CHAPTER 11

24 1 0
                                    

Tinawag naman agad ni Agent Wolf. The waiter smile at us and binigay niya sa amin yung menu. Isa lang ang agad kong nakita "Ramen".

"One of Ramen, Kimchi and Mochi!" masayang sambit ko sa waiter ng restaurant. Lumingon naman ako kay Agent Wolf.

"What about you?" tanong ko sakaniya.

"Same as what you ordered" tumango naman ako ka agad sa waiter.

"Bakit ito ang ginusto mong puntahan?" he asked. Andito na naman po tayo sa story telling, tulungan niyo ko.

"A few years ago kasi , me and my family lived in Japan kaya mahilig ako sa Japanese Food" I said sincerely.

"Where specifically in Japan?"

"Osaka Japan" nakikinig lang siya ng mabuti.

"I want to ask you something." sabi pa niya.

"Hmm, okay?"

Hindi pa naman dumadating yung in-order namin.

"Are you watching k-dramas?" curious siya. Umiling naman ako, nagtaka naman siya. Anong klaseng tanong kasi yan. Pag about k-drama kasi ayokong makinig dahil di ako related same tayo author.

"But most women prefer watching k-dramas and c-dramas, bakit iba ka?" itinukod niya ang siko niya sa ibabaw mesa habang ang mukha niya ay nasa ibabaw ng kamay nito.

"It doesn't mean na every woman is watching dramas, I am a woman but I love.."

Nakataas ang mga kilay niya nag-aantay ng susunod kong sasabihin.

"I love watching anime more on actions" napangiti naman si Agent Wolf.

"Siguro mga 20 plus or 30 plus  na na anime yung napanood ko, pero mas favorite ko yung Black Clover, Naruto, One piece ganun kaya kung pupunta ka sa apartment ko halos mga anime backgrounds and merchandises lang makikita mo, walang k-dram o c-drama or anything kahit k-pops hindi din ako fan ng ganoon" andami ko na palang sinasabi sa kaniya. Natahimik ako. Teka ba't ko naisipan na pupunta siya sa apartment ko di niya naman alam yon.

Nagtaas naman siya ng kilay.

"Sorry, masyado na bang marami akong sinasabi?" naiilang ko pang tanong sa kaniya. I can't control my talkative side pag about anime na pinag-uusapan dito. Nakakalimutan ko tuloy na Agent pala ako hindi elementary na nanonood ng cartoons lang, but anime isn't a cartoon. Paborito namin ni Mom ang manood ng mga anime.

"Go on, just keep talking. I'm listening" he smiles gently pero abot tenga yon.

"I'm so talkative when it comes to anime, sorry hehe"

Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi ko dahil dumating na yung waiter dala-dala ang mga orders namin. Tingin at amoy palang nakakapagpatulo na ng laway. Natawa naman ng kaunti si Agent Wolf dahil sa reaction ko sa pagkain.

Kakain na sana si Agent Lobo nang pigilan ko siya.

"What?!"

"Bago ka kumain lalo na pag andito ka sa Japanese Restaurant dapat sabihin mo muna 'to" nakangising sambit ko sakaniya. Alam kong gutom na din siya.

"Ano na naman?"

"Itadakimasuuuu!" sabay kain sa ramen na nasa harapan ko.

"Itadaki– what?!"

"Itadakicnrjfickenehxi" hindi ko maayos ang sinasabi ko dahil sa puno ang aking bibig ng pagkain. Don't talk to me kasi.

"Ayusin mo!" reklamo pa niya, inubos ko muna ang pagkain na nasa bibig ko.

Strangers in Love (Takahashi Series #1)Where stories live. Discover now