CHAPTER 4

15 11 1
                                    

Binalewala ko nalang ang mga reporters doon at naisipang umuwi muna. Iba talaga tong si Agent Wolf daig pa si Flash kung mawala.

While pauwi na ako ng bahay ay biglang may sumalubong na mga itim na kotse sa harapan ko. Di na ako nagulat dahil sanay na ako sa mga ganito

Maya maya lang ay nagsilabasan ang mga armadong lalake. Tsk, mga inutil. Mayabang lang naman pag may armas na dala.

"H-hoy ikaw Agent kung sino k-ka man—." tinawanan ko siya dahil nga nanginginig siya kung magsalita.

Lumabas ako ng kotse habang tumatawa sa lalake.

"Anong tinatawa tawa mo diyan. " mayabang pang saad nito.

"Masyado ka nang maraming nalalaman at napapakialaman. Kailangan mo nang—itumba." singit pa ng kalbong lalake, pagkatapos talaga nito kailangan niyo kong bigyan ng parangal bilang rising action star.

"S. M. L!" sigaw ko sakanila.

"Anong SML?" wow curious a. Mamaya lang kasi lalagyan ko ng joy yang nagniningning mong planeta.

Sabay kong kinuha ang baril sa likuran ko. "Share mo lang!!"bang sapul.

By the way tatlong kotse pala ang sumalubong sa kotse ko. Paglingon ko sa kanan para suntukin yung lalake ay naaninag ko ang may malamig na tingin mula sa brown hazel niyang mata . Agent Lobo este Wolf?

Di ko nalang pinansin baka illusion lang yung nakikita ko ngunit ang di ko alam ay may isang armadong lalake na may dalang kutsilyo ang aatake sa akin sa likod.

Aatake na sana iyon ng biglang may pumigil. Wait may kasama ba ako? Kinapa ko pa ang likod ko, baka may kasama rin ako sa katawan. Ngunit paglingon ko ay si Agent Wolf nga.

"Back off, that's mine." malamig nitong sabi sa lalakeng nakatingala sakanya. Kay tangkad kasi ng lalakeng ito.

Di ko alam kung bingi ako o hindi pero narinig ko siya talaga.

Bakit kasi ang dali niyang sabihin nang ganun. Nakipaglaban na din siya sa mga armed person ng walang emosyon ang mukha. Pano niya kaya nakayanan ang ganoon.

Suntok dito, suntok doon. Sapak dito sapak doon. May mga nakatakas na ibang lalake. Parang mga dagang nagsitakbo dahil may dumating na pusa.

weak.

" Can you please be careful Agent Grey? Di mo muna tinitingnan ang mga paligid mo. Baka mamaya—"

"Concern ka ba?"

Natigilan naman siya ng bahagya pero nakarecover din. Lumingon siya sa paligid, wala namang tao dun.

"What?!"

"Ang sabi ko concern ka ba sa'kin?" syempre kakapalan na natin.

"I'm just stating the fact, di mo pa ako pinatapos."

"Aminin mo na kasi Agent Wolf."mayabang kong sabi sakanya.

Tumawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

" Tsk tsk tsk, what a delusional girl you are. Satingin mo ba papatol ako sa isang katulad mo?"

ouch!

"Same to you as well." napabuga ako ng hangin, wala rin naman akong gusto sakanya kapal.

I rolled my eyes to Agent Wolf, napangisi naman siya. Pakyu Agent Wolf.

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kotse ko, ngunit si Agent Wolf ay nanatili pa rin dun. Pinanonood ang pag alis ko.

"Hoyy umalis ka na din diyan, ano kinacareer mo ang pagiging statue of liberty." sigaw ko sakanya at nagsimula ng magdrive paalis.

Nagdrive na rin ako dahil gabing gabi na nakita ko pa rin si Agent Wolf na pasakay na sa nakapark niyang kotse.

Bahay ...

Dahil sa pagod ay nakatulog din ako kaagad di na nga rin ako nakakain dahil inom lang naman ang ginawa namin ni Agent Wolf dun sa Cruise Ship. Di ko napansin ang gutom kanina dahil sa bakbakang naganap. Kailangan ko nang magdoble ingat ngayon.

K I N A B U K A S A N

Speaking of Agent Wolf bakit siya nandoon sa location na yun? Bakit niya rin nasabing "Back off that's mine" gwapo naman si Agent Wolf, matangkad, maputi tapos maangas. Maangas? wtf, saan ko yun nahuthot.

Ang problema ko lang sakanya e, masyadong mayabang. Akala mo kung sino.

Pag gising ko ay nakatunganga pa rin ako sa kama at nakatingala sa kisame. Paulit ulit nalang routine. Babangon, pupunta sa ibang case, uuwi, matutulog at babangon ulit.

Dahil konti nalang ang supply ko ng groceries ay napadesisyunan kong pumunta sa pamilihan. Nagdamit lang ako ng oversized t-shirt at pants. Dahil ayaw kong mag kotse ay yung N-MAX nallang yung ginamit ko.

Habang nagdadrive ako papunta sa grocery story ay nakita ko si Akiro na may kasammang babae. Chinita, simple manamit, maputi at maganda. Hindi mamahalin ang mga suot.

Huminto muna ako saglit sa tapat nila. Magkaholding hands pa ang person.

Nagulat naman si Akiro dahil lumapit ako sakanila.

"Hello po."sabi pa ng babae. Mahinhin ito at halatang magalang.

"Oh Kiki sino to?"sabi ko pa sakanya habang nakapoint ang kamay sa babae.

Natawa naman ang kasama ni Kiki.

"Ate naman wag mo naman akong tawagin ng ganyan, ate si Jana pala kaibigan ko,Jana si Ate Akia pala kapatid ko." nginitian naman ako ni Jana. Halatang kinakabahan, masyado ba akong suplada.

"Kaibigan pero magkaholding hands? Ganyan ba ang magkaibigan o magkaIBIGAN."tinaasan ko naman siya ng kilay at nahiya naman si Jana.

Mga kabataan talaga.

Nagdrive na ako. "Ikumusta mo nalang ako kay Acer."

"Opo ate Aki."sigaw naman ni Akiro.

Dumiretso na ako sa grocery store. Pumunta ako sa Liquid Aisle at kumuha ng milk, yogurt tsaka iba pang mga liquid. Pagkatapos ay pumunta rin ako sa may vegetables aisle at kumuha rin ng mga kakailanganin ko sa pang araw araw.

Dahil nga babae ako ay pumunta ako sa AISLE 10 nandun kasi nakalagay ang mga pads, napkin at mga diapers. Nandun na nga ako,kamalas malasan ay paglingon ko katabi ko na ang pinakakinaiinisan kong tao. Agent Wolf.

"Ikaw?!"

"Don't shout Agent Grey."

Nakakahiya, binitawan ko muna ang hawak kong napkin at naglakad papalayo. Narinig ko pa ang pagtawa niyang nakakaasar. Parang tanga talaga oh. Kahit saan saan na siya nagsususulpot.

Namumula na'ko sa kahihiyan.

"I understand, you don't need to feel embarrassed."ba't ba siya tumatawa, ano bang nakakatawa kanina sa hawak ko.

Pumunta na ako sa cashier upang magbayad, di ko na kaya ang presensya niya. Waaaaa!

Bakit ba bigla bigla nalang siya nasulpot. Sa nakakahiya pang paraan. Ang nakapagtataka ay ba't nandun din siya. Baka bibili ng diaper para sa anak niya o di kaya napkin para sa girlfriend niya. Eh anong pake mo Aki.



















Strangers in Love (Takahashi Series #1)Where stories live. Discover now