Chapter 14

537 8 2
                                    

Lumipas ang mga araw -lingo at buwan patuloy ang iwasan nina Kathryn at Daniel –si Daniel sa mga bago nyang kaibigan si Kath solo minsan kapag naroon si EJ sa practice o kaya actual game ni Daniel

Isang gabi dumating si Daniel kasama ang ibang ka team mate may dalang gitara ang mga iyon narinig nyang usapan sasali sila sa battle of the band ng school –tiniis ni Kath ang ingay dahil weekend naman

Sana man lang nagpasabi na mag sasama sya ng mga kaibigan alam naman nyang hindi ako tumatangap ng kahit na sinong bisita maliban kay EJ –palatak ni Kath sa kanyang isip –ang buong akala nya yun lang ang una at huling magsasama si Daniel ng bisita sa bahay pero nagkakamali sya dahil araw-araw nalang naroon ang mga kaibigan nito –ang hindi nya pa gusto ay minsang nag-inom ang mga ito at doon na nagsipag tulog –wala syang nagawa kinabukasan kundi ang linisin ang kalat nila –inutusan pa sya ni Daniel na ipagluto sila

Pagkaalis ng mga kaibigan ni Daniel minabuti nang kausapin sya ni Kath –Daniel alam kung galit na galit ka sa akin –pero sana naman ibigay mo rin sa akin ang privacy ko –hindi pa man tapos si Kath sa sasabihin nya ng magsalita si Daniel

Bakit Kath natatakot kang may gawin sayo ang mga kaibigan ko? –hwag kang mag-alala hinding-hindi ka nila lalapitan takot lang nila sayo –tsaka hindi ka gusto ng mga yon –parang sampal sa magkabilang pisngi ni Kath ang narinig mula kay Daniel

Hindi naman sa ganon Daniel –pilit nya pa ring nagpaka mahinahon kahit na nang-gagalaiti na sya sa galit –alam ko naman na walang kahit na sino ang magkagusto sa akin –pero naman sana maintindihan nyo na kailangan ko ding mag-aral

Hindi ka naman namin iniistorbo ah

Hindi nga pero yung ingay nyo –ilang araw na akong walang matinong tulog hindi pa ako nakakapag concentrate sa pag-aaral dahil sa ingay nyo –akala ni Kath matapos nilang mag-usap ay magiging ok na –pero nagkakamali sya dahil parang iniinis talaga sya ni Daniel kung noon sa labas sila ang bahay nag kakantahan –ngayun sa loob na talaga at pinapakialaman na ang mga gamit nya pati personal nyang gamit –pero hindi na sya muling nakiusap kay Daniel

Kath –kathryn –gising sa kanya ni EJ –ano bayan gurl araw araw nalang nakakatulog ka na sa klase –galit na naman sayo si prof

Tinaas ni Kath ang kanyang ulo at itinukod nya ang mga kamay sa pisngi para hindi mahulog ang kanyang ulo

Canteen tayo gurl –aya ni EJ kay Kath –iniwan nya ito para mag order pero pagbalik nya nakatulog na naman ito sa lamesa –gurl –gurl –hoy gising ano bayan walang pinipiling lugar ng pagtulog?

Gurl sorry ha antok na antok talaga ako e

Ilang gabi ka na bang hindi natutulog at ganyang ka –tsaka tingnan mo yang mata mo gurl parang bangkay ang itim at ang lalim

Alam mo naman graduating tayo kailangan kung magreview

Sos kahit hindi ka mag review Kathryn alam kung yakang yaka mo ang exam –pero ang pinagtataka ko din lang nakailang exams na tayo ha sobrang baba ng grades mo –gurl ano ba talagang nangyayari –baka naman hindi ka pa maka graduate niyan ilang beses ka na rin napagalitan ng mga prof natin –nagtataka na nga din si dean dahil kung kilan patapos ka na tsaka ka nagbulakbol

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon