Chapter 41

428 9 10
                                    

Ate bakit parang ang dami mo naman yatang niluto ngayon may bisita ba? –tanong ni Kath dito –tinawagan nya kasi ito na tumuloy sa kanila paglabas nito mula sa trabaho

Kath –nag-alangang tanong nito sa kaibigan

Yes ate?

How much Daniel hate his father?

Ate hindi ko rin alam pero may kutob sya na alam ng Baba nya na nandito sya –ilang besis naman din kasi syang lumabas sa TV

Kath kasi nandito sila –mahina nitong sabi

What? –di mapigilan ni Kath ang magulat kaya tumaas ang boses nya –sabay namang napalingon si Daniel at Adrian sa gawi ng dalawang babae –pano ngayon yan ate?

Si Slater kasi tumawag sa kanila sinabi na nagpakasal na kami –ayun gustong pumunta ng mga magulang nya dito -sinabi kung tawagan kayo kagabi hindi naman ginawa –baka mag walk out si Daniel mamaya –nag-alalang saad ni Tin

Bakit ako mag-wawalk-out ate?

Gulat na na napalingon si Tin at Kath sa bukana ng dinning kung saan sila nag-uusap –kaya wala nang nagawa si Tin kundi hilahin ang dalawa papuntang sala –Dan kasi

Ate spill it out –nakangiting turan ni Daniel ng hindi maituloy-tuloy ni Tin ang sasabihin

Kasi papunta na ngayon dito ang mga magulang mo kasama si iyay –matamang tiningnan ni Tin ang dalawa matapos sabihin ang kinakatakutan nyang malaman ng dalawa habang wala pa si Slater

So? –parang walang ganang sagot ni Daniel

Hindi ka galit? –hindi ka magwawalk-out? –takang tanong niya dito

Whats the use ate –alam kung maraming mata at tenga si Baba kahit saan pa siguro ako napunta alam nya pagkalapat palang ng paa ko –pero hindi na ako matatakot sa kanya may sarili na akong buhay –kaya ko nang tumayo sa sarili kung paa at mag desisyon sa sarili ko –tama na rin siguro na magkaharap kami dahil sasabihin ko na sa kanya na magpapakasal kami ni Kath

Dan papano kung gugustuhin nya pa ring ikasal ka doon sa gusto nyang babae –malungkot na tanong ni Kath

Mahal ko –saad nito sabay gagap ng kamay ng kasintahan –alam mong hindi mangyayari yan –kung nung hindi pa kita nakilala tumakas ako ngayon pang na sayo na ang puso ko –seryosong saad nito

Pero what if –hindi na naipagpatuloy ni Kath ang sasabihin nya sana dahil pinigilan na ito ni Daniel –tinakpan nya ang bibig nito gamit ang kanyang palad

Tama si DJ Kath –at maniwala ka mabait na tao ang ama nila –kung ako nga na naging katulong nila tinanggap nya ng buo ikaw pa kaya na anak ng pinagkakatiwalaan nila –tukoy nito sa yaya ng dalawang lalaki sa buhay nila

Pero iba ka ate –kasi ikaw kilala na nila –e ako hindi pa naman nila ako nakikilala

Stop worrying will you? –saad ni Daniel sabay yakap sa kanya

Halos maghahating gabi na silang naghihintay nakatulog na si Adrian sa paghihintay sa mga abuelo –pati si Daniel at Kathryn pinagkasya ang mga sarili sa malaking sofa –si Tin naman hindi mapakali palakad lakad ito –Slater sagutin mo naman ang phone mo -asik nya sa kanyang sarili dahil kanina nya pa tinatawagan ang asawa pero nakapatay ang phone nito

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon