Chapter 37

448 8 9
                                    

Abala si Kath sa paglilinis ng bahay –natapos na pati paglalaba nya pero hindi pa din lumabas si Daniel ng kwarto nito –ni hindi ito nag almusal at tanghalian at ngayun ay hapon na –ang pagkaka-alam nya ngayon ang victory party nila at concert for a cause

Ano namang problema ng taong to di ba sya na karamdam ng gutom –siguro sobrang pagod talaga kaya bumabawi ng tulog –kunsula nya sa kanyang isip –pero dahil hindi sya mapakali pinuntahan nya ito sa kwarto ­–Daniel –DJ –tawag nya dito na may kasamang katok nang walang sumagot dahan-dahan nyang binuksan ang pinto –anak nang ­–di nya napigilang maibulalas ng makita ang kwartong ng kasama kaya nagmadali syang pumasok –Daniel –sigaw nya dito -­jusko kang tao ka ilang bagyo ba ang dumaan dito sa kwarto mo? ­–patuloy nyang asik dito habang isa-isang pinupulot ang mga nagkalat sa sahig hangang sa nadag-dagan an gang gulat nya ng masipa ang isang bote ng beer –anak ng tipalong ­hoy Daniel gumising ka –pinaghahampas nya ito ng unan

Kath ano ba inaantok pa ako ­reklamo naman nya dito

Paano ka nakakatalog ng ganito ang amoy ng kwarto mo ha? –bumangod ka nga dyan at kilan ka pa natotong uminom mag-isa ha –at sinilip ang ilalim ng kama nito kung saan nakatago ang mga bote ng beer

Ako na maglilinis nyan –sagot naman ni Daniel sabay talukbong ng kumot

Hayz ano bang problema mo ha? -isusumbong talaga kita kay Mamita dito sa mga pinag-gagawa mo –galit nyang baling dito

Dahan-dahang binaba ni Daniel ang kumot at tiningnan nya si Kath -para silang nagpaligsahan sa titigan –hangang sa umupo ito sa kanyang kama sinandal nalang nya ang kanyang ulo sa headboard at napapikit dahil sa kirot na kanyang naramdaman sa kanyang ulo

Alam mo naman ang dahilan e –mahina nyang saad habang nakatingin pa rin kay Kath

Daniel di ba nag-usap na tayo

Oo pero hindi ko maintindihan –alam kung nasaktan kita pero doble yung sakit na nararamdaman ko sa twing hindi mo ako pinapansin –alam kung nahihirapan kang maniwala sa akin pero mahal na mahal kita Kath –please patawarin mo na ako –hindi ko talaga sinasadyang saktan ka

Daniel tama na –hwag nalang natin pag-usapan pa sige na mag-ayos ka na

Ayokong pumunta –at bumalik ito sa paghiga

Ayaw mong pumunta -hwag ka ngang parang bata dyan –you owe your victory to your fans tapos sold out na yung ticket para sa show nyo tapos hindi ka sisipot –gusto mo bang pagbabatuhin itong bahay natin ng mga taong bumili ng ticket nyo –sige na bumangon ka na dyan halos buong araw ka nang hindi kumakain –tsaka hwag kang lumabas hangat hindi mo nalilinis itong kwarto mo ha ­–palabas na si Kath ng kwarto ni Daniel nang bigla sya nitong pangkuin at dinala sa kama

Lalabas lang ako ng kwarto basta mangako ka na manonood ka ng concert namin –sabi nito habang yakap yakap nya si Kath mula sa likuran at nakasiksik ang ulo nito sa kanyang leeg

Napapikit nalang si Kath ng maramdaman ang mabining paghalik ni Daniel sa kanyang leeg ­–ang baho ng hininga mo Daniel –maligo ka na parang awa mo na ang baho mo talaga –pilit nyang hinawi ang mga kamay nitong nakapulupot sa kanyang bewang

Sabihin mo munang manonood ka? –patuloy pa rin itong humahalik sa leeg ng dalaga

E kung sabihin kong hindi ako manonood

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon