CHAPTER 36

4K 132 19
                                    

PYRA'S POV

Nakatulala pa rin ako sa kisame habang iniisip kung bakit parang nakita ko kahit isang segundo sa mga mata ni Yuki na gusto niya akong pigilan.

Sa naging relasyon namin sigurado akong ako ang pinaka maraming pagkakamali.

Bakit ba kasi hindi ko inayos ang sarili ko noong kami pa, napunta pa tuloy siya sa iba.

Isipin mo, ang pinangarap ngarap ko noon ay naging akin tapos sa katangahan ko at immaturity ay wala akong ginawa kundi ang saktan lang siya.

Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko kay Ashra pero naisip ko kanina na ibigay nalang sa kaniya ang piano ko since gusto niya 'yon matutunan.

Napa pikit ako at iniisip na naman kung tama ang magiging desisyon ko. Kapag umalis ako ngayon sigurado nang walang balikan 'to.

Kaya ko ba talaga?

Pero kung pinigilan niya ako sa kahit anong dahilan sigurado naman akong hindi na ako aalis, pero hanggang huli ay wala siyang sinabi.

Mukha ngang galit pa siya sa'kin.

*Bzzt bzzt*

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang text.

It's Jane saying na mag asikaso na ako.

Nag asikaso na nga ako at nag handa sa pag alis ko.

Si Manong Ben ang mag hahatid sa'kin sa airport.

Pero bakit feeling ko may unsolved business pa ako rito?

Hindi, nandito si Martin at sigurado akong babantayan niya ang mag ina niya.

"Sure ka na Ma'am? Hindi ka na talaga babalik?"

"Hindi naman sa hindi na babalik, dadalaw naman ako rito ng isa o hanggang isang linggo kapag may free time ako."

"Hindi niyo po talaga sinabi kay Ma'am?"

Tukoy niya kay Mama.

"Saka ko nalang po sasabihin, sigurado naman ako pipigilan niya lang ako kaya hindi po muna."

Tumango siya. Sa tagal niya nang nagtatrabaho sa'min ay kabisado na niya ang likaw ng nga bituka namin.

"Daan muna tayo kina Yuki Manong."

"Sige po."

At 'yon nga, nag drive siya papunta sa lugar na ayoko nang balikan.

"Pasok ka na rin muna kuya."

"Sige po."

Gaya nang pinangako ko ay nag bigay talaga ako ng pera na hiningi sa'kin ni Yuki na tinanggihan niya rin noong dulo.

Nilabas ko ang regalo ni Jane para kay Ashra.

Maisip ko lang na hindi ko na ulit makikita si Ashra ay bumibigat na ang puso ko.

Marami kaming similarities at lahat ng trip niya ay halos trip ko rin lalo na sa pag papa init ng dugo ni Yuki.

Nag sisimula na ang mga lalaro sa mga bata, may booth at maraming mayayaman ang narito, siguro mga kakilala nila Tito.

Ang mga birthday sa mayayaman ay nagiging meeting for business din eh.

Nag halo ang formal at informal sa theme ng party but mukha namang masaya.

"Pyra."

Bati sa'kin nila Jade na mga naka formal attire.

"Hey, ano nang nangyari rito?"

"Ayon, sobrang saya nung mga bata."

"Nasa'n si Ashra?"

"Aalis ka na ba talaga after mo batiin si Ash?"-Nicole

MY PROFESSOR IS MY WIFE (GXG) |PROFESSORXSTUDENT|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon