Chapter 13

616 8 4
                                    

Nagising si Christine sa pangambang baka namatay ang ilaw nila at matakot na naman ang anak –nagulat pa syang makita na katabi nilang mag-ina si Slater sa pagtulog –tsaka nya napagtanto na hindi nya nga pala ito naihatid sa kwartong dapat na pagpapahingaan nya –ngunit hindi din nya mapigil ang mapangiti sa ayos nilang iyon –isang larawan ng buo at masayang pamilya ang nakikita nya –sya nakayakap sa anak habang ang mga paa ng bata ay nakadantay sa kanyang tyan habang nakatagilid ito paharap sa pwesto ni Slater at nakayapos ang bising sa leeg –samantalang si Slater naman nakapatong ang mga bisig sa braso nyang nakayakap kay Adrian

Sana ganito nalang lage –hindi nya mapigil na usal –pero mabilis din nya itong winaglit sa kanyang isipan dahil alam nyang hindi mangyayari ang lahat –oras na matapos na ang project ni Slater dito sa Pilipinas iiwan din sila nito –marahan nyang hinila ang braso nya para hindi magising ang mga kasama dahan dahan syang tumayo at nagpalit ng ilaw –naka upo lang ito sa pwesto nya at pinagmasdan ang dalawa

Nakapulupot pa din ang bising ni Adrian sa leeg ni Slater habang yakap naman din ito ng huli nakadantay na rin ang isang paa ng bata sa katawan nito –hindi napigil ni Tin ang maluha dahil sa kanyang nasaksihan –ngunit ayaw nyang masaktan ang anak katulad ng naramdam nyang sakit noon

Hindi na makatulog ulit si Christine kaya bumangod nalang sya at naghanda ng makain nila –magtatanghali na pero hindi pa din nagising sina Slater at Adrian kaya binalikan nya ito sa kwarto –pero mali pala sya dahil gising na ang mga ito at naglalaro sa cellphone

Good Morning baby –bati nya sa anak -naku naku tama na yan at hinalikan ito

Good Morning Mama –masiglang bati naman ni Adrian sa ina sabay halik

Good Morning Tin –bati din ni Slater sa kasama

Good Morning -sagot naman nito –anak hwag mo nang laruan yang phone ni tito Slater mo baka ma lowbat yan hindi pa bumalik ang kuryente

Hindi pa rin ba tumigil ang bagyo? –tanong ni Slater habang bumabangon

Hindi pa rin e malakas pa din yung ulan at hangin bumabaha na nga sa labas –sige na tara nang makakain na tanghali na

Agad namang napatingin si Slater sa kanyang relo mag ti-10 na pala –naku sorry ha napasarap yung tulog ko tapos dito na rin pala ako sa kwarto nyo nakatulog

Sorry din hindi na kita naihatid sa kwarto mo dapat –nakatulogan kita –sana hindi ka nahirapan sa pagtulog dahil ang sikip natin

Hindi naman maayos naman ang pagtulog ko –ang sarap sa pakiramdam yung kasama mo ang mga mahal mo

Bago pa man humaba ang sasabihin ni Slater pinutol na ito ni Christine –halina kayo lalamig yung pagkain –lets go anak

Wanna ride again my back? –tanong ni Slater sa bata na agad namang sumampa ito

Adrian you’re heavy na baka mabali yang likod ng tito Slater mo

Grabe ka naman Christine hindi naman ako matanda para mabali ang likod –right kiddo? –ang lakas lakas ko kaya –come on buddy lets show Mama that we are strong –at sabay nilang tinaas ang mga bising at nilabas ang mga muscle

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon