Chapter 3

734 8 3
                                    

Slater iho –salubong ni Melai sa isa pang alaga ng mapagbuksan ito ng pinto madaling araw kasi ng dumating ito sa Iran –bakit hindi ka nagpasabi para sana nasundo ka –palatak nito

Di na kailangan yay kaya ko naman –kumusta kana yay? –si mama? –si Daniel? –sunod-sunod na tanong ni Slater sa yaya

Ok lang ako anak –si mama mo at si Daniel ang hindi ok –teka ano bang gusto mo ipaghanda kita

Hwag na  yay –pigil nito sa yaya –nahahalata kasi nitong balisa ito –are you sure yay you’re ok?

O-oo naman sige kung hindi kana magpapahanda kwarto mo nalang ang ihanda ko

Yay –kaya ko na –magpahinga ka nalang ako na bahala sa sarili ko –hinatid pa ni Slater ang yaya sa kwarto nito at sya naman pumasok na sa sarili nyang kwarto –nilibot nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto -sa loob ng 7 taong nawala sya sa bahay wala namang masyadong nagbago –kung paanong ayos nung iniwan nya ang kanyang kwarto ay ganon pa din ito  ngayun –umupo sya sa gilid ng kanyang kama at binuksan ang drawer may kinuha syang maliit na kahon –tinitigan lang ito para bang pinakiramdaman ang kung ano man ang nasa loob niyon bago nagpakawala ng malalim na hininga –ibinalik nya sa pinaglagyan ang kahon at lumabas ng kwarto

DJ –tawag ni Slater sabay katok sa kwarto ng kapatid –ngunit walang sumasagot kaya inisip nyang baka mahimbing na itong natulog –bukas ko nalang ibigay sa kanya tong pasalubong ko kausap nya sa sarili

Maagang nagising si Slater kinaumagahan pakiramdam nya namahay ang katawan nya kaya hindi sya masyadong nakatulog kaya lumabas nalang sya ng maaga at inikot ang kinalakihang lugar gamit ang kanyang paboritong kabayo si Archy –na miss ko to saad nya habang hawak ang mukha ni Archy ng matapos silang tumakbo

Slater anak –gulat ng saad ng kanyang ina nang makita syang papasok sa loob ng bahay

Mama –mabilis na kilos ang ginawa ni Slater para lapitan ang ina inikot ikot nya ito habang binubuhat –ma kumusta kana? –tanong nito sa ina nang ibaba nya ito

Ok lang naman ako anak masaya ng sa wakas umuwi kana –masayang nagkwentuhan ang mag-ina hindi alintana na may mga matang nakamasid sa kanila –kung hindi pa ito tumikhim hindi ito mapapansin ng mag-ina

Baba –marhaba maiksing bati ni Slater sa ama

Melai tawagin mo na si Daniel para sabay-sabay na tayong kumain –utos ni Karla sa kaibigan sabihin mo na nandito ang kuya nya

Mabilis namang tumalima si Melai ngunit agad din itong bumalik sa habag at sinabing wala si Daniel sa kwarto nito

Saan pa ba ang batang iyon kundi sa football field kanda utal utal sa pagtatagalog na saad ni Abdul –Melai call Daniel or Cedric tell them to come home –tumango lang si Melai at tinungo ang lagayan ng telepono

Did I hear it right –bungad ni Cedric –nakagawian na kasi nito na maagang pumupunta sa bahay ng kaibigan para sabay na silang pumuntang school

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon