Kabanata 24

828 48 13
                                    

🍓with🍫

Napatingin ako sa sahig nang mamataan ko ang camera at stuff toy ko doon. Nagkalat iyon sa paanan ni Sean.

My eyes watered.

"Sir, let him go." Pakiusap ni Sean sa mga guard nang hawakan nila ako sa magkabilang braso.

"Pero-"

"I'll make sure that he'll not going to do that again. So please.." He added with coaxed in his voice.

"Pero, Sir, labag po sa batas ang ginawa ng boyfriend mo."

"No. It's not. Self defense po ang nangyari. That girl.." Tinuro niya ang babaeng nakatingin rin sa'min. "Attacked my boyfriend." May diing aniya.

"Sir, lalaki po ang-"

"Don't you know that boys can do self defense too? Walang patakaran na dapat ang babae lang ang pwedeng gumawa no'n. My boy only protected himself. And it's legal."

"Sir-

"Okay. I'll call my family lawyer." Sean cutted him.

Naramdaman kong tumigas ang katawan ng guard na nakahawak sa'kin.

Mabilis niya akong binitiwan "H-hindi na p-po kailangan, Sir."

"Let me go you dumb ugly guards!"

Binaling ko ang tingin sa babae na nagpupumiglas sa mga nakahawak rin sa kaniya. Ang mga munti niyang luha na umaagos, ang magugulo niyang buhok at dumudugo niyang ilong ay agad kong napansin. Sigaw ng sigaw ang babae. Habang ako naman ay niyakap na ng tuluyan ni Sean.

"Are you okay? May masakit na sa'yo?"

Umiling lang ako sa kaniya at idiniin ang ulo sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang kamay niyang niyakap rin ang likod ko.

"Hey, bitch! I'm going to kill you! Oh my god! My nose!" Tinignan ko ang babae Mula sa dibdib ni Sean at kita ko ang pagpunas niya sa dumudugo niyang ilong.

"Ano pong nangyari, Sir?" Binitawan ako ni Sean at agad humarap sa guard na kakarating lang.

"We were just having fun with my boyfriend when suddenly.." Tumigil siya at lumingon sa babae. "This girl right here attacked my boy." Ulit niya sa isang kararating lang na guard.

"That's not true!" Sigaw ng babae.

Handa na ulit sanang sagotin ni Sean iyon nang may nauna na sa kaniya.

"It's true po, Kuyang Guard. We all saw that girl attacked him." Agad kong namukhaan ang babae. Ito iyong babae na may kasamang bata kanina.

Tumango sa kaniya ang guard nang tumango rin ang mga tao sa paligid at nagsimulang sumangayon sa sinabi ng babae.

Yumuko ako ng ilang saglit at naramdaman kong hinapit ni Sean sa aking baywang.

Hindi ako makasalita at makatingin ng diretso sa kaniyang mata dahil sa kahihiyan at guilt. Nahihiya ako sa kaniya dahil nakita niya akong makipag-away. Guilt dahil mukhang nasira ko ang date namin.

"Iyon lang po ba sir?"

"Yes. And please, keep that woman away first. I don't know what else she can do to my boy while we are enjoying ourselves at your amusement park."

"Okay po sir." Tumango sa kaniya ang guard.

May sinenyas ang guard sa nakahawak sa babae.

"Let me go! Let me go!" Hinila na nila ang babae sa kung saan.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at agad nagtago ulit sa dibdib ni Sean dahil nakita ko ang mga taong nakatingin na sa'min. Napansin naman agad ni Sean ang pinapahiwatig ko kaya agad niyang pinulot ang stuff toys at camera ko bago ako hinila sa wala masiyadong tao.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now