Same as he was before..

21 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

<JAE'S POV>

Nandito na kami ngayon sa mall. Naglalakad kami at andaming nakatingin. Sa gwapo ba naman nitong kasama ko eh...

"Wait. Diba si Dustine De Ayala yan?"

"Ahhhh!!! Oo nga! Shocks! Ang gwapo gwapo niya talaga. Pero sino yung girl?"

"Ha? Ewan. Baka yaya niya?"

Narinig ko yun ah! At ouch! Mukha na ba akong yaya pag katabi ko tong lalaking to? T_T

"Okay ka lang ba, Jae? Parang tulala ka?" Kinuha ni Dash yung kamay ko at yung isang kamay naman niya, hinawakan ang pisngi ko. Shit lang. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Close na ba kami ulit? Nakatingin kami ngayon sa isa't isa sa gitna ng mall. Umiinit na naman ang pisngi ko. Nakakahiyaaaaaa

"I'm fine... Okay lang ako, Dash." Sabay iwas ko ng tingin. Nahihiya na ako eeeeh

"Aaaahhhhh!!!! Kainggit yung mukhang muchachang yan!" Sigaw ng isa sa mga babaeng nagdalita kanina.

Narinig siguro ni Dash yung sabi ng babaeng pusit na yon kaya hinarap niya at sinabing...

"Don't ever call MY GIRL muchacha ever again. That word best describes you and not her. So leave her alone, will you?!"

Hala! Nagagalit ba siya dahil sa tinawag akong muchacha ng babaeng pusit na yon? Awww. Parang nung dati lang eh. Haaay. Na miss ko tuloy siya. I mean, yung dati. Alam nyo na yun.

Tapos ayun, umalis na kami dun at iniwan yung babae na nakanganga pati na rin yung mga kasama niya.

Alam nyo kasi, guys, hindi rin ganoon ka bait si Dash. Akala niyo siguro, mabait at friendly sya no? Eeengk! Mali kayo. Suplado kaya yan. Pag hindi ka nya feel, hindi ka nya papansinin. Pag nagalit siya sa'yo, patay ka. Ihanda mo na ang sarili mo dahil makakatanggap ka ng mga maaanghang na salita galing sa kanya. Ewan ko nga kung bakit kami naging friends nito eh.

Nagkautang na loob kasi sa'kin yang mokong na yan. Nung nag bar kasi kami ng mga friends ko, nandun din barkada nila. Tapos hindi ko alam ang rason pero nagsialisan yung mga kaibigan niya tapos naiwan siya na natutulog dun sa couch na inooccupy nila. Bigla namang may lalaki sana na kukuha ng mga gamit nya. Tapos bigla na lang akong umalis at tinawag yung bouncer. Eh, nakita ko yung pangyayari eh. Basta yun na yun. Nalaman niyang niligtas ko sya dun sa magnanakaw kaya naging friends kami. Hahahaha magulo ba? Basta yun na yun.

Si Dash, seryoso yan pag dating sa ibang tao. Yung tipong hindi ka kikibuin kung hindi kayo close. Bihira ding ngumiti yan sa public. Pero ang gusto ko kay Dash, hindi niya ako pinapabayaan. Palagi syang nandyan pag kailangan ko sya. Mabait sya sa'kin at lagi nya akong nginingitian. Pero di rin nawawala yung mga panukso niya sa'kin. palagi niya akong tinutukso na mataba, pangit, loser at kung anu-ano pa. Pero hindi ako napipikon sa kanya. Kaya nga di ko naiwasang mahulog sa kanya noon eh. Pero noon yun. Nag iba na kasi ang lahat numg hindi kami nag uusap. Sana bumalik ang kami noon. Haaay

"Ui! Jae! Nakikinig ka ba?"

Ha? Hala! Andito na pala kami sa loob ng Forever 21.

"Ha? Ah... Hehe. Anong sabi mo?" Ang lalim kasi ng iniisip ko eh. Yan tuloy.

Kinurot niya yung pisngi ko.

"Alam mo, di ko alam kung makukyutan ako sa'yo o maiinis. Haha" ayan na naman po ang killer smile nya...

"Aawwwaayyy....dasshhh...masssshhakith.."

Binitawan na niya pisngi ko.

"Ano ba kasi iniisip mo? Nagmukha tuloy akong tanga dito na kinakausap sarili ko."

"Sorry naman. Wala bang sorry? Anyway, ano ba sinasabi mo?"

"Tinatanong ko lang po, Miss Sungit, kung ano bibilhin mo? Mga damit ba? Kaya dinala kita dito."

"Oo damit nga pero bakit dito?" Nag sign ako sa kanya na lumapit siya dahil may ibubulong ako sa kanya. Kasi naman tong sales lady eh lumapit sa amin at titig na titig kay Dash.

"Dash, mahal mga damit dito. Wala akong pera. Alam mo naman yun diba?" Alam niya kasi na hindi ako ganun ka mahal gumastos para sa damit lang.

"Sus. Ano ka ba? Ililibre na kita. Ngayon lang kasi ulit tayo nag mall eh. Kaya sahot ko na to. Pumili ka na dun."

😁

Grabe ang ngisi ko. Talagang ngisi sya. Yung lamalabas yung ngipin. Kasi naman eh.. Hindi ako nakangisi ng dahil sa ililibre niya ako... Kundi dahil ganun pa rin siya. Hindi nagbago ang pakikitungo noya sa akin. At kung tatanungin niyo kung tatanggapin ko ba ang alok niya, ano pa ba magagawa ko? Hindi naman ako nananalo sa mga arguements naming dalawa eh.

Pero masaya talaga ako ngayon. Napaka saya.

~

A/N

Sorry sa mga typos. Itouch kasi gamit ko pag gumagawa ng UD eh.

Hope you like it!:)

Vote? Comment? Be a fan?! :)

xoxo

My Best Friend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon