang diwa ko at nag dilat na ng mata.
Tama bang gano'n ang sabihin sa bagong gising?
Pag tingin ko ay wala na ang driver at tiningnan ko siya ng sobrang sama. Hindi ganitong gising ang gusto ko.
"Alis."
Seryosong sabi ko.
"Galit ka agad? Grabe ka na."
Hindi niya ba naririnig ang sinasabi niya? Mas grabe siya sa'kin.
"Bababa ka o sisipain kita pababa?"
Napakamot siya sa ulo niya at saka bumaba.
Pag baba niya ay inoffer niya sa'kin ang kamay niya kaya kinuha ko nalang din para may silbi siya hindi 'yong sakit pa rin siya ng ulo.
Galit pa rin ako sa kaniya at hindi mawawala 'yon.
Galit ako kahit ilang taon na ang lumipas. Hindi ko nga inexpect na mag kikita pa ulit kami.
Kung may nararamdaman man ako sa kaniya iyon ay galit dahil makasarili siya.
Trabaho nalang ang ugnayan namin sa isa't isa at sisiguraduhin kong doon na lang 'yon. Hindi na ulit ako mag papauto sa bata. Totoong malayo na ang narating niya pero habang tinitingnan ko siya kanina pakiramdam ko siya pa rin ang batang Pyra na makasarili na kahit ilang beses mong pagsabihan ay hindi makikinig sa'yo at mas papakinggan niya lang ang sarili niya.
Masaya na ako na kasama ko ang anak ko. Kaya kong ibigay lahat ng kailangan niya. Simula noong nakunan ako pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit mangyayari 'yon at aalagaan ko na ang susunod na magiging baby ko pati na ang sarili ko.
Lahat gagawin ko para kay Ashra.
Kapag may sinabi si Pyra na unrelated sa pinunta namin dito at related sa past namin baka masampal ko lang siya.
Brat pa rin ang tingin ko sa kaniya at mukhang hindi na mag babago 'yon.
Aalis siya kung kelan niya gusto at babalik kung kelan niya lang din gusto. Buti sana kung hindi ako buntis noon eh.
Naiiyak pa rin ako kapag naiisip ko si sleepy. First baby sana namin 'yon pero nawala pa. Tuwing nag dadasal ako ay palagi akong nag sosorry sa kaniya kasi hindi namin siya naalagaan nang maayos.
Masaya ako ngayon dahil kay Martin, Ashra at Samara na pamilya ko, wala na akong ibang hiling kundi ang kaligtasan nila.
Nag lakad pa kami hanggang papasukan ng bukod bago namin natunton ang lugar nila Mang. Gabo.
"Hi, Tita Ganda!"
Bati sa'kin ng nga batang nandoon.
Hindi naman ito ang unang beses ko rito, sa katunayan nadala ko na si Ashra rito.
"Hello kids!"
Mabilis kong nakita ang pakay namin.
Maputik ang daan namin kaya silang mga tubong manila ay hirap na hirap makarating dito.
Lalo na si Pyra, 'paka arte pa naman niyan. Tss...
"Good afternoon po, Mang Gabo."
Masyadong malayo sa nayon ang lugar nila at kung minsan ay kinakailangan lakarin ni Mang Gabo ang daan palabas para lang makapasok siya sa trabaho niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/352800674-288-k233142.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PROFESSOR IS MY WIFE (GXG) |PROFESSORXSTUDENT|
RomanceIt was an unexpected situation when Pyra got linked with her first love again, who barely knew her. Their family's decision to arrange a marriage between their families made the whole situation more chaotic. It was heaven and hell for Pyra, knowing...