Chapter 27

529 4 2
                                    

Half time na wala pa ring nagagawang goal ang KNU samantalang ang kalabang school may dalawang goal na –Padilla I need your full concentration here –sigaw sa kanya ng kanyang coach

Pare ano bang nangyayari? -kahapon sa practice napaka aggressive mo tapos ngayon parang wala ka sa sarili mo may sakit ka ba? –nag-alalang tanong ni Lester

Wala ok lang ako –hindi ko lang alam kung bakit ganito yung laro ko –sagot naman ni Daniel habang panay ang gala ng mata nya

Boys I need you to be 100% intense on this 2nd half –maasahan ko ba yan? –sigaw ng coach nila at nag umpisa nang pumunta sa field

EJ saan ka ba banda –hanap ni Kath kay EJ –dahil sa dami ng tao kaya siguro hindi naririnig nito ang kanyang mga tawag –kaya nagpasya nalang syang pumwesto sa bandang taas –mabuti na doon hindi masyadong matao –kakaiba pa naman ang soot nya sa mga spectator dahil ang mga naroon ay naka casual lang samantalang sya naka gown

Bagsak pa din ang balikat ni Daniel habang mabagal itong tumatakbo ng bigla itong bangain ni Lester –ano ka ba magkakampi tayo tapos ikaw ang babanga sa akin –upakan kaya kita dyan –padaskol na saad ni Daniel

Oiii smile ka na –alam ko na kung bakit ka ganyan

Ha? –naguguluhang tanong naman din ni Daniel –parang walang paki-alam ang dalawa kung nasaan sila habang tumatakbong nag-uusap

Ayun oh kararating lang ata –mukhang tumakas dun sa ka date nya –hindi pa nagpagpalit e –dahil sa sinabing iyon ni lester napatigil si Daniel sa pagtakbo at tiningnan ang tinuro ni Lester na ngayon ay humahabol na sa bola

Napatayo naman si Kath sa kanyang kinauupuan nang makitang tumigil sa pagtakbo si Daniel –humakbang sya ng ilang baitang mula sa concrete stair ng stadium

Napangiti si Daniel ng makita si Kath habang bumaba ng ilang steps –Padilla what are you doing? –narinig nyang sigaw ng kanyang coach –mabilis syang lumingon dito at sumalado –muling syang humarap sa kinaroroonan ni Kath at tinaas ang kanyang kamay –bago sinalubong ang papalapit na kalaban na may tangay ng football

Agad naman nyang naagaw ang bola at mabilis na sinipa papunta sa goal ng kalaban –parang kidlat ang nangyari nang maipasok nito ang first goal ng KNU football team –sinalubong na naman si Daniel ni Lester at nagbangaan ang kanilang mga dibdib –sya lang pala ang hinihintay mo pre e –bulong nya dito at sabay na silang tumakbo

Naupo lang si Kath nang biglang napalingon sa katabi –buti pinayagan ka ni Quen na umalis dun sa party nya –sabi ni EJ sabay yakap sa kaibigan

Eh kailangan e –para maging fair ako sa kanilang dalawa diba? –bakit ganyan ang itsura mo? –nag-alalang tanong naman ni Kath sa kaibigan

Eh kasi naiinis ako sayo

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon