-------------------------:)------------------
Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa disturbong ginawa niya sa pagtulog ko. Pero di ko rin maiwasan ang magtakan kung bakit pati sa panaginip ko umaabot na siya. Kainis talaga o.
Tiningnan ko ang orasan, 1am na at bakit gising pa rin ang Agent Lobong yun. Bakit kaya niya sinabi iyon? Sarap suntukin ang panga niya. Grrr.
Bumalik ako sa pagtulog.
Nagising ako sa alarm clock. 6am na pala at may bago na namang cyber case ang haharapin ko ngayon. Nagkape ako at nagtoast ng tinapay. Habang inaantay ko ito ay may nakita akong newspaper sa may bandang pintuan. Di ko alam kung saan galing yun pero binasa ko.
Maya maya lang ay may tumawag sa cellphone ko.
" Hello? This is Agent Grey." nag aantay ako sa sagot niya.
" Agent Grey gusto ko sana humingi ng tulong sa inyong dalawa ni Agent Wolf. May magaganap na DRUG DEAL sa isang malaking cruise ship maraming dadalo doon at nakasakay. Nakakuha na ako ng lead no problem na."dirediretso namang sabi ng labilang line.
"Sorry but who's this?"
"I am Governor Eleanor. By the way natawagan ko na din si Agent Wolf."
"Okay" natatamad kong sagot sakanya.
Tatawag talaga tong si Agent Lobo. Di nga ako nagkamali dahil tumawag nga.
"We're going to meet again, another case ang ipinapagawa sa atin. Malaki ang bayad dito."
"Okay, Agent. Just send me the location." pagkatapos kong patayin ay tinapos ko na ang pagkain ko.
Agent Lobong Yelo🐺
You know the T Resto. 8am sharp you should not be late, Agent Grey.
Malelate daw siya nga tong kay aga aga laging pumupunta, bakit kaya. Kasalanan ko bang maaga siya lagi.
Naligo na ako at sinuot ko ang black coat ,under sa coat ko ay white jacket. Parang lalakeng nasa office yung suot ko. Syempre ganun ako HAHAHAHA.
Hanggang pagkarating ko sa location na binigay ni Agent ay pinanatili kong wala sa mood para naman di siya umutos sakin mamaya.
Ngunit pagkarating ko sakanya ay wala siyang kibo kahit tanong manlang. Kaya ako na ang bumasag sa katahimikan naming dalawa habang naglalakad kami.
" Agent Wolf, why did you call me in the middle of the night?" nakataas kilay kong sambit sakanya.
Di ko alam kong namamalik mata lang ako pero. Did Agent Wolf blush? Di siya nakasagot pero namumula siya. Binilisan niya lang yung pag lalakad.
" Sorry, t-that was just a w-wrong call." bakit siya nauutal? Pwede naman siyang sumagot ng diretso. "By the way you need to get dressed formal, dahil yung mga visitors dun na mga drug lords ay nagsasagawa ng party, kunyari mag-asawa tayo dun—"
"Mag-asawa? Are you nuts?" sigaw ko buti nalang talaga ay kakaunti lang yung tao sa paligid namin.
"Why are you reacting like that? Para sa Case to Agent Grey, don't put up a malice about this."
Oo nga naman Grey ba't linalagyan mo ng malisya,hmp. Inayos ko nalang ang tayo at narating namin ang parking area. Nakita ko ang sasakyan niya, mamahalin nga.
Maya maya ay dumating kami sa isang fashion clothing store. Kailangan maganda ang suot dahil mga mayayaman ang dadalo doon, at para di kami mahalata.
"Itong black sparkling dress nalang ayoko ng mga revealing." kinuha ko yun ngunit pinigilan ako ni Agent. Pinalitan niya ito ng red dress na hanggang dibdib.Owemjiii!
"This should do." seryosong sambit niya saakin. Umiling ako ngunit inagaw niya saakin ang black dress. Inaabot abot ko ito sakanya ngunit inilayo niya ito kaya natumba ako sa dibdib niya.
Ang tigas ng dibdib niya parang mukha niya. Umiwas ako kaagad at kinuha nalang ang dress. No choice na tayo dito. Kairita talaga tong asong to.
Pagkasuot ko ng dress ay para akong lalakeng kukuba kuba. Di ako mahilig sa ganto argghh! Sinamaan ko ng tingin si Agent, tumawa naman siya. Cute niya tumawa chrr.
Pagkarating namin malapit sa cruise ship ay nagpanggap kaming kasama sa party na yun na mag-asawa. Nakacross yung dalawa kong kamay sa may bandang dibdib dahil naiilang ako sa suot ko.
Bago paman kami makarating sa Entrance ng Cruise ay hinawakan niya ang bewang and it caught off guard. Tumingin nalang ako kahit saan para di mahalata ni Agent Wolf na nahihiya ako.
"Excuse me what's your name." tanong ng lalake saamin.
"Drake Mendez and this is my wife Shine Mendez." grabe sarap sa tenga ah. Nginitian kami ng guard saka pumasok. Saan kaya niya napulot ang mga paangalan naming dalawa.
Hawak hawak niya pa rin ang bewang ko. Ako naman ay di makafocus dahil sa ginagawa niya.
"Wag kang humawak ng ganyan, naiilang ako." bulong ko sakanya.
"Why not? Gusto mo naman diba?"he said with his husky voice. Ano ba yan kasagsagan ng case to Agent. Pinalis ko yung kamay niya at naglakad na kami papunta sa isang table.
Nakita namin ang dalawang bigating negosyante sa isang table. May mga dala silang black suitcase. Baka ito na nga ang sinasabi ni Governor. May nakapalibot itong mga guard na parang may gagawin silang importante.
Pagtingin ko kay Agent ay dun din siya nakatingin sa dalawang lalake. Seryoso siya nakatingin dito. Maya maya lang ay nagsimula na ang party.
"Agent Grey, do you have a wireless mic?We are going to communicate each other. Doon ka sa right dito ako sa left." tumango naman ako. Taglish talaga to magsalita.
Pumunta ako dun sa likod ng mga negosyante kung saan walang nakakakita saakin. Nginingitian ko ang mga taong nakakasalubong ko.
Nang magsimula na ang sayawan ng mg tao ay dun kami nagsimulang gumalaw. Linabanan namin ang mga guard na nasa likod ng mga negosyante. Ginamitan ko naman ng Silencer Gun para di marinig ng mga tao.
Pagkakita ko sa kabila ay nasa likod na din si Agent Wolf. Magkaharap kasi yung mga negosyante. Nagulat naman ang lalake dahil nasa likod ako gayundin ang isa. Tinutukan namin sila ng baril.
"This is Agent Grey, you are both arrested. "
Lumalaban pa ang dalawa ang kaso ay kinuha ko ang isang baril na nakatago sa ilalim ng dress ko, nasa legs ko siya naka pwesto. Kumabaga dalawang baril na ang hawak ko.
"Don't act foolishly or you'll die peacefully." malamig na sambit ni Agent Wolf.
Pinusasan namin sila at tinawagan ang mga pulis. Agad namang dumating pati na rin ang mga reporters.
Sinalubong kami ng mga Reporters sa daungan ng cruise ship ngunit paglingon ko ay wala na si Agent Wolf. Parang tanga talaga agad agad nawawala ng walang paalam.
YOU ARE READING
Strangers in Love (Takahashi Series #1)
AléatoireAkia Feight Takahashi also known as Agent Grey, Liamme Cyrus Kim also known as Agent Wolf. They are both Agents and know how to solve cases even those worst cases. Their AGENCY is the most suggested and strongest, that no government and people can r...