CHAPTER 28

7K 174 4
                                        

PYRA'S POV

A month passed after the night when something happened between me and Yuki.

Una, sinabi ko muna kay Jane na hindi muna ako tatanggap ng project at hahayaan muna ang mga painter namin na sila ang tumanggap ng request.

Pangalawa, magbabakasyon muna ako at balak kong umattend sa birthday party ng anak ni Yuki.

Pangatlo, kakausapin ko na si Martin at ibabalik sa kaniya ang mga katagang iniwan niya sa'kin noon.

Tinapos ko talaga ang mga dapat kong tapusin para maging maayos ang bakasyon ko, kung mag ka problema man ay sila na ang bahala roon.

"Have you seen this?"-Neri
Kasama ko ang mga pinsan ko ngayon sa gym nila Troy.

May mga jowa na sila pero buti naman ay hindi nila sinama ngayon kundi mag dadabog ako.

"Ano 'yan?"
"CCTV."

"CCTV ng?"
"Sa bar— anyways panoorin mo."

Tutok na tutok ako sa screen habang kumakain.
Ganoon nalang ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino 'yon.

"Why do you have this?"
"Gusto mo marinig ang pinag uusapan?"-Troy

Kami 'yon, noong time na nalasing ako.
1st month namin 'to. Nalasing ako dahil sa sinabing niyang baka pati ang mahalin ako ay iutos ko sa kaniya.

"Play it."
"Hep! 2k muna, 5 years namin tinago 'to para may foundation ka for new start tapos hihingin mo lang?"-Neri

New start pinag sasasabi nito?

"Hoy, wala ka bang trabaho?"
"Meron, pero wala ng libre sa mundo. Money down."

"Play mo muna bago ako mag money down."
"Aba-"
"Malay ko bang pinag lololoko niyo ko sa laman niyan."

"Maloloko ka ba namin? Masakit ka kayang manipa."-Troy

Tinitigan ko muna sila nang mapanuri at saka nag labas ng pera.

"Ok! Ako na oorder ng chibog!"-Tristan
Mabilis na kinuha 'yon ni Tristan at nag dial sa telephone.

"Play na."

Pinag sabay namin ang CCTV at recording.

"Argh! Bitch! What's wrong with you?!"

Inis na tanong niya kay Yuki.

"Eh? Dalawang Yuki nakikita *hik* ko hahaha... ang galing naman *hik*"

Kumunot ang noo niya.

"Let's go, Pyra."

"Wait!"

Hinila niya ako nang bahagya

"Sino ka ba, ha?!"

"Ako? I'm her wife."

*FAST HEARTBEAT*
What? Did she just claim me as her wife that time?

Tinaas niya ang kamay niya na may singsing.

"Ohhh... the ring of my wife hehe. So you're the real Yuki."-Me

Wala na talaga ako sa katinuan nito. Halata ko na agad sa tono ng pananalita ko eh.
Hanggang sa matapos ang mga eksenang 'yon ay tulala lang ako.

"Ano 'yan? Shock? *Chuckles*"-Neri

Sinabi pala niya 'yon noon? Kung alam ko lang dapat hindi ko na siya inaway nang inaway.

"Bakit ngayon mo lang pinakita 'yan?"
Humaba pa tuloy ng 1 month bago kami nag kaayos ni Yuki noong kinasal kami.

MY PROFESSOR IS MY WIFE (GXG) |PROFESSORXSTUDENT|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon