CHAPTER 46

4.3K 105 10
                                    

*MONTH PASSED*

Wala pa rin akong iba pang evidence at nakulangan na talaga ako sa ginagawa ko. Nasa ibang bansa pa rin si Harold.

"Buti naka labas ka?"-Jade

Natatawang aniya.
"Huwag mo ko simulan, ugok."

Nasa bar kami pareho kasama si Neri at Nicole, nasa bahay naman si Ma'am Danica at Sam kaya naka alis ako.

"Kasalan na ba?"-Nicole
"Lagi akong tinatanggihan kapag niyayaya ko."

Napailing nalang ako saka inom ng alak na nasa baso ko.

"Be romantic kasi."-Jade
"Romantic?"
"Asa kayo riyan. Hopeless romantic 'yan."-Neri

"Ilang beses mong niyaya?"-Nicole
"Bago matulog?"
"Subukan mo naman kapag tapos niyo matulog."-Jade

Natawa yung dalawa habang ako kinunutan siya ng noo. Minsan wala siyang kwenta kausap.

"Tigilan niyo 'ko, kala niyo naman mga kasal na rin kayo. Mas matanda kayo sa'kin bakit kaya hindi kayo ang magpakasal?"

"Wala kaming anak, baliw."-Nicole

*Ring*

Si Jane.

"Si Yuki?"-Jade
"Si Jane."

Nag si ayos sila at dumungaw noong sinagot ko ang tawag.

"Hi-"

"Pyra! Nasa bahay ka ba? Umuwi ka na kung wala. Nabuksan na ang phone ni Harold at na track namin na nasa Pilipinas na pala siya at malapit na sa subdivision na tinitirhan niyo ni Yuki!"

Mabilis akong napatayo.

Nanginig ang buong kalamnan ko at nag madaling lumabas ng bar habang kasunod ko yung tatlo.

"Pyra-"
"Huwag ngayon Jade."

"Ako ang mag dadrive."-Jade

Hinagis ko sa kaniya ang susi at pumasok sa passenger seat.
Mas mabilis siyang mag drive kesa sa'kin at alam niyang mawawala lang sa konsentrasyon ang sistema ko dahil sa mag iina ko.

Pumasok yung dalawa sa likod.

"Paliparin mo na."-Nicole
"Makita ko lang siya patay siya sa'kin."-Jade

Hindi ko alam kung anong klaseng drive ang ginawa ni Jade habang tinatawagan ko si Yuki na hindi sumasagot at ang telephone rin namin ay hindi rin sinasagot.

Bakit ngayon pa!

Yung mga bodyguard ang tinawagan ko pero ni isa rin sa kanila ay walang sumagot.

"Damn!"
Inis na binato ko sa may wind shield ang cellphone ko.

"Calm down! Walang mangyayari kung mag papanic ka riyan, hindi mo sila maliligtas kung ganiyan ka."-Jade

Kahit ano pang pag papakalma ang sabihin nila parang tumatakbo ako sa marathon sa sobrang bilis ng pag habol ko sa pag hinga.
Kabadong kabado ako.

Pag dating namin roon ay binuksan ko agad ang gate at mabilis na pumasok.

"Love?"
Natigilan ako at kumalma ang buo kong sistema.

"Yuki."
Mabilis na lumapit ako sa kaniya pero pinakalma ko ang sarili ko saka humalik sa labi niya at hawak sa tiyan niyang medyo malaki na.

Lumapit na rin sa'min ang mga aso para salubungin ako.

"Hm! Amoy alak ka-"
"Hi Yuki."-Jade
"Hi Ma'am."
Bati pa nung dalawa.

"Saan ba kayo galing?"
"Sa bar, uminom lang ng konti."
Inirapan niya ako.

MY PROFESSOR IS MY WIFE (GXG) |PROFESSORXSTUDENT|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon