Chapter 47

318 10 4
                                    

Maagang nagising si Daniel para ipaghanda ng almusal ang asawa pero naunahan sya ng kanyang iyay Melai –good morning yay –masigla nyang bati dito sabay halik sa pisngi

Goodmorning ang aga mo naman gumising?

Ipaghahanda ko ng breakfast at baon si Kath yay

Bumalik ka na sa kwarto nyo ako nang bahala dito

But yay –protesta ni Daniel –ako ang asawa dapat ako ang magsilbi diba

Sige na anak makinig kana kay iyay mo ha –ako na bahala dito sa kusina –bumalik ka na muna sa pagtulog –masyado pang maaga –baka antukin ka sa skwela –mataman namang nakatingin si Daniel sa iyay nya habang sanasabi ang huling salita –oh bakit ganyan ang itsura mo –kinabahang tanong ni Melai –may na diskubre kaba kay Kath?

No iyay wala –wala pa naman –sige balik na ako sa kwarto –basta sigurado ka ha na ok kalang na ikaw dyan –pwedi naman talagang ako nalang dyan iyay e –pero pinandilatan lang sya ni Melai –sabi ko nga babalik na –sabay turo pa ni Daniel sa gawi ng kwarto nila –wew kala ko pinaparingan ako ni iyay –saad ng isip nya

Pagbalik nya sa kwarto mahimbing pa ding natutulog ang asawa kaya niyakap nya nalang ito –gumalaw naman si Kath at isiniksik ang mukha sa dibdib ng asawa –sana mali ako mahal ko –sana mali ang hinala ko –bulong nya habang sinusuklay ng kamay nya ang buhok ni Kath

Habang tumatagal ang pagsasama ni Daniel at Kath sa iisang kwarto mas lalo syang kinakabahan ng minsan nyang naabutan ang asawa namimilipit sa sakin sa tyan –mahal anong nangyari?

 Marahang naitaas naman ni Kath ang kanyang ulo at umiling –magkakaroon siguro ako kaya sumakit nalang bigla ang puson ko

Pero bakit ngayon lang? –nagtatakang tanong ni Daniel

Hindi ko rin alam e –pero don’t worry I’m sure mawawala din to

Lets go –agad syang binuhat ni Daniel

Dan put me down –saan mo ba ako dadalhin?

Sa hospital gusto kong makasiguro na ok kalang talaga

Mahal ok lang talaga ako –hwag ka ngang paranoid dyan –pagnakita tayo ni Mamita isa pa yong kakabahan –ibaba muna ako –ok lang ako ihiga ko lang

Kath

Im ok –putol nya kay Daniel kaya wala na itong nagawa kundi ang ibaba sya muli sa kama

Papa next week na po ang birthday ko pupunta po ba sila lolo Baldo at lola Cora? –tanong ni Adrian sa ama

What did they tell you ba? –iling lang ang sinagot ni Adrian

Buddy as much as I want to promise you na dadating sila Nanay at Tatay pero –napahinto si Slater sa sinasabi ng may nakita itong namumuong luha sa mata ng anak –damn –sabay takip sa tenga ng anak ng naisitinig nya ang kanyang frustration

It’s ok papa –bigla nalang syang niyakap ni Adrian –wala na ding nagawa si Slater kundi ang hagurin ang likod ng anak –ng hindi pa rin ito bumitaw sa pagkakayakap sa leeg nya –binuhat nya nalang ito –at dinala sa kotse

Hindi alam ni Slater kung saan nya dadalhin ang anak na tahimik lang sa passenger seat –nagulat pa sya ng tumunog ang kanyang celphone –hon –agad nyang saad ng masino ang tumawag –sorry magkasama kami ni Adi may pupuntahan lang kami –hindi ka pa kasi dumating kaya akala ko matatagalan ka pa –yes will be home early

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon