Kuya Jake

35 2 0
                                    

A/N

At dahil may nag vote, cocontinue ko to. Bhala na kayo sa ayaw. Haha :) hehe joke lang :) 

~

CHAPTER EIGHT

<JAE'S POV>

Ano ba ang nangyayari kay Dash? Lagi siya kasing parang kinakabahan na ewan? Haha. Ay nako.

Ring... Ring...

"Hello?"

"Jae!"

"Oh, Dash. Napatawag ka?"

"Um, are you free this Saturday? May party kasi sa bahay eh. Uuwi kasi si mommy galing Paris. Magpapaparty daw si Lolo."

"Ha? Eh... Nahihiya ako eh."

"Ano ka ba? Bakit mahihiya ka? Sus."

"Eeeeh..."

"Jae, please? Please? Please?"

"Oo na nga. Pero ano ba? Ano ba isusuot sa party?"

"Ako na bahala. Papadalhan nlg kita sa Friday. Sige... Bye"

Tooot... Tooot

Ai? Binaba agad? May lakad? Nagmamadali eh.

*forward to Friday* hehe

Gabi na ng makauwi ako sa bahay... Gumala pa kasi kami ni Ej sa mall eh. Bonding bonding... Si Dash naman eh...

Teka nga... Ba't wala siya kanina sa school? Absent siya eh..

Ding dong... Ding dong...

Paakyat pa lang ako sa stairs ng biglang may nag doorbell.

"Sis, can you open the door? Lilinisin ko pa kotse ko eh." Si kuya yun.

"Okay.."

Binuksan ko ang pintuan at...

"Dash!!!"

"Oh, ba't parang gulat na gulat ka? Ah siguro nagulat ka kasi may gwapo kang nakita no?"

<///> shemay ka!! O nga at gwapo ka. Pero kailangan ba talagang ipamukha sakin yan?

"Ano ka?! Kapal mo ha. Manalamin ka nga para malaman mong pangit ka!"

Tumawa naman ito. "Hindi ba akong pwedeng pumasok?"

"Ay haha joke. Pasok ka."

Pinaupo ko muna siya sa may sala..

"Teka. Kuha lang ako ng juice."

Nang pumunta na ako sa kusina, narinig kong binati ni Dash si kuya.

Close silang dalawa. Parang magkaugali kasi ang dalawang yan kaya naging close sila agad nung una silang magkita.

Dinalhan ko na rin ng juice si kuya at naupo sa couch.

"Ah nga pala kuya.. Where's mom?"

"Hindi ba niya nasabi sa'yo? Pumunta siyang Cebu. May business something ata siyang pupuntahan dun."

"Aaahhh... Ai teka lang ha. Magbibihis muna ako."

"Jae... Wait. May ibibigay muna ako sa'yo. Kunin ko lang sa kotse."

"Okay.."

Nung bumalik si Dash, may dala na siyang isang malaking box na white.

"Here... Wear that sa event tomorrow. Isukat mo na." ^__^

Umakyat na ako at excited na binuksan yung laman nung box.

O__O

Woooow!!!

Ang ganda ng damit!!!

Isang blue na long gown ito. Pero hindi ito yung normal lang na long gown kasi parang short dress ito na naging long gown lang dahil sa mahabang see-through na tela na nilagay sa skirt. Tube ito at may accent na silver at beads na parang diamonds. (Naiimagine niyo ba?)

Meron ding kasamang shoes at clutch bag na silver.

Sinukat ko iyon at tumingin sa salamin.

Fit ma fit siya at kitang kita ang curves ko. Chosss. Eh ano? Sexy kaya ako! Haha. Ang ganda ko! Maiinlove na talaga si Dash sa'kin--- whaat? Erase erase. Past is past!

Bumaba na nga ako. Narinig kong naguusap sila sa may couch na kaharap naman yung stairs. Habang pababa ako....

^__^ si kuya

O__O si Dash

<///> ako

Parang matutumaw naman ako sa tingin no Dash. Nakakailang... Hindi ako sanay sa tingin niyang ganyan...

"A-ang ganda mo, Jae."

"Eh, maganda naman talaga ako ah?!" Biro ko pero siyempre.. Nagiging kamatis na mukha ko sa sinabi niya. Eeehhh..

"Maganda talaga yang kapatid ko, Dash. Mana sa kuya eh." Tapos sinuntok ng marahan ni kuya si Dash sa balikat nito.

"Alam ko. Haha"

"Kaya ingatan mo yang kapatid ko, Dash ha."

"Wag ka mag-alala, Jake. Di ko yan pababayaan at sasaktan." sabay akbay sa'kin

Huuuuuuuhhh?! ANO DAAAAW?!

~

A/N

Yan lang muna. Sorry if medyo lame tong update na 'to ha. Babawi ako next update. 5 votes lang then maguupdate ako. :)

Comment.... VOTE... Kahit wag niyo na akong i fan :)

xoxo

My Best Friend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon